Chapter Thirteen: Selfishness

92.4K 1.8K 154
                                    

Chapter Thirteen: Selfishness

CYRHEL

                "Si Baby Ron-Ron?" Bungad ni Tyron nang lumabas ng kanyang silid at humilata na lang bigla sa couch. Kagigising lang niya pero mukhang matutulog na naman siya ulit.

                "Katutulog lang ni baby. Nandoon siya sa kuwarto."

                "Ipagtimpla mo ako ng kape," utos niya.

                Awtomatikong humaba ang nguso ko. "Bakit hindi ikaw ang magtimpla ng sarili mong kape? Yaya ako ng anak mo at hindi mo katulong," ismid ko. Namimihasa na ang binata. Bukod sa pag-aalaga kay Baby Ron-Ron ay ako na rin ang gumagawa ng lahat ng mga household chores. Halos hindi na nga siya kumikilos. Kapag nandito siya sa pad ay wala siyang ginawa kundi matulog, humilata at kumain.

                "Pero ako pa rin ang amo mo at ako ang nagpapasahod sa'yo," aniya habang nanatiling nakapikit.

                "Dalawang linggo na ako dito pero hanggang ngayon ay hindi mo pa ako pinasasahod. Nasaan ang katarungan doon?"

                "Talagang hindi ka makakatikim ng sahod sa akin hangga't hindi mo ako tinuturing na amo."

                Sa inis ay sinugod ko siya at tinakpan ng throw pillow ang kanyang mukha. "Hayop na bakulaw ka! Wala ka talagang puso!" Wala sana akong balak na tigilan siya kung hindi lang tumunog ang kanyang cellphone. Nang marinig iyon ni Tyron ay halos balyahin niya ako at mabilis na bumangon. Tumalbog tuloy ako sa kabilang couch.

                "Yes, Kate?" Ang lapad ng pagkakangiti ng loko. Kumukutitap pa ang kanyang mga mata. Mukhang inlabu ang bakulaw.

                Tumayo ako at tinungo ang kusina upang kumuha lang sana ng tubig. Ngunit narinig ko ang pasigaw na tinig ni Tyron. "Monay, 'yung kape ko huwag mong kalimutan."

                "Hoy baku-"

                "I was refering to my maid. Yeah, I'm calling her Monay. Para kasing monay iyong mga pisngi niya," wika niya sa kabilang linya habang nakahilata sa couch. Tumatawa pa siya na parang kinikilig.

                "Maid ha? Kung lagyan ko kaya ng pampapurga itong kape mo? Ewan ko lang kung kiligin ka pa habang pabalik-balik sa banyo,"  pagsesentimyento ko. Labag man sa kalooban ko ay ipinagtimpla ko pa rin siya ng kape. Muli akong napatingin sa direksyon ni Tyron nang marinig ko siyang tumawa.

                "Care to tell me why?" aniya sa malanding tinig at parang sira na pinanggigigilan ang yakap na throw pillow.

                "Ang sagwa palang lumandi ang isang bakulaw. Nakakapanindig balahibo," I said to myself and giggled. Para kasi akong maiihi.

Baby, You And I (Published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon