Prank Gone Wrong

4 0 0
                                    

"It's her birthday today, what should we do?" ani Brendon.

Kaarawan ngayon ng kaibigan nilang si Sarah.

"I don't know dude, do you have something in mind?" sagot naman ni Tyler.

"Prank?"

"Seriously, Brendon? Prank para sa birthday ni Sarah?" sabi naman ni Joseph.

"You know, Sarah is a big fan of gore and horror movies. Why don't we put her in it? Like, kunyari may dugo kayo, at hawak ko ang knife. I will chase her and she'll be scared to death. Not until she reach her bedroom, dun nakalagay ang surprise na 'Happy Birthday, Sarah!'. What do you think?" sabi ni Brendon, at mukhang naplano na niya it ahead of time. Ang bilis niyang makaisip ng konsepto.

"'Di kaya, hindi ka na sagutin ni Sarah niyan? Tinakot mo e." natatawang sabat ni Tyler.

"Haha, balak ko nga rin magpropose. Help me on this."

Agad na nagset-up ang magkakaibigan, naglagay ng mga pagkain at regalo sa kuwarto ng dalagita. Alam nila na alas otso ang dating nito sa apartment niya kaya inilagay na niya ang barnis na pula sa katawan ni Tyler at Joseph. Humiga na ang dalawa at nagpanggap na patay.

Si Brendon naman ay nagtago sa bathroom.

Makalipas ang ilang minuto, narinig nila ang tili ni Sarah, indikasyon na magsisimula na ang prank. Lumabas si Brendon mula sa bathroom dala ang kutsilyo. Pinagsasaksak niya ang kaibigang si Joseph, agad naman itong umungol sa sakit na nararamdaman.

Tumayo si Tyler, "Yo dude! This was supposed to be a prank! Bakit mo siya sinaksak!" Tinulungan nitong makatayo si Joseph na namimilipit sa sakit.

"I'm very sorry, bros," lumingon si Brendon sa gawi ni Sarah, na ngayon ay prenteng nakaupo at umiinom pa ng wine sa kaniyang Champagne Flute. "Ito lang ang paraan para matanggap ako ni Sarah at ng pamilya niya."

Inilabas na nito ang baril niya at agad na pinaputukan niya ang dalawa. Kinuha niya ang wine glass saka sinalok ang dugo na lumalabas sa katawan ng dalawang binatilyo.

Ibinigay niya ito kay Sarah, pinaghalo nito ang Dugo at Red Wine. Saka niya ito hinati at ibinigay kay Brendon ang isang wine glass.

"I saw my room, it's not my birthday today, silly." ani Sarah habang nakangiti.

"I know, wala akong maisip na paraan para mapa-sang-ayon sila sa gusto ko." sagot ni Brendon.

"Ang baho ng barnis, bakit yun pa naisip mo for fake blood? But then again, I have a real blood now."

"Sorry, mukha kasi talagang dugo e. Haha!"

"Cheers," itinaas nito ang wine glass. "I love you, Brendon. Sinasagot na kita."

-

L.A.M.E. 🥀

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 07, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CGOSATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon