Bipolarity

9 1 0
                                    

Ayoko na sa'yo.
Layuan mo na ako.
Dahil sa'yo lagi akong mag-isa.
Dahil sa'yo lagi akong nahihiya.

Simula nang malaman kong tinataglay kita,
Nagbago na ang tingin ko sa lahat.
Alam ko nang iiwan din ako,
Kapag nalaman nilang nandito ka sa tabi ko.

Madalas akong ma-iwan,
Dahil sa pabago-bago kong kaugalian.
Madalas akong katakutan,
Kanina masaya lang, ngayon sobra ang kaseryosohan.

Matapos nila akong iwan,
Hindi na ako nakipagkaibigan pa,
Dahil alam ko na ang magiging katapusan.
Dahil alam ko ang magiging panghuhusga ng iba.

CGOSATWhere stories live. Discover now