Chapter Fifteen: She's Back

97.7K 2.2K 194
                                    

Chapter Fifteen: Panic Mode

TYRON

                Argh! Nasapo ko ang ulo nang bumangon ako mula sa kama. Alas-siyete na ng umaga pero pakiwari ko ay katutulog ko pa lamang. Hating-gabi na kasi akong nakauwi mula sa dinner date namin ni Kate.

                Halos hindi ko maidilat ang mga mata na lumabas ako ng silid at dumiretso sa kusina. Bukod sa pamimigat ng ulo ay nakaramdam din ako ng pagkalam ng tiyan. Subalit malinis ang ibabaw ng mesa. Gayundin ang mga gamit sa kusina. Senyales na walang inihanda na almusal si Cyrhel.

                Isang linggo na niyang ginagawa ito sa akin. Hindi na niya ako pinagluluto ng almusal pati na rin ng hapunan. Tuloy, bago ako umuwi galing opisina ay kumakain na ako sa labas. Hindi ko magawang makapagreklamo noong una dahil alam kong isusumbat ng dalaga sa akin ang nagawa kong kasalanan sa kanila ni Baby Ron-Ron. Subalit kung patuloy ko siyang hahayaan ay mamimihasa ang monay na iyon sa pang-aabuso sa akin.

                "Cyrhel!" Sigaw ko. Nang wala akong marinig na response mula sa kanya ay sumugod ako sa kuwarto niya. Hindi naka-lock ang pinto at bahagya iyong nakaawang. "Hoy Cyrhel, baka gusto mong buma-" Natigilan ako nang matagpuan si Baby Ron-Ron na nag-iisa sa ibabaw ng kama. Sa lakas ng boses ko ay nagising tuloy siya at biglang nag-iiyak.

                "Cyrhel!" Ewan, pero bigla akong kinabahan. Wala sa loob na tinungo ko ang banyo. Nang hindi ko siya matagpuan roon ay nagmamadali akong lumabas ng silid para lang muling bumalik. Nasaan na siya?

                Napilitan akong kargahin si Baby Ron-Ron dahil sa patuloy niyang pag-iyak. Hindi ko naman malaman kung ano ang gagawin. Nahahati ang isip ko kay Cyrhel at sa bata.

                Napasugod ako sa ospital. Agad akong dumiretso sa opisina ni Mark. Nagulat pa siya nang makita ako na kasama si Baby Ron-Ron.

                "May problema ba kay baby?" Kunot-noong tanong ng kaibigan. Nang makita naman ng bata ang binata ay bigla na lamang itong tumahan sa pag-iyak.

                "Popo!" Bulaslas ni baby. Itinaas pa niya ang mga kamay patungo sa direksyon ni Mark.

                "Walang problema sa kanya. Pero ako meron."

                "Kung problema lang iyan tungkol sa puso, hindi ako ang taong makakatulong sayo," aniya at kinuha sa akin ang bata. Nilapag niya si Baby Ron-Ron sa table at saka in-examine.

                "Ano ka ba? Hindi ito tungkol sa lovelife ko. Tungkol ito kay Cyrhel?"

                "At ano naman ang tungkol kay Cyrhel?"

                "Nawawala siya. Basta na lamang siyang umalis nang hindi nagpapaalam at iniwan sa akin ang bata," nagpapanic na sabi ko.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon