Chapter 43 [Run Away]

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kinakausap ka?!" --Kuya Patrick 

"Ah Kuya! Hindi kasi.. nagkakamali ka! Si Kurt yung naglayas tapos.. ako ay.. uhh.." sabit? saling-pusa? Uhh.. uh..

"Haaay." Ginulo ni Kuya Patrick yung buhok sabay tayo at hatak sa kwelyo ni Kurt O___O "Hoy, usap tayo."  Tapos tuluyan niyang hinatak si Kurt papasok sa isang kwarto.

"Yah. Tanda, bitiwan mo nga akoooo!" --Kurt

Waaah. Anong pag-uusapan nila? Bakit di ako kasama? >__________< Madaya madaya! Wait! Hala! Eh kung magsuntukan yun?! Eh nagsusuntukan na yun dati ah? Holooo. 

Teka nga!! Bahay ko 'to ah? OwO Tama tama. Yun ang excuse para makinig ako. hohoho. Kaya naman, naglakad na ko papunta dun sa kwarto at dinikit ko yung tenga ko sa pintuan.

"ANOOO?!" Hmm.. Si Kurt yun. Tama tama. Hala, eh ba't nasigaw yun?

"Ampucha. Bingi ka?! Kakasabi ko lang eh?!" Kuya Patrick naman. Hmp. Masakit sa leeg makinig sa kanila ah. Infairness. Bakit ba kasi ako di sinama dun?! = 3=

"---nakatakas siya?! Shit! Pag tapos ng lahat?!" Wait. Hala.. Ano daw sabi ni Kurt?! Nakatakas? Sino yuuuun? S-si.. Kuya Philip?

Amfuuu. Ang hina naman nung mga boses nung mga yun?! Wala na kong marinig! > o <

"Asahan kita ah." --Kuya Patrick. Ano na yaaan? Ano nang napag-usapan nilaaa? Sino nga yung nakatakas chuchu?

"Oo naman. Psh. Ako pa. =____=" --Kurt.

Tapos narinig kong papalapit na yung footsteps nila kaya dali dali akong tumakbo papunta sa sala sabay talon sa sofa. Tapos binuksan ko yung TV. Kunwari, andito ako kanina pa. XD

"Yumi." --Kuya Patrick.

"Uy! Tapos na pala kayong mag-usap? Hehehe." 

Tinignan nila akong dalawa na parang tinitignan kung nakinig ba ko kaya nilakihan ko pa yung ngiti ko para di sila maghinala. =____= Bakit nga ba kasi di na naman nagsasabi sakin yung mga 'to?! 

"Hay, bahala nga kayo. Di ako nagpunta ngayon dito ah. Di tayo nagkita. Geh." sabi ni Kuya Patrick sabay saludo at labas ng bahay namin.

HANUDAW? O___O As in yun na yun?! Ganun na? HUH?

"Uy, mushroom. Ano bang pinag-usapan niyo?" 

Nagsmirk si Kurt sabay iling. Nye. Anong sagot naman daw yun?

"Aalis na ko." --Kurt.

"H-ha?" Aalis na siyaaa? TT^TT

The Gangster's Kiss [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon