07

172 13 1
                                    

That's why I hate myself. Ang bilis kong naa-attach and here I am! Sa lahat ng break-up na naranasan ko, iyon ang pinakamalala.

 Take note, hindi naging kami ha? Ako ang may kasalanan kasi siguro nga, nag-assume ako.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo? One week ka nang laging nag-aaya sa bar," iritadong sabi ni Alein. 

Bar became my companion through the devastation that I am feeling. One week na since last kong nakita si Fire at naka-usap. Iniiwasan ko na rin kasing dumaan sa site nila.

What really broke me into pieces is on how he harshly said those words. He could have been much nicer and we can sort the misunderstandings.

Hindi katulad ng dati na kasama ang mga boys, kami lang ng mga girls ngayon. \

Friday and Saturday, asahan ninyong nandito kami. 

Fuck Fire! May pasabi-sabi pa na he made an account to be updated about my life, but then he will dump me?

"You're so red already. Uwi ka na namin." Hindi pa naman ako lasing, ah.

"No, ayaw ko pa. I'll dance first, 'kay?" Tumayo ako sa couch at dumiretso sa dance floor.

I miss Fire. Sobra 'yong tama niya sa akin. Tanga kasi, agad na-fall!

"Miss, type ka ng barkada ko. Ano raw name mo?" Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko. Matangkad, naka polo shirt na black, and matangos ang ilong.

"Bakit ikaw ang lumalapit?" Tumawa siya at nang tumama ang ilaw sa kaniya, nakita ko na may hitsura siya. Nadepina ang panga, at makapal ang kilay.

"Kasi type rin kita." Tumawa ako nang malakas at nahampas siya. Epekto rin siguro ng alcohol.

"That was smooth!" bilib na sabi ko.

"Where do you study? Sa Ateneo pala ako," he said.  Nice, big three.

"Well, that's nice." Ngumiti lang siya. Guwapo, pero ayaw kong mag-entertain. Ayaw ko lang muna ng kahit na sino maliban kay Fire... Kaya in-excuse ko ang sarili ko sa lalaking ito. I guess he understood that gesture of mine. 

"We'll take you home please. Tara na," bulong ni Kalreen.

"What the fuck is wrong with you, Aeian!?" galit na sabi ni Alein nang makadating na kami sa condo ko.

"Ano ba ang nangyayari sa 'yo? The hell! Kapag tinatanong namin kung ano ang problema, lagi mong sagot bukas na lang, bukas na lang, pero darating ang kinabukasan, wala!"

"Lein, madaling-araw na. 'Yong boses mo." Awat, at pag lapit sa kaniya ni Kalreen.

"The fuck is wrong with our friend? May alam ka ba ha?" Tumingin sila sa aking dalawa and that's when I elaborated, and told them all including that day that I ditched my friends to go and have a meal with Fire. 

"Then let him be! Hayaan mo! Iyan na nga ba ang sinasabi ko, eh. Haven't you had enough sa mga past relationships mo? Ang bilis mo kasing naf-fall! Girl, ilang days pa lang ang nakalilipas at sinama ka lang niya sa mall, na-inlove ka na!?" Si Alein pa rin. Hindi ko napigilan ang luha ko pati ang sarili ko.

"Kasalanan ko bang ganito ako!? Kasalanan ko, Alein!? Nagsasalita ka ng ganiyan kasi you're the type of girl that has her wall up!" nanggigigil kong sagot. Natahimik naman silang parehas. 

"Well, okay, I'm sorry, Aeian. But what I wanted to convey is that let him be and sana next time, you know how to control your emotion. Ni-reject ka lang, Aeian. And he has the right to do so, because wala naman siyang sinabing gusto ka niya..." Aray ko. Para akong sinasksak sa mga sinabing iyon ni Alein. 

Air and FireWhere stories live. Discover now