Experience Love 14: Jeepney pt.1

400 6 1
                                    

Nobody could ever find Love, It is Love that looks after us and if it finds us there's no way to escape.

Bakit?

Kasi ang pag-ibig ay hindi kailanman hinahanap. Ito'y kusang dumarating sa tao. Para sa aking ang pag-ibig ay parang ang Diyos, hindi ito nakikita at nahahawakan ngunit ramdam natin ito at pinaniniwalaan.

Tulad nga nang sabi nila, kapag hindi mo hinahanap ang isang bagay ay kusa itong magpapakita. It also applies to Love, which is true. Paano mo hahanapin ang isang na hindi mo nakikita, hindi mo alam kung sino o ano. Pero naniniwala ka pa din mahahanap mo ito hindi ba? Naniniwalang balang araw ay makikilala mo siya. Wala ka mang kasiguraduhan kung kailan at saan pero dahil sa paniniwala mo ay hindi ka nawawalan nang pag-asa. Hindi mo binibitawan ang paniniwala mo sa sinasabi nilang Destiny. Totoo naman di ba?

He's POV

"Bayad. Pasuyo" Panira nang moment eh.

Binuksan ko ang mata ko (di na kasi nahiya si kuyang nagpapaabot ng bayad eh, kitang nakapikit ako) at inabot ang bayad niya nang hindi ito nililingon. Nakakabadtrip.

"Manong, bayad DAW po." At muli akong pumikit.

Hirap kapag evening class eh, nakakaantok. Lalo na ang last subject ay parang prayer meeting. Totoo naman eh, pagpasok nang magaling naming Prof eh dire-diretso na ito sa pagsasalita na walang kung sino o ano mang makakapigil dito at mageentertain laman ng tanong kapag 5 minutes before the time na. Malang wala na magtatanong at gugustuhin nalamang naming umuwi.

"Nakantut naman oh!" Sigaw ni Manong Driver with feelings sa pagtapak ng preno. Kaya kami namang mga pasahero ay parang domino at nagsiksikan. Pero parang abuso itong si Kuyang katabi ko dahil O.A makasiksik kaya nilingon ko ito.

Wrong move.

"Aww!" "Nyeta!" Sabay naming nasabi. Pano paglingon ko eh lilingon di pala itong gagong to kaya nagkauntugan noo namin. Tinignan ko siya nang masama at lumingon muli palayo sakanya. Nakakahiya. Naghagikhikan ang mga nakasakay sa jeep, wala man lang initiative itong katabi ko para magsorry since siya naman ang may kasalanan. Sumabay ba naman sa pglingon ko?!

Mahaba-haba ang biyahe pauwi sa amin. Sa kabilang siyudad kasi ang School ko, eh yun lang ang magandang school eh kaya mo choice. Nakahawak siya sa metal handle ng jeep, amoy na amoy ko ang gamit niyang pabango or body spray. Mabango. Di nakakahilo. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya ang braso niya ang nakakaharap ko kapag lumilingon. Ako ang nasa likod ng driver kaya medyo di pansinin ang lugar ko. Pasimple ko inamoy muli ang braso niya, grabe, ang bango. Nakakawala nang badtrip.

Tinaaman ata ako sakanya Hahaha! Nakaka-turn on kasi ang bango niya. Di man siya yung sobrang gwapo pero malakas ang appeal. Yung tipong simple lang pero nakaka-L Hahahaha!

Biglang bumukas ang mata niya nang animo'y aamuyin ko ulit ang braso niya kaya napaiwas ako nang tingin. Pansin ko namang napangisi siya. Tangina nakakahiya!

Hanggang sa makarating kami sa terminal ay di ko na siya nilingon. Halos mastiff neck ako kakaiwas ng mukha ko sakanya. Nakakahiya po! Nang nagsibabaan na ang pasahero, bilang nasa dulo ako ay huli akong makakababa... at siya. Kami.

Nauna siya at sumunod ako. Sabi ko na nga ba eh, mas matangakad siya sakin. Pwede sana siyang magmodel kaso di masuadong gwapo, buti pa ako gwapo, bansot nga lang! Hahaha! Nobody's perfect ika nga.

Nang makauwi ako sa bahay ay diretso na ako sa kwarto at plakda sa kama ko. 9pm na din eh. Di na ako maghahapunan dahil tinatamad na akong magluto. Ako lang kasi nakatira dito, si Mama at Papa ay nasa Paris para magtrabaho, as usual, TNT sila. Tago nang tago.

Experience Love (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon