Experience Love 18: Monito? Monito

17 1 0
                                    



Monito?
Monito

Tuwing pasko hindi mawawala ang pagbibigay ng regalo. Isa ito simbolo ng kapaskuhan, ang pagbibigay. Noong bata ako bukod sa birthday ay pasko ang dahilan kung bakit ako nakakatanggap ng regalo. Lagi akong excited sa pagbubukas ng mga ito, kung hindi laruan ay damit ang aking natatanggap. Habang tumatanda ako pakonti ng pakonti ang mga regaling natatanggap ko pasko man o kaarawan. Noong nakaraang kaarawan ko binigyan nalang ako ng pera ng mga magulang ko, hindi daw kasi nila alam kung ano ang hilig ko kaya ako nalang ang bibili. Huling akong nakatanggap ng regalo ay noong graduation ko, isang branded na pabango galling sa Tatay ko na seaman. Hindi na ata uso ang makatanggap ng regalo kapag tumatanda ka na, ikaw na madalas magbigay sa magulang o sa nakakabatang kapatid. Tanging happy birthday nalang at hangover ang nakukuha ko. Pero hindi kailanman ay nagmintis ako sa pagbibigay ng regalo tuwing pasko sa magulang ko, kapatid at ngayon ang cute na cute kong pamangkin. Nagging tradisyon ko na ata iyon, ganun din naman ang kuya ko. Binibigyan ko siya at binibigyan niya ako. Tuwing pasko nalang ata kami kumpleto dahil parehong seaman ang kuya ko at tatay.

Tuwing pasko, sa kumpanya kung saan ako nagtatrabaho ay usong-uso ang Monito Monita, isang buong linggo palang ay nagbubunatan na kami para sa Monday, Wednesday, at Friday nagbibigayan nalang. Monday nang makatanggap ako ng something Hard, hard na hard kasi tumblr ang nakuha ko at ayon pa sa nagbigay ay "thirsty" daw ako kaya kailangan koi to. Noong Wednesday naman ay something Long, nung namimili ako wala akong maisip ng mahabang ibibigay kaya noong mapadaan ako sa mga paying sa department store hindi na ako nagatubiling bumili sa mga mahahabang payong. Noong nagbigayan na halos nagtatawanan dahil sa mga Reason kung bakit iyon ang ibibigay, nilagay ko na reason ay "para hindi ka mawet... tuwing tag-ulan", nang kunin ko ang regalo ko nagulat ako dahil , isang kahon ito napaisip kung nagkamali ba ang nagbigay pero nang buksan ko aba, napaka haba nga, isang mahabang sinturon na ang reason daw ay "pampalo sa mga bad kids na tuladmo". Ako? Bad? Hindi ata. Dahil mabuti ako at sumusunod sa kung anong ipagawa sakin sa kama – este sa mg utos.

"Psst! Tipen!" pasimpleng sigaw-bulong ng katabi ko. "nakabili ka na ban g regalo para sa biyernes?"

"Hindi pa, pwede ba mamaya na. Natutuyo na ako dito sa kakabalance. Ayoko na magsolve."

Luimingon-lingon ito at bumulong. "Tara yosi tayo." Lumingon ulit siya. "Bakit ba ako bumubulong?"

Hindi ko na sinagot ang pag-ASMR niya at dali-daling pumunta sa veranda ng office.

"Jessa sa susunod wag na ako sa inventory ah?! Nakakaasar magbilang ng paulit-ulit." Reklamo ko dito.

"Wag ka sakin magreklamo, kay Fred, siya tong dapat sa inventory eh bigla na lang 'di umano' naka stand by siya sa Legal department."

Alam naming dalawa na malakas ang kapit ni Fred sa kumpanya kaya talagang may pakinabang siya (minsan) samin ni Jessa bilang kaibigan niya, siya ang pamangkin ng CEO meaning pinsan din niya ang head ng legal department na si Atty –

"Hoy Fred! Halika nga dito!" hinila ko siya sa braso at dinala kung saan kami ni Jessa. "Alam mo bang malpit na maging abo utak ko? Tuyong tuyo na ako sa inventory!"

"Aray! Tama na – aray aray! Teka lang Stefan wait mag eexplain ako." Tinigil ko ang paglalamog sakanya pero di binitiwan ang tenga niya. "Pinatawag ako ni Atty Da- aray – pinsan ko, kailangan niya ako sa legal department aray aray-"

"Is everything okay here?"

Sabay sabay kaming lumingon sa likod naming ng magsalita ang pamilyar na boses, si Atty. Danico, halos matanda lang siya ng 3 years samin kaya halos mukhang magkakasing edad lang kami.

Experience Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon