"Ano 'to Bigsis?" Tanong nila kaya napairap ako

"Why don't you open it instead of asking?" Usal ko kaya napakamot sila sa kanilang ulo bago buksan ang sobre

Bumilog ang kanilang mata ng makita ang laman no'n tsaka sa akin mangiyak ngiyak na tumingin.

"B-bigsis." Madrama nilang saad kaya napailing ako tsaka sila tinalikuran at muling bumalik sa loob ng sasakyan. Ganon rin naman si Arnold na muling binuhay ang makina ng sasakyan.

"Isa ka talagang anghel Bigsis, Salamat at mag-iingat ka. Kapag may kailangan ka ay hanapin mo lang kami at gagawin namin ang lahat ng iuutos mo." Usal nila kaya napailing nalang ako tsaka sinenyasan si Arnold na umalis na kami kaya sinimulan niya ng paandarin ang sasakyan

Nang lumingon ako sa likuran ay nakita ko pang kumakaway 'yong mga garapata habang nakatanaw sa amin.

"You're so kind Lady Texana."

"Kind huh? I'm not." Sagot ko sa sinabi ni Arnold kaya sumulyap siya sa rearview mirror tsaka ngumiti

"Yes you are Lady, Kung tutuusin kasi ay pwede mo silang patayin pero hindi mo ginawa, tsaka pwede mo naman silang paalisin nalang pero binigyan mo pa sila ng pera." Usal niya kaya napatingin ako sa labas ng sasakyan at pinasadahan ng tingin ang mga nadadaanan namin.

Hindi ako umimik sa sinabi niya dahil hindi ko alam ang isasagot. Bakit ko nga ba sila binigyan ng pera?

Hindi ko rin alam. Siguro dahil nakita kong mukhang mahirap lang sila at kailangan ng pera?

"Nga pala Lady Texana Kilala mo ba talaga 'yong Leader nila?" Muli niyang saad kaya tumango ako

"Sixteen years old, Grade 11 student ako ng lumipat kami dito sa pilipinas mula sa japan at pumasok ako sa SIN UNIVERSITY Kung saan nag-aaral ang mga bully, spoiled brat at mga Gangster. Doon rin nag-aaral si Winston at kilala siya sa school na 'yon dahil sa edad na 16 ay isa na siyang gang leader ng malakas na Gang na ang pangalan ay BULLMONSTER. Mayaman ang pamilya ni Winston at isa rin siyang gangster pero ganon pa man ay ayaw niyang inaapi ang mas mahina sa kanya o dinaraya, Hindi siya nambubully dahil ang totoo ay pinagtatanggol niya pa ang mga nabu-bully." Panimula ko kaya napatango tango siya

"Kung ganon ay mabait pala siya?"

"Yeah."

"Normal na estudyante lang dapat ako doon pero no'ng ika-anim na araw ko doon ay nakursunadahan agad ako ng isang grupo ng mga babae na sikat din sa S.U dahil bully ang mga ito. Nang mga panahon na 'yon ay hindi pa ako pasensyosong tao kaya ng simulan nila akong i-bully ay ginulpi ko sila at dahil sa ginawa ko ay nag-agaw buhay sila sa hospital." Dagdag ko pa at napatawa naman si Arnold

"Grabe ka talaga Lady Texana."

"I know, At dahil nga sa ginawa ko doon sa mga babae ay naging matunog ang pangalan ko sa buong Sin University, Karamihan sa mga ka-schoolmate ko ay nilalayuan ako sa takot na magaya sila sa mga babae na kung hindi lang agad na i-sugod sa hospital ay paniguradong namatay na..."

"Dalawang linggo ang lumipas at sa ikatlong linggo ko doon ay na damay ako sa labanan ng BULLMONSTER at ng isa pang sikat na grupo ng mga Gangster sa Sin University, Hindi ko alam kung anong pangalan ng grupo na 'yon pero ang leader nila ay si Angelo isang certified basagulero, Mahirap lang ito at hobby ang pang bubully sa mas mahina sa kanya. Ayon sa pagkaka-alam ko ay mas malakas at magaling ang grupo niya pagdating sa pakikipag-laban kaysa sa grupo nila Winston. Mahigpit na magka-away din ang dalawang grupo dahil magka-iba ang pananaw nila bilang gangster. Dahil sila Winston ay ginagamit ang pagiging gangster sa kabutihan samantalang sa kasamaan naman iyon ginagamit nila Angelo." Huminga ako ng malalim tsaka ngumisi.

"Pumasok ako no'n ng Cafeteria nang maabutan kong nag-aaway sila Winston at Angelo at dahil takot ang mga schoolmates at teachers namin sa kanila ay walang nangahas na pigilan sila. Wala naman akong pakialam sa away nila kaya dumiretso ako sa counter tsaka nag-order ng pagkain ko pero no'ng paalis na ako ay tumalsik sa direksyon ko ang isa sa kasamahan ni Angelo dahil sinipa ito ng isa sa kasamahan ni Winston, Huminto sila sa paglalaban ng unti unting nahulog sa sahig ang tray na hawak ko kung saan nakalagay ang isang Plato at mangkok na naglalaman ng pagkain ko."

"O-oh ow, panigurado yari sila." Nakangiwing wika ni Arnold kaya ngumisi ako tsaka nagpatuloy sa pagkwe-kwento.

"Dahil badtrip ako sa tuwing gutom ay binugbog ko silang lahat at hindi hinayaan na makaganti, Tinigilan ko lang silang bugbugin no'ng dumating si Dad sa school at sinundo ako dahil tumawag sa kanya ang Dean ng S.U."

"Matapos ng pangyayari na 'yon ay mas lalo akong kinatakutan ng mga estudyante doon, Mahigit isang linggo rin na na-confine sa hospital sila Winston at Angelo tapos ng makalabas sila ay agad nila akong pinuntahan at nakiusap na turan ko silang makipag-laban upang mas maging magaling pa sila sa pakikipag-laban at pumayag naman ako kapalit ng magiging magkaibigan ang mga grupo nila at susundin nila ang mga utos ko at pumayag rin naman sila sa kondisyon ko..." Usal ko kaya napangiti lalo si Arnold

"Napaka-husay mo talaga Lady Texana." Wika niya kaya napangiwi ako

"Texana nalang Arnold, huwag mo ng lagyan ng Lady." Usal ko kaya napatawa nalang ito na siyang ikina-iling ko.

"Dalawang taon ko rin silang sinanay no'n kaya lang matapos naming maka-graduate ng Senior High ay doon na ako nawalan ng communication sa kanila dahil bumalik ako sa Japan at doon nag-college, And until now, hindi ko pa rin sila ulit nakikita." Pagtatapos ko.

18 ako ng bumalik kami ng Japan at 4 years din kaming tumira doon, Actually Last Month lang kami nakabalik dito sa pilipinas. Kung bakit kami pumunta ng Japan 'yon ay para asikasuhin ang mga business namin doon at para na rin makasama ang Lolo ko na ama ng aking ina na namamaalam na.

Ang Lolo ko talaga ang Mafia Boss, at dapat sa mommy ko iyon ipapasa dahil ito ang nag-iisa niyang anak kaya lang patay na ang mommy ko kaya kay Dad niya iyon ipinasa bago siya mamatay, isa rin 'yon sa dahilan kung bakit natagalan kaming tumira sa japan.

Sa japan kasi talaga ang pinaka-main headquarters ng mga Mafia.

"Umidlip ka muna Texana, gigisingin nalang kita 'pag nasa mansion na tayo."

"Mabuti pa nga." Sagot ko sa sinabi ni Arnold tsaka ko ipinikit ang aking mata at hinayaan na lamunin ako ng dilim.

END OF CHAPTER:02

His Bodyguard Wife (𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘𝗗)Where stories live. Discover now