Tinapunan ko siya ng tingin bago tumango.  I noticed a few people looking in our direction. Ang lakas din kaseng makahatak ng atensyon ni Milan. Like I said, when he flaunts, he goes all out. Tulad ngayon, nakakahatak pansin ang Rolex niyang suot maging ang mamahaling sapatos na sa alam ko ay limited edition pa. He's simply sporting a Balenciaga striped band collar shirt in light blue color and a pair of white Chino shorts na hindi ko alam kung ano bang brand.

Halos lahat ng nakakasalubong namin ay napapasunod sa kanya ng tingin. Gusto ko tuloy mapailing. Mas maganda pa siya sa'kin.

"Bukas ay mag t-shirt ka lang at naagaw mo na ang atensyong para dapat sa'kin," inirapan ko siya at nakita ko na lamang ang kanyang pag iling.


"Dapat lang na hindi ka nila masyadong mapansin dahil pagod na kami sa kakabakod sa'yo Dakota. Ilang lalaki ba ang pinaluha mo noong high school? Ipinagkakalat mo pang boyfriend mo si Keso para lang tumigil ang mga manliligaw mo,"

Huminto kaming dalawa sa tapat ng room kung saan ang una kong klase at maingat niyang iniabot sa akin ang aking mga gamit. Ayaw ko pa sanang kuhanin iyon dahil natutuwa akong nakikita na may nakasukbit sa balikat niyang bag but Milan knows me too well.

From the corner of my eyes ay kitang kita ko ang panghahaba ng mga leeg ng aking mga kaklase upang masilip lamang siya.

When Aedree came in this school, mabilis siyang nagkalat ng lagim at talaga namang marami siyang nahatak na atensyon. That's what I heard lalo pa nga at napatunayan ko din iyon noong unang araw ko dito.

I got introduced with the school's online site at puno iyon ng kanilang mga larawan.  Maging ang mga larawan nila Milan at Julio ay na-upload agad doon sa unang araw pa lamang ng klase.

Hindi na rin ako nagulat ng may makitang sariling larawan doon. I'm not as rich and probably famous like them but as like what Julio said, my face alone can launch a thousand ships, refering to Helen of Troy. He told me I am the Dakota of Puntavegas. Si Grey kase ang OG princess nila.

"Mag-aral ka nang mabuti at huwag mamansin ng kung sinong lalaki. Baka mapaaway kami ha," nakangiti niyang turan bago dumukwang at hinalikan ako sa aking pisngi.  Natawa na na lamang ako bago siya inirapang muli.

"Ikaw ang umayos. Stop being such a flirt. Kauumpisa pa lang ng semester ngunit may ka-date ka na agad kahapon. Ang aga mong maging pokpok, nadidiri na 'ko sa inyo ni Gab,"

Tumawa lamang siya at hindi din nagtagal ay pumasok na ako sa loob.

My heart stung a bit sa binitawan kong salita. But it's been years at nasanay na din ako sa kalandian ni Milan.

We were in high school when I witnessed his playboy side firsthand. Bigla na lang siyang naging entertaining sa mga babae at kung sino sino na ang idinate.

Lampas isang Lingo kong iniyakan ang una niyang date sa school but I pretended I wasn't affected. Si Chase lang ang nakakaalam dahil aksidente niya akong nakitang naiyak when I saw Milan with a girl in his arms.

Hindi ko agad natanggap ang bagay na iyon dahil simula bata ako ay itinatak ko na sa isipan ko na ako ang magiging reyna niya. But I guess I was the only one who thinks that way dahil maaga niyang sinira ang aking pantasya.

But I am Dakota Elisse, hindi ako pumapayag na nakikita nang mga tao na mahina ako. Siguro sa kanilang lahat, pinakamalapit ang ugali ko kay Yelo. I want people to think that I am strong as I hide the fact how easily Milan can break down my walls.

Hanggang sa napatibay ko na din ang dibdib ko tungkol sa bagay na iyon. Isa pa, wala namang nagtatagal na babae sa kanya. I don't know if there is any girl who legit became his girlfriend. Kase if they did, ang sakit naman sa ego ng three days or one week na relationship. I won't settle for something like that. Kahit na mahal ko si Milan, hindi ako papayag na maging isa sa kanyang mga laruan.

Ang mas nakakatawa, even Julio turned out to be like him. Pareho na silang pokpok at lantaran talaga iyon.

Iwinaksi ko na lamang ang nangyari.

I can feel my classmates' eyes on me. Hindi na yata talaga mawawala ang intimidating aura na natural kong taglay dahil maging dito sa college ay agad akong pinangilagan ng mga estudyante kahit na kung tutuusin ay freshmen pa lamang ako.

Like I always do, nakinig lamang ako sa klase at hindi binigyan ng atensyon ang kahit na sino kahit pa nga nararamdaman ko na ang mga tingin ng mga kaklase ko lalo na ang mga lalaki. Gusto ko na lamang mapailing. Hindi ko ipinagmamayabang na maganda ako. It's not my fault I inherited good genes. Ang sinisigurado ko lamang ay maayos ang mga grades ko para naman hindi madisappoint sa'kin sila Mom.

Natapos lahat ng aking klase nang ako lamang mag isa ang pumupunta sa mga rooms. I don't need to message Julio or Milan para ihatid ako. May mga klase rin sila at masyado ko na silang maiistorbo noon.

Inayos ko muna ang aking sarili bago tuluyang lumabas. Parang nagugutom na ako.  Hindi ako nakapaglunch kanina dahil mas inuna kong gawin ang mga binigay na homeworks sa ibang klase para hindi ko na iyon gagawin sa bahay. Hindi rin naman kase ako gutom kanina. Nagsinungaling na lamang ako ng magtext si Julio at nagtanong kung kumain na ba ako.

Palabas pa lamang ako ng classroom ng tumunog ang aking telepono. Napangiti ako ng mabasa ang message ni Chase doon.

"Nabasa ko sa GC na hindi ka daw sumabay kila kuya kumain. Hanggang 3 ka lang 'di ba? Kain tayo. Nagcutting si Lantis kaya nasa labas na din ako. Dadaanan ka namin,"

Nagsimula na akong maglakad bago nagtipa ng mensahe pabalik sa kanya.

"Okay, I will wait for you guys sa front gate ng school,"

Hindi na naalis ang ngiti sa aking labi. He really knows when to reach out to me.

Si Chase, siya siguro ang ipinadala ng langit para sagipin ako sa mga posibleng problemang kasasangkutan ko sa buhay ko. When I almost broke down because of Milan,  sila ang umalo sa akin. He protected my secret like a good baby brother to his ate. Sabi niya ay ate niya daw ako kahit pa nga hindi naman niya ako tinatawag ng ganoon. Lahat yata ng sikreto ko ngayon ay halos alam niya. Even the ones that the others don't even know.

Mabilis akong naglakad patungo sa front gate. Nagkecrave ako sa Italian. Sana naman ay nasa mood si Lantis at hindi kami magkaproblema.

I was walking swiftly yet elegantly along the hallway ng maisipan kong ibaling ang aking tingin sa bandang quadrangle. Open kase ang kabilang bahagi ng hallway kaya naman kita mo ang malawak na space sa gitna.

But I kinda wish I didn't dahil may nakita lamang akong masakit sa mata. Dahan dahang bumagal ang paghakbang ng aking mga paa hangang sa tuluyan itong tumigil, my eyes still glued to those two people who doesn't seem to mind the world around them.

"May bago na naman..." bulong ko. Napahigpit ang hawak ko sa aking libro at naramdaman na muli ang pananakit ng aking lalamunan tanda ng pagpipigil ko na muling maiyak.

Dakota, ano ba? Ang tagal na hindi ka pa din sanay?


Napalunok ako at nakagat na ang pang ibabang labi.

Kailan ba siya titigil? Tanong ng aking isipan.

I know we are still young at mahaba pa ang panahon na pwedeng mabaling sa'kin ang pagtingin niya.

But then again, my pride can't take that.

Kahit kailan ay hindi ko siya aagawin sa kahit na sinong babaeng pumupukaw sa kanyang atensyon. Hindi ako maghahabol. Hindi ako magmamakaawa na mapansin niya din ako. Because I'm not like that and I am not that kind of person. Hinding hindi ko ibababa ang aking sarili para lang mapansin nang ibang tao, kahit pa nga pangarap kong maging mundo niya.

Napabuntong hininga na lamang ako bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Nabura na ang ngiting kanina ay nakapaskil sa aking labi.

Ngunit hindi ako malulungkot. I will not be bothered by this pain. Hindi ko naman ito ikamamatay.

Nope.

MILAN (P.S#4)Where stories live. Discover now