Experience Love 8: Forever.

879 10 5
                                    

Noong unang kita ko palang noon sayo ay parang tinamaan na ako. Akala ko dahil gwapo at matnagkad ka lang kaya nagkaroon ako ng crush sayo. Sabi kasi nila kapag tumagal ang pagkakaroon mo nang crush sa isang tao ay Love na daw yun. Pano ba yan? Dalawang taon na akong may gusto sayo, so inlove na ako sayo?

Lagi akong late pag pumapasok ako sa school. Sanay na ang mga prof sa akin, pero kapag badtrip ang prof minsan ay madalas palabasin ako sa room.

Habang hinihintay ko na matapos ang Marketing subject ko ay naghintay ako sa student's shed. Abala ako noon sa pagsagot ng mga levels sa nilalaro ko na game sa cellphone ko. Hindi ko namalayan na umupo ka at nang mga kabarkada mo sa tapat ko, ang akala ko noon ay kakain lang kayo at nakishare ng table sa akin. Kinalabit mo ako noon upang itanong kung pwede ka bang umupo sa may tabi ko dahil hindi ka na kakasya pa sa kabilang upuan.

Yun yung unang araw na nakita ko nang malapitan ang mukha mo. Mukha ka lang simpleng lalake pero ang height mo ang nagbibigay nang appeal sayo. Gwapo ka pero hindi yung tipo na nakakasawa. Naging crush na kaagad kita noon. Hindi ako makagalaw ng maayos noon. Naiilang ako. Pakiramdam ko isang maling kilos ko lang ay matuturn-off ka. Kaya Naglagay nalang ako ng earphones upang kumalma ako.

Simula noon ay lagi na akong umuupo sa shed na yun. Nagbabakasakali ako na muli kitang makakatabi o kahit makita man lang. Lagi kitang naiisip. Kung minsan nga mukha na akong tangang naghihintay sa shed na yun.

8:30pm last subject ko, uuwi na dapat ako noon pero bigla na lang umulan ng malakas. Malayo ang Facade ng school sa Maingate. Wala akong payong kaya naisipan ko munang umupo sa shed. Hindi ako nageexpect na makikita kita ng araw na yun dahil ang akala ko ay ang course namin lang ang may pang-gabi na schedule.

Umupo ako sa shed noon. Halos wala nang tao sa school grounds dahil gabi na nga at maulan pa. Habang nagpapalipas ako na tumila ang ulan ay naglaro muna ako ng game ulit. Nagenjoy ako masyado at di ko napansin na may papalapit pala sa lugar ko na tumatakbo. Ikaw pala yun.

Sumilong ka shed noon at umupo sa tapat ko. Basa ang buhok at uniform mo nang ulan. Wala ka din payong. Lumakas pa lalo ang ulan noon, kasabay noon ang paglakas ng pagtibok ng puso ko. Hinubad mo ang polo mo at tinira ang panloob mong sando. hanid man ganoon kalaki ang katawan mo pero meron ka na mang maipagmamalaki kahit papano. Tumambad sa aking paningin ang medyo Tang mong kutis. Napatitig ako sayo noon habang nagpupunas ka nang buhok at nakayuko. Gusto sana kitang kunan ng picture noon pero baka mahulata mo at sapakin ako.

Biglang tumaas ang ulo mo at nahuli akong nakatitig sayo. Natulala ako sa mata mo noon pero napanganga ako sa ngiti mo. Lalo kang gumwapo sa paningin ko noon. Wala akong planong tangalin ang tingin ko sayo pero bigla kang nagsalita.

"Anong oras na?"

Hindi lang pala ang mukha mo ang gwapo kundi pati ang boses mo.

"8:45."

Tangi kong nasabi noon. Ngumiti ka sa akin at nagpasalamat. Sa simpleng pangyayaring iyon ay lalo akong nainlove sayo. Sobra akong nahulog sa iyo noon.

Alam ko naman sa sarili ko noon na hanggang pangarap na lang kita at hanggang tingin na lang ako noon sayo, kasi kahit pangalan mo noon ay hindi ko alam kaya hind din kita masearch sa Facebook. Matapos ang gabing iyon ay di na kita muli pang nakasabay sa shed. Hindi na ako umasa pa noon na makikilala pa kita.

Natapos ang first sem noon at sembreak na. Sabi ko sa sarili ko noon na baka makalimutan na kita dahil matagal kitang di makikita. Maraming nagyaya sa akin sa mga party noon. Ngunit parang wala akong gana. Pero mag isang party ako na pinuntahan, yung sa kabarkada ko. Ginawa iyon sa isang resort. Dumating ako noon ng gabi dahil may mga ginawa pa ako sa apartment ko.

Experience Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon