Different Jollibee

12 0 0
                                    


"Bakit ba bida-bida ka?!" pagsigaw ni Lorraine, ang kaklase ni Farra.

"Hindi ako bida-bida, sinasagot ko lang naman 'yong tanong ni Ma'am.." pagsagot pa ni Farra.

Araw-araw, sa buhay niya, hindi maiiwasan ang senaryo na katulad nito. Madalas siyang kinukumpronta dahil sa pagiging 'bida-bida' niya sa silid-aralan, pagiging 'sip-sip' sa guro tuwing aalis ito ng kuwarto, pagiging 'leader-leader-an' tuwing may groupings o kung ano pa man. Madalas siyang nasasabihang 'pok-pok' dahil puros lalaki ang kanyang mga kasama at kaibigan.

"Alam mo, 'yan si Farra ang landi-landi niyan. Biruin mo, nakita ko kagabi limang lalaki ang kasama. Take note, papunta pa sila sa Bar nun ha! Ilan na kaya nakatikim dyan? Yuck!" ani Lorraine.

"Girl, I bet super luwag na!" sagot naman ni Paul, ang bakla nitong kaibigan, saka nakipag-apir.

(Sabado ng alas onse nang makita ni Lorraine si Farra na papasok sa club kasama ang limang lalaki)

"Good evening, Farra." pagbati ng bouncer sa kaniya.

"Meron ba?" agad na tanong ni Farra atsaka dumeretso sa room 3-6

"Meron, Farra. In fact, kilalang-kilala mo siya." sagot ni Haze, isa sa mga lalaking kasama niya.

"Ibuhos mo na lahat, Farra. Walang makaka-alam nito." sabat naman ni Russell.

Pagkapasok nito sa kuwarto ay agad na bumungan sa kanya ang lalaking matagal na niyang hinahanap. Nakatali ito sa kama at wala ng saplot pang-itaas.

"Baby!" excited na sigaw ni Farra. "Kay tagal kitang hinanap, kay tagal kitang hinintay." inilapat niya ang kanyang mga palad sa mukha nito at mariing hinalikan sa labi.

Tumayo si Farra at nagbigay ng blangkong ekspresyon bago humarap kay Apollo, ang lalaking nakatali sa kama.

"Sa wakas, mabibigyan ko na rin ng hustisya ang pagkamatay ng bestfriend ko." pagkasambit at pagkasambit niya ng mga salitang 'yon ay agad niyang kinuha ang kutsilyo at pinagtataga ito. Kinuha niya rin ang itak at kinatay na parang baboy ang lalaki.

Inuna niya ang ulo nito, at inilagay sa katabing bed table. Sinunod niya ang mga braso, ang mga binti, mga daliri at ginupit rin niya ang ut*ng ng lalaki.

Hinuli niya ang ari nito at isinabit sa kisame. Tumabi siya rito at tinitigan ang ari ng lalaki na nakasabit sa kisame. Niyakap niya ito at nakiligo sa dugo ni Apollo.

"I love you, Janna. Nabigyan na kita ng hustisya."

--

"Ayan nanaman si Farra, girl. Jollibee nanaman 'yan pustahan." si Paul.

"Girl look, nakakadiri yung ngiti niya girl! May gusto ata sayo bakla!" pang-aasar ni Lorraine.

"Btch no way, she's too ugly girl." sagot niya at saka umupo na sa sari-sariling upuan.

Agad kinuha ni Farra ang cellphone at tumawag kay Haze.

"Hello, Farra?" sagot ni Haze.

"Hello, Haze. May bago akong biktima."

CGOSATWhere stories live. Discover now