Pagkakataon #14 - Musika

7 0 0
                                    

Nakaupo ako sa isang sulok tahimik na nagwawifi nang may isang pamilyar namusikang nagnakaw sa aking atensyon. Inaangat ko ang aking ulo at nakita ang isang lalaking sayang-saya na pinapakinggan ang tunog na galing sa kanyang cellular phone. Nag-angat ako ng tingin...Biglang sabi ko...

PG: J. Mayer??

Tumingin ang bagito sa aking direksyon. Nagpakawala ng mahinang tawa...

Bagito: Bruno Mars..

PG: Ahhh.. (At nagbaba ng tingin. Hindi naman niya ako kilala, kaya, okay lang siguro. hahaha)

***

Minsan, kung masiyado tayong nakain (consumed) ng isang bagay, bigla nalang tayong nagrereact. Kagaya na lamang ng saliw ng isang musika. Di Ba?

Nakakaranas tayo ng ibang pakiramdam lalo na kung ‚can relate‛ tayo sa salitain o nilalaman ng isang kanta. Pare-pareho man ang beat, tempo, melody, etc., ng awit na napapakinggan, alam man natin ang titolo o hindi, basta ba pamilyar, nahahatak tayo nito. Music makes the people come together ika nga ng isang kanta. Sa pagkakataon sa itaas, Music is the beginning of friendship. Hahaha... Mula kasi mangyari ang pangyayaring yaon, kapag nagkikita kami o nagkakasalubong, ngumingiti siya sa akin. Okay. Case closed.

Mga PagkakataonOù les histoires vivent. Découvrez maintenant