11

138 7 0
                                    

Wala naman ng ganap kagabi. Noong sinabi niyang mag-lock ako, dumiretso na kami sa kaniya-kaniyang kuwarto namin. Nag lock ba ako? No, siyempre hindi. Aba! Pero ayun, hindi niya na talaga ako ginulo.

3:30 nang gumising ako. Napaka-aga kung tutuusin, kaso no choice dahil tutungo pa kami sa airport.

"Love, come on! Male-late tayo!" sigaw ni Fire sa labas ng kuwarto.

"Heto na! Nagmamadali masiyado!" Inayos ko muli ang off shoulder top ko. Nakapang-beach na ako agad. Then, laced shorts sa baba.

"Wow. Stunning." He blew on my forehead. Hay nako, Fire! May pakunwaring kiss ka pa.

Nang nakadating na kami sa airport, bumili muna siya ng coffee. Oh ayan! Minadali lang naman ako!

"Baby, what do you want?" He's wearing his shades today together with a dri-fit black shirt and jeans.

"Anything." 

Habang nag-oorder siya, chineck ko muna ang phone ko. Buti na lang at hindi matanong si daddy, basta sinabi ko na on the way na kami sa airport. I'm still amused by the fact na pinayagan niya ako agad-agad. Walang ifs and buts.

Pero tinadtad pala ako ng texts nila Alein.

Ingat kayo girl! Flood us with pictures ha? Tyaka hoy! Always practice safe sex! Mwah!

Natawa ako sa sinabi niyang iyon, kaya ni-replyan ko siya. 

Hi, tangina mo.

Ano naman ang naisip niya para sabihin iyon! Nakaka-ewan! Masiyadong marespetong lalaki si Fire. Dahil kung gusto niya ng ganoon, edi sana dati pa siya nag-initiate! 

"Love, I just ordered caramel macchiato." Abot sa akin ni Fire. 

4:45 na, pero full-packed ang airport, so after we drank our coffee, dumiretso na kami sa plane.

 About four hours ata bago makadating sa Cebu. And dahil minadali ako nitong si Fire, na-aantok ako.

"Sleep. Rest your head on my shoulders." And like what he said, I drove to dreamland.

May naramdaman akong hangin sa noo ko kaya minulat ko na ang mata ko. I immediately saw Fire smiling, and all the people are standing. I guess we're already here. 

At iyon nga, inalalayan niya ako para um-exit.

May sumundo saamin at dinala na kami sa titirahan namin. It was a cute villa facing the beach. Ang daming tao. Nang pumunta na si Fire sa clerk, nag-abot ito ng dalawang susi. Ngiting ngiti pa si ate girl. Pero wait, huh?

"Here is your room key, Air." Kinuha ko ito kahit nagtataka ako. Dalawang kuwarto?

"Let's meet later, okay? Mag-aayos lang ako." Hala, akala ko magkasama kami sa iisang room?

Tinabi ko na ang mga gamit ko at nagsuot ng swimsuit, pero naka-short ako sa pambaba.

 Nakaka-badtrip, akala ko iisang kuwarto lang! Sumosobra sa pagka-gentleman. Sana man lang ay nagtanong! Papayag naman ako eh!

"Love?" Rinig kong tinig sa pintuan and later on, bumukas na ito. Tsk. Kung hindi kasi sana tayo magkahiwalay ng kuwarto!

"What do you need?" Sumipol siya nang lumingon ako and displayed an amused smirk as he scanned me from head to toe.

"Just wanted to check on you. Magkatapat lang naman ang rooms natin."

"Yeah. Didn't expect that," bulong ko and he laughed.

"I really thought hard about that, but hindi pa tayo, and ang pangit tignan na iisang room lang. Twenty-five na ako, baka hindi ako makapagpigil." He chuckled and leered at me. Dahil sa sinabi niya, binato ko siya ng hair brush ko. Nasalo naman niya ito at mas tumawa.

Air and FireWhere stories live. Discover now