Pagkakataon #9 - Watergun

17 0 0
                                    

Habang naglalakad sa mga iskinita, paliko-liko sa mga dulo ng mga kanto patungong bahay nang may makasalubong ako na isang grupo ng mga batang naglalaro. Nagbabasaaan sila. May mga mumunting tubig na tumilamsik sa aking mukha. Natigilan ako. Nahanap ko na lang ang aking sarili (I found myself) na nakatitig sa kanilang kasiyahan. Nag-slow motion ang lahat. Ang saya-saya nilang tingnan. Dalawa sa mga batang ito ay may hawak-hawak na watergun. Ang higit na nakanakaw ng aking atensyon ay ang tatlong (3) bata na sa halip na watergun ang hawak eh ang bote ng lumang alcohol, mineral water at dishwashing liquid ang mga gamit bilang pantira ng tubig. Pinipihit nila ang katawan ng plastic saka tinutuon ang bahaging me butas o takip na nilagyan ng butas para daluyan ng balang tubig sa kanilang mga techy na kalaban. Tuwang-tuwa sila habang ako'y nasa gilid ng daan iniwasang mabasa ng husto.

---

Naaalala niyo pa ba ang kabataan niyo? Masaya ba ito? Walang mahirap sa kanila at walang mayaman. Lahat nagagawan ng paraan. Nagkakasundo sila. Nagkakasiyahan. Ang sarap maging bata ulit. (:

:3

Mga PagkakataonWhere stories live. Discover now