"Oo Peachy. Kaibigan ko siya at kaibigan ko rin ang sinasabi mong kasintahan niya ngayon." nag-aalalangang sabi ko sakanya.

"Hala sorry Ate. Kung naiipit ka. Di naman po ako naghahabol ang gusto ko lang naman po ay closure between him and I. Dahil may asawa na rin ako ngayon..natuloy ang kasal namin ni Yohan..at may anak na kami ngayon. Natutunan ko rin namang mahalin si Yohan." nakangiting usal niya.

Kaya napangiti rin ako.

"So closure lang talaga pinunta mo dito? Hayaan mong tulungan kita. Dahil ang laki ng pasasalamat ko sayo. Dahil sayo naalala kung sino ba talaga ko. At ayun nga ay ako si Criszette." nakangiting sabi ko sakanya.

"Yun naman talaga ang aking nais salamat Ate." aniya tsaka nagpatuloy sa pagkain niya.

Matapos naming kumain ay napagdesisyunan naming lumabas ng dorm at pumasok sakanya-kanyang klase.

Inihatid ko muna siya bago ako sa klase ko dahil di ko alam kung handa na ba akong makita sila gayung may naalala na ko..

"Kita-kits mamaya Peachy." paalam ko sakanya.

Ngumiti naman siya at sumenyas na akong aalis dahil kasalukuyang on-going na ang klase.

Habang nasa daan ay punong-puno ako ng kaba dahil hindi ko alam kung handa na ba akong harapin sila.

Gantong naalala ko na lahat.

Kung sino sila buhay ko o magpapanggap nalang muna

Pero kailangan kong makausap si Joshua.

Takte naman.

Maya-maya pa'y tanaw ko na ang pinto ng classroom namin.

Huminga muna ako ng malalim. Tsaka napagdesisyunang magdere-deretso at naglakad patungo sa pinto ng classroom.

Hanggang sa..

Eto na nasa tapat na ko ng pinto ng classroom namin..

NP: Remember me (by Gummy)

Pagdating ko sa pinto palang ay nakatingin na sila lahat sakin. Wala kasing prof kaya mabilis napunta atensyon nila lahat sakin.

"Jewel kala koba di ka papasok?" tanong ni Catana at salubong sakin.

"Ah Catana pwede bang Criszette nalang yun kasi talaga pangalan ko." bulong ko sakanya. Bulong na siya lang ang makakarinig.

Nagugulat man ay napatango siya. At napangiti..

"May naalala ka na?" di  makapaniwalang bulong na sabi ni Catana sakin.

Ngumiti ako sakanya.

"Wag mo muna sabihin sakanila di pa ako handa. Pero plano kong sabihin kay Kuya Christian mamaya." sabi ko sakanya ng makaupo kami at patuloy kaming nagbubulungan.

"Paano nangyaring naalala mo na?" bulong na tanong niya.

"Mamaya ko na ikwekwento basta wag ka munang maingay." sabi ko tsaka dahan-dahang bumaling sa likod upang tingnan ang dalawang tao na nagpapagulo ngayon sa sistema ko.

Una kong tiningnan si Enzo? Nakita ko siyang nakikipag-usap kay Mercedes. Pero ang kakaiba ngayon ay parang bigla wala akong nararamdaman para sakanya na para sa ibang iglap ay natabunan iyon ng nararamdaman ko noon kay Keiron na sa tingin ko ay habang tumatagal ay lumalala.

Peste!!

Tsaka ko naman binalingan si Keiron na nakatingin lang sa labas ng bintana..mukhang malalim ang iniisip. At sa di ko malamang dahilan biglang nagwala ang buo kong sistema. Pakshet what the hell is happening on me?

Parang biglang gusto ko siyang yakapin at humingi ng tawad dahil sa mga nasabi ko sakanya noon bago ang digmaan..

At paulit-ulit sabihin sakanya na mahal ko siya..at mahal na mahal ko ang Sandiwu ng Aegisfling.

Pero malabo iyon ngayon dahil dalawa sila. Kailangan kong pumili sa madaling panahon.

Dahil isa lang alam ko.

Malaking gulo ito sa pagitan nila..

Dahil alam ko kung gaano ako kamahal ni Enzo. Pero sa nakikita ngayon mukhang balewala na ko sakanya..

Argh pero nalilito na talaga ko sa nararamdaman ko. Sobrang litong-lito na koooo.

Kailan pa nagkaroon ng pakialam si Criszette sa paligid niya?

Pakshet naman oh.

"Ayos ka lang?" bulong ni Catana sakin.

"Di ko alam naguguluhan ako ngayong may naalala na ko di ko na alam kung sino ba talaga gusto ko badtrip." seryosong bulong ko sakanya.

Tinawanan lang niya ako at tumingin na muli sa harap dahil dumating na ang proffessor namin.

Ayoko na nga silang isipin. Si Kuya at Joshua muna kailangan kong asikasuhin..

Gusto kong si Kuya unang makaalam na may naalala na ko.

At yung kay Joshua ay ang closure na nais ni Peachy.

And tsaka ko proproblemahin yung pesteng pag-ibig na yan!

A/N:

Ang hirap no? Hirap na hirap ka na din ba pumilit sa dalawa. Kung parehas mo gustong manatili. Kaso di pwede yun di naman pwedeng Buy One Take One.

Magmumukha kang ah basta..

Shoutout muli sa mga kaschoolmates ko diyan na di nila alam na ako ang nagsusulat nito. Yown salamat sa pagbabasa..

Magcomment naman kayo. At magvotee 💕

DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT AND FOLLOW!!

-paraiso_neo ❤








Sandiwa Jewel is BackWhere stories live. Discover now