Chapter 1: A normal day

Start from the beginning
                                    

Right after my brother and I was sent to the battlefield, we encountered some orcs na naggaling sa ibang kontinente. Mayroon ding mga witch at baboy-ramo na sobrang bilis. "Oo nga pala, ano nga ba ang nagpatalo sa amin? Ang dahilan kung bakit namatay ang kapatid ko." My lips parted.

"May mga anghel na itim ang pakpak. Pero hindi talaga anghel ang tawag sa kanila. Ano nga ba iyon?" Inisip-isip ko pa at napataas ang kilay. "Devils, demons, or black winged. Ang kalaban ng emperyo ng Grasha." Dahil ang emperyo ng Grasha ay may basbas ng mga anghel at nais ng mga demonyo na papatakin ang mga ito.

Agad ko iyong isinulat at inisip pa ang sumunod. Matapos kong makatakas sa labanan. Naipaalam ko agad ito kay Ama at nang dahil doon. Isinisi nila sa akin ang pagkamatay ni Kuya. Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong ako lamang ang ipadala roon.

Dahil doon nag-simula ang paghihirap at peligro ko. Kung maiiwasan ko ang pagkamatay ng aking panganay na kapatid ay natitiyak kong mag-iiba na ang aking kapalaran. Sino nga ba ang Heneral na pupunta rito sa kaarawan ni Ama? Doon nga rin pala magsisimula ang pagkapahiya ko na kailangan kong iwasan.

Sikat naman na ako sa bansag na walang kuwenta kaya kilala parin nila ako sa pangalang iyon. Isinulat ko ang lahat ng iyon. Dahil balak kong linisin ang pangalan ko at paghandaan ang kaarawan ni Ama. Ano palang ireregalo ko sa kaniya? Umiling-iling ako.

Wala akong pera. Kailangan kong ibenta ang mga gamit na naririto. Tutal magaganda parin naman ang mga gamit dito na nakatambak. Kung ganoon, paano rin ako kikilos sa bahay na ito kung puno ng espiya sa akin. Sumakit ang ulo ko sa mga naiisip.

"Ilang buwan pa naman bago ang kaarawan ni Ama. Kung ganoon, kailangan kong humingi ng kuwarto sa kaniya. At sa paanong paraan ko naman siya makukumbinsi?" Tanong ko sa aking sarili.

Agad akong napangiti sa naisip. Sinubukan kong ilabas ang bagay na naiwan ni Ina sa akin. Ang diamond necklace na galing pa sa land of ice. Pinagmasdan ko iyon at kinausap, ang sabi ni Ina ay kailangan ko itong sabihan ng engkantasyon na hindi ko ginawa noon pa man kaya't naagaw ito sa akin, shall I try.

"I'll get you back, kapag nakita kita. I'm your second owner and I'll be the last. For now, maraming hahawak sa iyo kaya doon ka na muna sa kanilang mga kamay ngunit ako lamang ang may karapatang gumamit sa iyo sa tamang paraan at sa oras ng aking pangangailangan." Agad iyong umilaw at hindi makapaniwala akong napapikit dahil sa liwanag na inilabas nito. Tinakpan ko ng aking braso ang aking mata.

Nang maimulat ko ito ay nakalutang na ito sa aking harapan. Hindi makapaniwala akong napatingin sa paligid. Tama nga si Ina. Kinikilala nga nito ang kaniyang amo at sumagot ito sa aking sinabi. Ngayon, ibebenta kita sa halagang yayaman ako ng sobra. Pero sa ngayon, maglilinis muna ako ng aking katawan. Napagkasunduan kong maligo sa ilog kaya umalis ako ng kuwarto.

Ngunit napatingin ako sa isang maid na masamang nakatingin sa akin at pinasunod ako. "Dito ka na mananatili simula ngayon. Ito ang utos ng iyong Ama," Pinapasok niya ako sa aking dating silid kaya napaisip ako.

Dahil ba sa pagvo volunteer ko ay binigyan niya ako ng maayos na silid. Nakita ko naman ang napakaraming maid na naghihintay sa akin at sa sobrang taas ng kanilang pride ay hindi ko sila maabot. Siguradong wala naman silang balak na maganda sa akin.

"The Patriarch is expecting your presence on the dining hall, we'll assist you from now on-"

"I'd rather do it on my own. I do not need any of your assistance. All of you can leave. Now." Hindi naman masama kung ipagtatanggol ko ang aking sarili. Dahil hindi ko hahayaang tapak-tapakan ako ng mga maids na hindi ko naman kapantay.

Kung nais nila akong insultuhin sa paggamit ng salitang hindi ako lubos maalam noon. P'wes hindi na ngayon. "P-pero-"

"There are so many of you. I'm sure you'll only get on each other's way later so I'll do it by myself. To be fair." Seryoso kong sabi kaya umalis na sila at padabog na sinaraduhan ang pintuan. They will lock it so I don't care. Ilang beses na rin naman akong tumakas sa kulungan at naging eksperto na ako sa pagkakalas ng iba't ibang klaseng lock.

Pumunta ako sa aking damitan at napataas ang kilay ng naroon parin ang mga damit ko. Ano bang pakulo ang plano nila? Hindi rin maganda ang tatanga-tanga dahil ako lamg din ang mapapahamak.

Dinutdot ko ang mainit na tubig upamg tingnan kung mayroon bang acid roon ngunit wala naman. Inihanda ko ang mga damit ko malapit sa aking puwesto at inayos ang aking mga isusuot bago lumubog sa maligamgam na paliguan na may rosas sa tubig.

I know that after the normal treatment comes after the karma or tragedy that I've been trying to be wary of. Naniniwala akong matapos ang saglit na kaligayahan ay may kapalit na pagdudusa. Kaya kailamgan ko paring maging handa sa anumang plano ng mga bruhang iyon.

Ilang beses na akong nagkamali ng desisyon dahil sa kanila at hindi ko na iyon hahayaan pa. Nilubog ko ang buong katawan ko sa tubig at bumangon ng may makitang itim na usok.

"Spell?" Hindi ko alam na aabot na pala sa ganito ang kanilang mga pakulo. Ano nga ba ang pangontra sa ganitong klase ng mahinang spell? Mahina man ito ngunit para sa akin na normal na tao at bata pa lamang ay maaari na nitong mapatay.

Agad akong nakaramdam ng kaba at galit. Napakuyom ang aking kamay bago huminga ng malalim. Spell can only be dispelled by a spell. My sister has gone too far. Too bad I am taking a bath. And a spell is meaningless with a holy water.

________________

Not Edited

[Vampire Series 1] Save meWhere stories live. Discover now