Chapter 1

4.1K 119 4
                                    

Addison's Point of View

Heto na naman! First day of School na naman. Sigurado akong inaabangan na ng mga students ang gagawin namin ng mga kabarkada ko.

3! 2! 1!

Nag landing na yung helicopter namin ng mga kabarkada ko. Well, sakin talaga to kaso tradition yung pa iba iba ng sinasakyan para daw agaw pansin yung entrance namin. Basta yun na yun. Masaya naman kaya di na ako kokontra. Hehe! Enjoy na lang! Inilatag na nung butlers namin yung red carpet.

Unang bumaba si Enzo, nag lakad siya na parang model, alam niya talagang dalhin at irampa yung Uniform for the boys gaya nung tatlo pa. Nagtilian yung mga girls at mga feeling girls. Ang ingay! Sa loob ng tatlong taon di pa ako nasanay sa ingay nila. Pang apat na nga ngayon eh. Hayy! Si Enzo talaga oh. Di man lang siya ngumiti sa fans club niyang Enzo lovers, Enzonatics, Enzologist (Mga nerds yung members) at Enzo's Angels. LOL! Grabe!

Pangalawang bumaba si Justin na naka smile. Cute talaga yung smile na yun at syempre di nagpahuli yung fans club niyang Justiners, Justinatics, Justinologist (nerd din po ang members) at Justin's Angels. Lalong tumindi yung sigawan. Pag nagtagal to baka mabingi na ako. Bababa na ata ako eh.

"Huwag muna. Let's follow the routine. Haha! Chill ka lang." sabi ni River. He was also patting my head. "Sige na nga." Iritang irita na ako sa mga girls! Argh! Bumaba na si Bryce. Yung fans club niya tilian na rin. Bryce's angels. Bryceologists (Nerds pa din). Brycenatics. Kumaway siya ng konti at dumagdag yung mga tumitili. "Ikaw na." sabi ko kay River.

Bumaba si River at nagwala na sa sobrang kilig yung fans niya. Sa tingin ko 10 ,000 yung girls na nandito. Yung iba ata sa kanila di man dito nag aaral oh tapos may mga binabae pa na di ko na bibilangin pa.

Bumaba na ako at tilian pa rin yung girls kahit tapos na yung entrance nung apat. Marami yung banners ngayong taon. Ilan sa mga iyon ay "Marry me, Enzo?", "You rock us, Bryce!", "Ang cute mo talaga, Justin!" at "Ngitian mo naman kami, River!" Hahaha! Wala bang para saken? Ay meron pala. "Bagay kayo ng kuya ko, Addison!" sabi nung isa sa banners. Haha! "Lakad mo ko sa kanila, Addison." sabi nung iba. "Sorry girls, aalis na kami ah." sabi ko at silang lahat ay nagsabi ng "Aww!" Aso ba sila? Tss.

"Another Perfect Entrance." sabi ni River. "Syempre! Tayo pa!" sabi naman ni Bryce. "Tara na, guys." sabi naman ni Justin. "Yung surprise natin mamayang lunch sa may cafeteria." sabi ni Enzo. "Oo pre. Ready na." sabi ko. "Let's go Heartbreakers!" sabay sabay kami dun.

~~~~~~~~~~~~~
Author's note
Hi :) Ano pong masasabi niyo? Huwag kalimutan magvote and mag leave ng comment if you want. Hahaha!

Being one of the BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon