Chapter 12 - Ang Matamis At Matabang na Biscuit

305 9 0
                                    


Humanga si Mark sa kagandahan ni Mary, at di iyon nakaligtas sa mga mata ni Christian na lihim nagdulot ng konting lungkot sa binata.

"Christian." masayang bati nito sa binata.
"Mary, ito nga pala si Mark. " pagkasabi'y bumaling ito sa lalaki. "Mark, si Mary." pakilala ni Christian.
"Hello." simple lang ang pagbati rito ng dalaga. Tumango lamang dito si Mark.
Tiningnan ni Mary ang pinakilalang kaibigan ni Christian. Di niya ito kilala at ngayon lang niya narinig ang pangalan nito mula sa kaibigan.
Ang ganitong tipo ng lalaki ang hindi magiging kaibigan ng good boy na si Christian. Pinagtatakahan din niya lalo nang mapansin niya ang mga pasa nito sa mukha. Mukhang bad boy. Scary.

Isa pa naman sa mga ayaw ni Mary sa lalaki ay bad boy look. Ayaw niya sa lalaki ang maskulado at rugged. Gusto niya good boy. Clean. Yung tipong "take-home-to-momma cuteness" tulad ng kay Christian, na pangunahing dahilan kung bakit sila nagkalapit ng kaibigan.

Pasimple niyang tinanong ang binata tungkol kay Mark. "Kababata mo?"
"Ammmhhh, parang ganun." nakangiting sagot ni Christian. Kalmadong kalmado.
"Ah... Ang dami niyang pasa... naaksidente ba kayo?" dagdag na tanong ni Mary na ikinailang ni Mark na may pag-aalala. Marahan nitong hinihimas ang sugat sa kilay na tila nahihiya, sa pagkakabaluktot ng braso ay lumabas ang mabilog na bicep ni Mark. Scary talaga, sa isip-isip ni Mary nang makita ang naglalakihang muscle sa braso ng lalaki ng magflex ito.
"Ah eh... nahulog siya sa tricycle..." palusot ni Christian.
Ang laking tao, nahulog sa tricycle, isip-isip ni Mary.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng dalaga kay Mark.
Ngumiti lang dito si Mark at umoo. Nakita ng dalaga kung paano ngumiti ang lalaki. Mukhang may pagka-pilyo, isip-isip ni Mary. Pero naalala rin niya na ito ang nagpatuloy sa kaibigan kagabi, sa kasagsagan ng bagyo. "Salamat nga pala sa'yo sa pagpapatuloy dito kay Christian." Di nakalimutan ng magandang dalaga magpasalamat sa lalaki.
Kitang-kita ni Christian ang hiya sa mga mata ni Mark. Kung alam kang kasi ni Mary ang totoo.

"Ah, Mary, kumusta si tito?" tanong ni Christian, di lang para ibahin ang usapan, kundi nag-aalala rin siya sa kalagayan ng ama ng kaibigan.

Magmula nang maging magkaklase sila ni Mary sa highschool at naging magkakompitensya sa grades ay naging magkalapit din ang kanilang mga pamilya sa isa't-isa. Tama magkakompitensya sila noon, di naman sila ang top 1 pero pasok sila sa honorable mention nang nag-graduate. Pinaglabanan nila ang pagiging third honorable mentioned. Give-up si Mary kay Christian pero ang hinangaan ng dalaga sa binata ay ito pa minsan ang nagtuturo sa kanya. Natural sa binata ang pagiging mabait. Kaya hanggang kolehiyo ay magkaklase sila sa parehong kurso sa parehong unibersidad. Mula rin noon wala ng maka-porma kay Mary. Dahil sa pagiging sobrang close ng dalawa.

"Naroon sa loob si daddy." sagot ni Mary. "Halika pasok kayo."
At tumuloy na ang tatlo papasok ng bahay.
Masakitin ang ama ni Mary na para bang pati doon magkatulad ang dalawa. Subalit di tulad ni Christian, nag-iisang anak lang ang dalaga. Kaya naman maging sa kapatid ni Christian ay malapit si Mary.

Nagkakumustahan si Christian at ang ama ng kaibigan. Naipakilala na rin dito ng binata ang kaibigang si Mark. Tila napanatag naman ang loob ng ama ni Mary, at nagkasundo ang tatlo sa presyong ibabayad sa lalaki.
Nabanggit ng ama ni Mary kay Mark na may konting problema ang injection pump ng sasakyan. Natuwa ang ama ng dalaga nang malamang marunong si Mark mag mekaniko. At palihil na nadagdagan ang paghanga dito ni Christian namg malaman ito.

