Happy Valentine's Day!

9 0 0
                                    

"Ma, alis muna ako." pagpapaalam ko kay Mama, niyaya kasi ako ng boyfriend ko na lumabas at magcelebrate.

"Oh sige, anak mag-ingat ka lagi mo kong itetext kung nasaan ka ha? Umuwi ka ng maaga."

"Opo, Ma." sagot ko sabay halik sa pisngi niya.

Sinimulan ko na ang paghakbang ko palabas ng bahay, doon, nakita ko ang nobyo ko ng isang taon, ngayon.

"Happy anniversary and happy valentine's, hon." salubong niya sa akin sabay bigay ng mga bulaklak at isang maliit na teddy bear.

"Awww happy anniversary and happy valentine's din, hon! I love you!" ani ko sabay yakap sa kaniya, napaka-bango niya talaga. Hindi siya maskulado, pero hindi rin naman siya mataba. Sakto lang, at yun ang gusto ko.

"I love you too, tara?" pag-aya niya saka niya binuksan ang pinto ng sasakyan, isa pa sa nagustuhan ko sa kaniya ay ang pagka-gentleman niya.

Isang taon ko na siyang iniibig, february 14 din nung sinagot ko siya. Hindi ko akalain na tatagal kami dahil wala namang tumatagal sa akin.

"Ngayong araw, dadalhin kita sa bahay, mame-meet mo ang parents ko at ipagluluto kita, okay lang ba?" tanong niya bago simulang ang pagmamaneho. Bigla akong kinabahan, ang mama niya kasi ay isang kilalang modelo, at ang tatay naman niya ay isang beteranong arkitekto. Siya naman ay isang magaling na tagapagluto o chef. Napaka-successful ng pamilya nila.

"Baka.. hindi nila ako magustuhan para sa'yo?" kinakabahan pa ako nang itanong ko ito pero bigla niya akong nginitian at hinawakan sa kamay, sabay sabing, "Huwag kang mag-alala, naiku-kuwento kita sa kaniya, at gustong-gusto ka na nilang makilala." nawala bigla ang kaba ko at sinuklian din siya ng ngiti.

Makalipas ang halos kalahating oras ay narating namin ang bahay nila. Maganda, malaki at may sarili pa silang garden. Mayroon din silang terrace at tig-iisang kotse. Kaya ko nalaman dahil nai-kuwento niya rin noon.

"Halika, pumasok na tayo, hon." pinagbuksan niya ako ng pinto at saka bumaba ng kotse, hawak-hawak ang kamay niya ay sabay naming tinahak ang daan papasok sa bahay nila.

Bigla nanaman akong kinabahan.

"You're shaking, haha huwag kang kabahan, hon. Ako ang bahala sa'yo, okay?" aniya sabay halik sa noo ko. Marahan akong napapikit dahil hindi normal ang kaba ko.

Pagpasok namin sa loob ay napaka-yamang tignan ng bahay. Ang daming mga palamuti, malinis, parang walang bahid ng dumi o anumang alikabok.

"Magandang araw po," bati ng isa sa mga katulong nila. Pinandilatan ako ng mata nung isa pa niyang kasama, hindi ko nalang ito pinansin. Marahil ay crush niya ang nobyo ko. "Dumiretso nalang daw po kayo sa dining area, sir."

"Sige, salamat."

Dumiretso kami sa sinasabing dining area at doon ko nakita ang napaka-ganda niyang ina, grabe! Hindi halata sa edad niyang mahigit kuwarenta años na siya!

"Magandang umaga po." bigla kong sambit, agad akong lumapit at nagmano sa kanilang dalawa. Kamukha ng nobyo ko ang ama niya.

"Magandang umaga, hija!" pagbati ng mama niya saka bumeso sa akin. Medyo nawawala na ang kaba ko.

"Magandang umaga, hija, maupo ka." sabi naman ng ama niya. Mukha itong strikto pero sabi ng nobyo ko ay ganon lamang daw talaga ang ama niya.

"Nabanggit ng anak ko na graduate ka from UP Diliman?" tanong ng ama niya.

"Opo, graduate po ako ng BSEd." sagot ko naman.

"Major?"

"Filipino po."

"Fresh graduate ka, diba?"

"Opo, maga-apply pa po ako."

"Naku, hija, halatang nastress ka siguro sa L.E.T., ano?" tanong ng mama niya sakin habang hinahaplos ang pisngi ko. "Tignan mo, medyo may bakas ka pa ng eyebags."

"Haha, pasensiya na po medyo kulang lang sa tulog."

"Ano nga ulit ang pangalan mo, hija?"

"Phoebe po, Phoebe Carunungan."

"Bagay na bagay sa iyo ang apilyedo mo, hija."

"Salamat po." sagot ko nalamang atsaka ngumiti. Hindi naman pala sila ganon ka-terrible. Mababait naman pala ang mga magulang niya.

"Anak, maiwan na muna namin kayo ha. Aalis muna kami ng mommy mo." sabi nung ama niya.

"Opo, pa. Magi-ingat po kayo."

"Aasahan ko ang ulam mamaya anak ha? Ipagluto mo kami." sabi ng mama niya sabay ngiti at tingin sa akin, nginitian ko rin siya.

Mabilis na lumipas ang oras, ipinagluto niya ako, kumain kami, nagkuwentuhan.

"May gusto akong ipakita sa'yo, hon." sabi niya, tumayo siya at hinila ako.

Pumunta kami sa second floor ng bahay nila, papunta sa... kuwarto niya?

"Take this blindfold first." sabi niya sabay takip sa mata ko ng blindfold.

"Hon, alam mo namang---."

"Shhh."

Naramdaman kong pumasok na kami sa loob at inihiga niya ako pero ang tigas ng hinihigaan ko. Malamig at parang lamesang bakal.

Itinali niya ang mga kamay at paa ko sa edge ng lamesa. Nagpumiglas ako pero malakas siya.

"Hon naman." nagrereklamo na ako dah hindi ko na gusto ang ginagawa niya.

Tinanggal niya ang blindfold ko at nagulantang ako sa mga nakita ko.

Nakahiga ako sa lamesang bakal, tama nga ako. Maraming nakabit na katawan at mga kutsilyo. Mga pira-pirasong parte ng katawan ng tao. Puno ng dugo ang kuwarto.

"Pakawalan mo ako! Parang awa mo na!" nagpupumiglas ako at sinusubukang tanggalin ang tali sa mga kamay at paa ko.

"Sorry, but i can't disappoint my parents. Mukhang masarap ka raw at nais ka nilang matikman."

Sigaw ako ng sigaw ngunit walang nakakarinig sa akin. Unti-unti akong napagod.

Sinuot niya ang apron niya na animo'y magluluto siya.

Nilagyan niya ng tela ang bunganga ko, "Kagatin mo 'yan." sabi niya. Ngunit unti-unti na akong nanghihina.

Kumuha siya ng kutsilyo at itinutok ito sa mga daliri ko.

Naramdaman ko ang sakit at hapdi ng putulin niya ang isa kong daliri, agad bumalik ang lakas ko at ako ay napasigaw.

"KRIS TAMA NA PLEASE, AYOKO NA. SOBRANG SAKIT PLEASE PAKAWALAN MO NA AKO."

Akma niya pang puputulin ang isa kong daliri nang marinig ko ang isang malakas na kalabog sa pinto at isang malakas na putok. Umalingawngaw ang sigawan sa kuwartong iyon at narinig ko ang mga pulis.

May humaplos sa braso ko at sinabi, "Kapit ka lang hija, sinabi ko na nga ba't balak ka niyang patayin."

"Maraming salamat... po." siya ang katulong kanina na pinandilatan ako ng mata, naisambit ko pa ito bago ako nawalan ng malay.

CGOSATWhere stories live. Discover now