Pagkakataon#1 - Ubo

22 0 0
                                    

Hindi naman siguro lingid sa ating kaalaman (It is not perhaps concealed to us) na lahat tayo nakakaranas ng SIPON. Kahit pusa nga... [sniff]

Naglalakad ako nang mapahinto ako sa daan. Tinabi ko ang aking sarili sa isang kanto para 'di masagi ng sinuman. Dinama ko ang malamig na katas na lumalabas sa aking butas hingahan. Kinapa ko ang aking bulsa, pero wala akong mahagilap na punasan. Tumingin - tingin ako sa paligid at hinanda ang sarili... Humugot ako ng lakas ng loob saka...

Umingos. (Pasok agad ang kawal sa kampo)

Isa pa..

Isang malalim na higop.

Natigilan.

May sumasabay ata sa akin mula sa aking likuran.

Hitit. Hitit. Lunok.

Sabay pa kaming naglinis ng lalamunan sa mga natirang bara.

Life's perfect moments.

Then we both go on our separate ways. Parang walang nangyari.

***

Hindi sa lahat ng pagkakataon, tayo lang ang may partikular na pinagdadaanan. Ang kadalasang nangyayari, pakiramdam natin, mag-isa lang tayo sa isang sitwasyon. Kunbaga parang pasan natin ang buong mundo na ang totoo naman, mumunting problema lang ito. Isipin mong may mas malala pa sa sitwasyong pinagdadaanan mo kaya pakiusap, huwag mag-inarte. Hindi lang ikaw ang may F sa report card, may ingrown sa kuko ng paa, nawalan ng trabaho, walang kinakain, binusted ng gustong tao, inaalipusta, ninakawan ng gobyerno, pinagtaksilan ng asawa. Kung nakaya ng pusang buhayin ang sarili kahit wala naman silang trabaho kundi magpagala-gala at mag hanap ng dagang tinalikuran ng swerte, ikaw pa kaya na mas mautak pa sa mga hayop na nabanggit? Isipin mo na lang na nagsimula ang ating usapin sa pagkakaroon ng pusang gala ng sipon.

:3

Mga PagkakataonWhere stories live. Discover now