Inutusan si Mary ng ama na ibigay kay Mark ang mga kagamitang pang-ayos ng sasakyan.
"Ano kaya kung kila Christian mo na lang i-check? Para maayos din niya agad yung mga dadalhin niya." saad ni Mary kay Mark na sinang-ayunan ng huli.
Paalis na ang dalawang lalaki nang magsalita si Mary, na ikinagulat ng dalawa.
" Teka, nasa kwarto ko pa yung bag na dadalhin ko." at saka tinungo ang sariling silid. Pagbalik ay bitbit na nito ang malaking bag na asul.
"Halika na." nakangiti nitong yaya. Nauna pa itong umupo sa loob ng sasakyan kesa sa dalawa.
Napangiti si Christian sa dalaga. Alam niyang sabik ang kaibigan sa pamamasyal at alam niya na close ito sa tiyahing bibisitahin.
Masaya namang nakamasid si Mark sa magkaibigan...
********

"Talaga?" buong pag-aalala na tanong ni Mary ng malaman mula kay Christian na may dinaramdang sakit si Mark nang ipaalala ni Christian sa lalaki ang tungkol sa mga gamot.
"Kaya nga maghahalili ako sa pagmamaneho sa kanya." saad ni Christian.
Bumaling ang dalaga kay Mark at saka nagtanong, "Kakayanin mo ba? Malayo rin ang La Union."
Tinapunan ng tingin ni Mark ang dalaga saka sumagot, "Kaya ko." buo ang katatagan sa boses nito sa kabila ng pagiging kalmado nito.
"Working student ka?" tanong dito ni Mary. Ewan niya ba at basta naguguluhan siya sa lalaki.
"Hindi nako nag-aaral." sagot ni Mark. "Rumaraket-raket lang." dagdag pa nito.

Di alam ni Christian kung saan tatakbo ang kanilang usapan. Basta sa tingin niya mukhang interesado rito si Mary at ganun din itong si Mark. Tingnan mo nga ang cool na cool sa pagmamaneho, parang walang sakit, medyo may halo ng inis na isip-isip ni Christian.

"Okay. Basta magsabi ka lang kay Christian kung gusto mo magpahinga." bilin dito ni Mary, dahil sa isip-isip ng dalaga parang lugi yata ang kaibigan niya. Bakit kasi di na lang kumuha si Christian ng driver na walang sakit?!

Nababaitan si Mark sa kaibigang dalaga ni Christian. Napakamaalahanin nito.

"Meron nga pala ko ditong baong biscuit." wika ng dalaga habang inilalabas sa bag ang isang tupperware na baunan.
Unang inalok nito si Christian at sumunod ay si Mark. Agad kinagatan ng lalaki ang biscuit.
"Sarap!" nakangiting saad ni Mark habang ningunguya-nguya ang kinagat na piraso ng biscuit.
" Yung tamis? Tama lang ba?" tanong dito ni Mary.
Agad namang sumagot dito ang lalaki. "Oo!" sabay ngiti  at saka nagtanong, "Anong tatak nito? Imported?"
"Naku, hindi. Nag-bake kasi kami ni mommy kanina." sagot ni Mary na napakaluwang ng pagkakangiti dahil sa papuri mula kay Mark.
"Aba! Masarap, ha!" dagdag ni Mark na halata sa boses ang paghanga.
"Salamat." di na naalis ang ngiti sa mga labi ni Mary. Isa yun sa mga passion ng dalaga. Yung baking. Kung saan, si Christian lagi ang taga-tikim at tagapaghatol kung tama sa timpla.
"Ito pa, oh. Kuha ka pa." alok pa ng dalaga kay Mark at saka bumaling sa kaibigan. "Christian, oh kuha ka pa." masaya ang tinig ni Mary. "Masarap hindi ba?"
Lihim na humahanga si Mark sa ugali ng magandang dalagang katabi. Kung titingnan mo ito, aakalain mong sopistikada  sa angking ganda, ngunit sa kabila nun ay napaka-simple lang nitong si Mary. Akalain mo. Eh mukh na itong artista o modelo ng shampoo.
Ngunit nawala panandali ang mga ngiti ng dalaga nang dagling sumagot si Christian sa alok nitong biscuit.
"M-medyo matabang."
"Hindi naman." wala sa loob na sagot ni Mark sa pagitan ng pagnguya na sarap na "lsarap sa pagkain niya. "Tamis nga."
Si Christian. Nakanguso. "Nakakailay."
Patlang.
Kumagat si Mary ng isa na para bang sinisigurado ang lasa ng ginawang biscuit.
"Matabang? Tapos nakakailay?" naguguluhang tanong ng dalaga.
"Medyo masakit ngipin ko eh." wala sa loob na nabigkas ni Christian.
"Si Mark na lang ang alukin mo."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BalisongWhere stories live. Discover now