CHAPTER 13

7.2K 178 6
                                    

"PRANSYA, I know you couldn't like this."

Nilingon niya ang bagong dating na si Irene.Nasa pantry siya at kasalukuyang nanonood ng TV.

Pinagtaasan niya ito ng kilay.Tinabihan siya nito.

"’Yong boyfriend mo may kasamang ibang babae.Remember the girl in Fine arts building? Si Catherine Silverio ‘yong Ms.Trendy natin last year."

“N-nasan sila?"

"Nasa auditorium sila and take note, sila lang dalawa.Naku, siguradong nilalandi niya si Crisboy.Sugurin mo sila, you have the right Pransya.Huwag kang umupo lang dito."

She held her breath for a while.Hindi kaya si Christian na mismo ang gumawa ng paraan upang makipagbalikan kay Catherine at upang makalayo na ito sakanya? She was hurt when realization came up.Gusto niyang magselos ngunit wala siyang karapatan.Hindi siya nito girlfriend para magalit siya sa ginagawa ng mga ito.Sa halip siya dapat ang manahimik at hayaan ang mga ito dahil iyon naman talaga ang plano kung bakit siya nito pinagpanggap na girlfriend.Iyon ay ang muling mapasakamay nito si Catherine.

Pinagdikit niya ang mga labi.Pinigilan niyang maiyak sa harap ng kaibigan.Nang bigla na lang siya nitong hinila.Nagtago sila sa likod ng stage ng auditorium habang sinisilip si Christian at Catherine.Tanging ang mga ito lang ang tao roon at medyo madilim ang lugar dahil nakapatay ang mga ilaw.Nasapo niya ang bibig nang halikan ni Christian si Catherine sa labi.

 "Ano ba!"  si Catherine na agad na lumayo dito.Mababanaag na nagulat ito sa ginawa ng binata.

"Cath, Nalilito ako sa nararamdaman ko kaya please say that you still love me para matahimik na ako." hawak ni Christian and magkabilang braso ng dalaga.

"Bakit mo ba nasasabi ‘yan? May girlfriend ka na.Don't do this to her.Don’t deny that thing Chris.Malinaw na nakarating sa’kin ang balita na may girlfriend ka na." tinanggal nito ang braso ng binata sa mga braso.

"But Cath....She's not my girlfriend.Pinagpanggap ko lang siya dahil bayad niya ‘yon sa nagawa niyang kasalanan.That's all kaya wala kang dapat na ipag-alala.You know how much I love you.Hindi madaling kalimutan ang kung ano mang meron tayo noon.Just say you still love me, please Cath."

He was about to kneel down when she kept her sight away to them.Hindi na niya kaya makita ang mga susunod na mangyayari.Sinundan siya ni Irene nang maglakad siya palabas.Sigurado siya na matapos ang pag-uusap na iyon ni Christian at Catherine ay magkakabalikan na ang mga ito.

“Pransya, hintayin mo naman ako.May gusto akong linawin sa’yo.”

Saka lang siya huminto nang medyo makalayo na sa auditorium.Nilingon niya ito.

"Ano ‘yong sinabi niyang nagpapanggap lang kayo?"

"Gaya ng sinabi niya, hindi totoong naging kami.Nagpanggap lang kami dahil kailangan kong bayaran ang nabasag kong crystal glass sa mansyon nila."

"Mansyon? What do you mean by that? Bakit ka nasa mansyon nila?"

Wala na siyang pakialam ano man ang malaman nito.Iyon na din siguro ang right time na matagal na niyang hinihintay upang aminin dito ang totoo.

"Hindi toong anak mayaman ako Irene.Taga-laba ng pamilya ni Christian ang mama.Hanggang sa dumating ang pagkakataon na pinatira kami doon ng daddy ni Christian.Para mas malinaw amo namin sila.” Hindi na niya napigilan ang hikbing kanina pa gustong kumawala.Maagap naman siya nitong niyapos. “I'm really sorry.Hindi ko sinasadya.Natatakot lang akong layuan ninyo ako oras na aminin ko sa inyo ang totoo.Patawarin mo ako.Sana maintindihan mo kung bakit kinailangan kong magsinungaling sa inyo.Ayoko lang kaawan ninyo ako.Naisip ko kung aakto ako na gaya ninyo magiging pantay ang tingin ninyo sa akin.Kung magagalit man kayo sa’kin nila Jenny at Lexine tatangapin ko.Pero sana mapatawad ninyo ako." Hinigpitan niya ang yakap dito na para bang doon siya humuhugot ng lakas.

Bahagyang gumaan ang pakiramdam niya nang himasin nito ang likod niya.Hindi ito nagsalita at parang inaabsorb pa ang lahat ng mga sinabi niya.Kapagkuwan ay nilayo siya nito dito.

"Pinapatawad na kita.You don't need to cry like that.Alam kong naging napakabuti mong kaibigan sa amin at naiintindihan ko kung bakit mo nagawang magsinungaling.Siguro kung nasa gaya mo akong sitwasyon baka magawa ko din ‘yon.Hindi big thing sa akin ang mga ginawa mo at alam ko maging kina Jenny at Lexine.We’re just human and we tend to do mistakes.But next time don't do this okay? Huwg ka nang magsisinungaling ulit.Hindi naman porket may kaya kami mamaliitin ka namin.Maybe other people would do.Pero iba kaming mga kaibigan mo.Hindi ka sana nag-isip ng maling bagay sa amin.Sa tagal na nating magkakaibigan kilala mo na naman kami hindi ba?"

“’Yon na nga.Matagal na tayong magkakaibigan kaya natakot akong aminin sa inyo ang totoo.Ayokong masira ang tiwala ninyo sa akin.”

“Pero mas magandang sinabi mo agad sa amin.Di sana natulungan ka pa namin magbayad sa nabasag mo kamong crystal glass sa mansyon nila.Eh, di sana din hindi mo na kailangan pang magpanggap na girlfriend niya at hindi ka sana umiiyak ngayon.Teka nga, love mo na ba siya? Alam kong kaya sobra ka kung makaiyak diyan ay dahil sakanya at hindi dahil sa pag-amin mo sa akin."

Muli siyang umiyak sa balikat nito.At parang nakuha na nito ang sagot niya.

NASA teresa si Francine at lumalanghap ng sariwang hangin.Maraming nangyari ng araw na iyon.Alam niyang anumang oras kakausapin siya ni Christian upang tuluyang tapusin ang pagpapanggap nila.Alam na din nina Lexine at Jenny ang totoo niyang pagkatao.Gaya ng sabi ni Irene hindi nagalit ang mga ito sakanya.Sa halip handa pa siyang tulungan ng mga ito sa problemang hinaharap niya.Dinamayan siya ng mga ito kanina hanggang sa tumigil siya sa kaiiyak.Hinatid pa siya ng mga ito sa mansyon.Bago siya tuluyang iwan ay naggroup hug sila.And she was more than thankful by having those folks.

May marinig siyang yabag papalapit sa kinaroroonan niya.Nang lumingon siya nakita niya si Christian mula sa liwanag ng streetlight sa labas.Agad na ibinalik niya ang tingin sa labas.Lumapit ito sakanya at gaya niya diretso lang din ang atensyon nito sa labas.

"Thank you for everything."

Ito na ang oras na sinasabi niya.Ang oras kung saan tatapusin na nito ang pagkukunwari nila.May kislap ang matang saglit niya itong tiningnan.Kung pwede lang magrequest ng additional days kasama ito gagawin niya.But she has no right.

"We’re back together kaya tinatapos ko na ang pagpapanggap natin.And you’re paid." Hindi pa din tumitingin sakanya na pahayag nito. "Gusto ko ding humingi ulit sa'yo ng tawad dahil sa nangyari nang nakaraang gabi.Doon ko narealize na dapat ako na mismo ang kumilos para magkabalikan kami.Hindi na dapat kita ginamit.Hindi ko din dapat ibinaling sa'yo ang pagiging desperado ko.I regret that we had that fight.”

Kumuha siya ng maraming lakas bago nagsalita.Plastik pa siyang natawa para takpan ang sakit na nararamdaman.

“Wala ‘yon.Sana pala noon pa tayo nag-away para noon ka pa naumpog sa mga pinaggagawa mo.I really accept your apologies at napatawad na din kita.Alam ko na din na okay na kayo ni Cath.Narinig ko kayo sa auditorium na nag-uusap kanina." Pag-amin niya.Binalingan siya nito kaya ibinalik niya sa labas ang mga mata. "I'm really happy for the both of you.Sana ngayon, magtagal na talaga kayo.Congrats." Nilakasan niya ang loob upang salubungin ang tingin nito.Inilahad niya dito ang kamay.Hindi nito agad iyon inabot.Tila may kung anong binasa mula sakanyang mga mata.But she chose to remain smiling to hide her sadness.Waring nag-aalangan pa ito nang tuluyang tanggapin ang kamay niya.

"Thank you Fracine.I wish you the same happiness.Every queen deserves to be happy." Pinisil nito ng bahagya ang kamay niya at naglabas ng isang tipid na ngiti.

“Iiwan mo na nga ako nang-aasar ka pa.”

“Hindi naman kita inaasar.Ano ba’ng masama sa sinabi ko?” pagmamaang-maangan nito.

“Huwag mo na akong asarin, please.” She was serious.Baka kasi mamiss niya ang minsang pagiging pilyo nito.

Kinurot nito ang pisngi niya.

“Huwag ka nang magalit.You’ll still my queen of fantasy.” Tapos ay bigla na lang siya nitong niyapos.Lihim tuloy siyang napahikbi.Iyon na kasi ang huling yakap niya dito.

The Arrogant's Servant (COMPLETED)(EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon