IKATATLUMPU'T SIYAM NA KABANATA

1.6K 46 18
                                    

IKATATLUMPU'T SIYAM NA KABANATA



"Lorenzo?" Tawag ni Cassandra ngunit 'di nagsalita ang binatang katabi nito. Napatulala ang dalaga sa kisame at napabuntong hininga. Buti pa 'to tulog na, samantalang ako kanina pa dilat na dilat!



After the stressful week, Cassandra was so elated that the three of them submitted all the requirements on time and passed every examination they had to take before the Christmas break. Today is 23rd of December. Cassandra still can't believe na natapos ang klase nila para sa taong ito nang matiwasay. May nangyari mang hindi maganda sa buwan na 'to, ang mahalaga ay nalagpasan nilang magkakaibigan ang lahat ng balakid nang magkakasama. She thinks that the three of them took those obstacles as their motivation to finish everything with smiles on their faces. Bigla tuloy pumasok sa isipan ni Cassandra si Rose. She was so happy that the rumor about Rose completely disappeared. Kung titingnan nga ang kaibigan niya ngayon, mukhang mas okay pa ito sa salitang maayos. Also to mention that Rose is so inlove with her boyfriend Austin. Sa tingin ni Cassandra, nakatulong iyon upang mas mapagaan ang pakiramdam ni Rose at mabilis na maka-move on sa mga 'di magandang nangyari.


Gustong mapakamot ng dalaga sa ulo. Ang dami na niyang naisip, ngunit ni isa roon ay walang nakapag paantok sa kaniya. Napanguso si Cassandra at pipikit na sana nang bigla niyang maramdaman ang bisig ni Lorenzo na pumulupot sa kaniya. Hinapit siya nito at pinaharap ng binata.


Walang ibang nagawa si Cassandra, kundi ang tumingala upang tingnan sa mukha ang taong humila sa kaniya. Nakita niyang nanatiling nakapikit ang mga mata ng binata.


"Bakit?"


Cassandra bit her lower lip when she heard Lorenzo's husky voice. Hindi alam ng dalaga kung nakatulog na ba 'to at nagising sa kakagalaw niya o hindi rin 'to makatulog.


Ilang segundo na ang lumipas, ngunit ni isang salita ay wala siyang naisagot sa binata. Isa pa, ano naman kung sabihin kong 'di ako makatulog? Mabuti sana kung nagmamahika ang isang 'to eh at sa isang pilantik lang ng daliri niya ay makakatulog kaagad ako, ani Cassandra sa isipan.


"Hindi ka makatulog?" Muling tanong ni Lorenzo habang nakapikit ang mga mata. Nang muling walang sagot na narinig ang alkalde mula sa dalaga, doon na dahan dahang nagbukas ng mata ang binata. Halos magbaba pa ng tingin si Cassandra nang magkrus ang mga mata nila.


Gumapang ang isang kamay ni Lorenzo patungo sa pisngi ni Cassandra at marahang hinaplos ito. Nakaramdam naman ng pang-iinit sa pisngi ang dalaga. Enebe. 'Di na nga ako makatulog, dadagdagan mo pa!, Cassandra thought as she mentally groaned.


"Bakit hindi ka makatulog?"


"Hindi ko alam." Maikling sagot ni Cassandra. May rason ba kung bakit 'di ako makatulog? Unless may bagay na bumabagabag sa'kin, but ayon nga eh, wala naman pero ayaw akong datnan ng antok.


"Would you rather have my milk or just a regular milk?" Lorenzo asked with a malicious grin.


Saglit na napakunot ang noo ni Cassandra dahil sa katanungan nito. "Huh? May sarili kang gatas? Nagtitinda ka na ngayon?"


Lorenzo released a small chuckle upon hearing the young lady's question. He can't help but to plant a small kiss on Cassandra's forehead. "Still my innocent Cassandra." He whispered against her skin. "Ipagtitimpla kita ng gatas."


"Bakit? H-hindi mo naman kailangan gawin 'yon eh."


"Sabi mo dati 'di ba na kapag 'di ka makatulog, umiinom ka ng gatas?" Hindi malaman ni Cassandra ang dapat maramdaman no'ng mga oras na 'yon. Hindi naman nya 'yon sinabi nang direkta sa alkalde. Nasabi niya nga lang 'yon no'ng one time na nagkukuwentuhan sila ni Matteo habang nakasakay sa kotse ng alkalde, ngunit natandaan pa nito ang maliit na detalyeng pinakawalan niya. Napaka sweet naman po talaga, ani ng dalaga sa isipan.


Alluring The Fire [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon