Chapter Twenty One: Longing

88.6K 1.9K 139
                                    

Chapter Twenty One: Longing



CYRHEL

"Bunso, hayaan mo na si Manang dyan."

"Ma, malapit na itong maluto," hindi lumilingon na sabi ko pagkatapos inihulog ang huling sahog sa kaldero. Naisipan kong magluto ng sopas para sa agahan.

Lumapit sa akin si Mama. "Naninibago ako sayo, bunso. Dati-rati tanghali ka na nagigising. Pero ngayon nauunahan mo pa kaming lahat."

Ngumiti ako. "Masanay ka na ngayon, Ma dahil ako na ang palaging magluluto. Aagawan ko ng trabaho si Manang." Lumingon ako sa may-edad na babae na kanina pa nakamasid sa akin at kinindatan ito.

"Hayaan mo na 'yan kay Manang," hinila ako ni Mama palabas ng kusina. "Kanina ka pa hinahanap ng papa mo."

"P-pero..."



"Wala ka bang balak lumabas? Ilang araw ka nang nagkukulong dito sa bahay," may pag-aalalang tanong ni Papa habang magkasama naming dinidiligan ang mga halaman sa garden.

"Tinatamad po akong maglalabas."

"Nag-aalala na ako sayo. Magmula nang bumalik ka ay ang laki na ng pinagbago mo."

"Pa, wala naman nagbago. Guni-guni nyo lang siguro iyon."

"Tell me, did someone broke your heart?"

"Papa!"

"I'm just asking. Sa nakikita ko kasing ikinikilos mo ay parang na-heartbroken ka. You used to be a jolly person. Pero ngayon...ngumingiti ka nga pero malungkot naman ang iyong mga mata."

Hindi ako nakakibo. I'm being too obvious. Kahit anong pilit ko ay hindi ko pa rin magawa.

"Sino ang lalaking nanakit sa damdamin ng bunso ko?" Pabirong sabi ni Papa at malambing na niyakap ako. "Sabihin mo sa akin at tuturuan ko ng leksyon."

"Papa naman!" Ismid ko.

"Akala mo ba nagbibiro ako? I'm serious," natatawa na sabi niya.

I rolled my eyes. Hindi ko masakyan ang trip ni Papa.

"Fine. Hindi kita pipilitin magsalita. Pero huwag mong kakalimutan..." Pinisil niya ako sa pisngi. "I'm always here to listen. Especially kapag ito na ang involved," bumaba ang kamay niya at itinuro ang tapat ng dibdib ko.

Hindi ko naiwasan mapangiti. "Maaasahan mo, pa."



"Ate, telepono po."

Napahinto ako sa pag-akyat ng hagdan. "Sa akin?" Nagtataka na lumapit ako sa katulong nang bigla akong may naalala. "Sino daw? Lalaki ba?" Sinadya kong hinaan ang boses.

Tumango siya. "Opo. Lalaki."

"Sabihin mo wala ako. Kunwari umalis ako at hindi na babalik." Nagpapanic na binalik ko sa kanya ang aparato. "Basta ikaw na ang bahalang mag-alibi."

"Pero ate, narinig na po niya kayo."

Syunga! Hindi ko pala natakpan ang receiver. Napilitan tuloy akong sagutin iyon.

"H-hello..."

"Aha! Balak mo pa kaming pagtaguan!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses ni Eric. Siya lang pala tumawag.

"Ano na naman kaartehan 'yan, Cyrhel? Pati ba naman kaming mga kaibigan mo ay pagtataguan mo pa!"

"Bakit naka-off ang cellphone mo?" Sabat naman ni Azure.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon