Pagkakataon #3 - Lilipas Din

29 0 0
                                    

Habang ginagawang komportable ang sarili sa isang sulok ng gusaling aking pinaglalaanan ng libreng serbisyo, napansin kong kitang kita pala talaga ang mga pisikal na pagbabago kapag tayo'y tumanda na. Na any monument, handa man o hindi, yumaman man o mahirap pa rin, lalagutan tayo ng hininga.

Mabuti pa ang mga totoong pusa na nachichismis na may 9 (siyam) na buhay. Sa puntong ito, napagtanto kong lahat ng may buhay sa mundo, kumukupas. Na kung oras mo na, oras mo na. Ang buhay ay hindi katulad ng internet café na kapag sinabi mong sandali na lang pwede ka nilang bigyan ng karagdagang 5 (limang) minutong allowance sa time usage kasi kostumer ikaw. Gaano man karami ang pera mo, maari mo man itong madala sa libingan at gawing pantabon sa iyong ataul six feet below the ground, hindi mo pa rin ito magagastos. May narinig ka na bang pera na sumakabilang buhay? Wala diba? Nagmumulto pa rin ang taong pinagkakautangan sa taong pinautang na kahit sa kamatayan ng taong pinagkakutangan, di pa rin nakabayad kahit magbigay ng abuloy! Sakit ng ulo.

Sa kabilang dako, habang may buhay pa tayo, let's try to make a difference. Huwag tayo kumapit sa kung ano ang uso o kung ano ang pangkaraniwan. Syempre. Para kasi tayong sorbetes - ESPESYAL!

:3

Mga PagkakataonWhere stories live. Discover now