Chapter 23 - Isang Gabi sa Underpass

474 15 18
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw. Mga linggong nagdaan na pumukaw sa atensyon ng binata. Ang kanyang pag-aaral... ang patuloy na paggaling ng kanyang ama... Muli naging kaagapay niya si Mary at kapit-kamay nilang sinusuong ang mga hamon upang makamit nila ang diplomang inaasam balang araw...

Subalit 'di na marahil naalis ang lungkot sa kanyang mga mata. Minsan isang araw ay nagtanong tuloy ang kanyang kapatid,
"Kuya?"
"Oh?"
"Okay ka lang ba?"
Napatingin siya dito na tila nagulat kung bakit naiatnong ito sa kanya ni Anafrid. Doon na lamang niya napagisip-isip na marahil hindi siya aware pero di naitatago ng kanyang mga mata ang lungkot ng kanyang puso.
"Oo naman." pagkasabi'y ngumiti siya dito. Yun lang ngiting iyon ang gustong makita ng nakababatang kapatid at sapat na ito para maisip na okay ang kanyang kuya. Bata pa si Anafrid at ayaw niya itong mag-alala.

Naging ugali na rin ni  Christian ang luminga-linga sa paligid na tila ba may hinahanap. Lalo na kung siya ay nasa mataong lugar. Nagbabakasakaling makikita niya sa isang sulok ang kanyang kaibigan. Na magtatama ang kanilang mga tingin at kakaway ito sa kanya. Ngunit sa dinami-dami ng mga mukha ng tao na sa kanyang paligid ay wala sa mga ito ang maliliit na mga matang iyon, ang pinong mga labi... ang mga ngiting iyon ni Mark...

Ganun pala marahil ang buhay. Minsan naaalala niya ang mga tinuran sa kanya ni Peaches. Siguro nga kailangan nating magpatuloy. Kahit masakit pero kailangan. At naisip rin niya na kailangan siya ng mga tao sa kanyang paligid.

Siguro di na rin mawawala ang lungkot na iyon na namahay na sa kanyang dibdib. Na sa kabila ng kanyang mga ngiti, tawanan, sa gitna ng mga masasayang pagsasama ng pamilya at mga kaibigan... alam niya na magiging bahagi na ang lungkot ng kanyang pagkatao. Lalo na pagtulog na ang lahat. Pag siya na lamang mag-isa... lagi at lagi niyang maalala na minsan may isang Mark na naging bahagi ng kanyang buhay.

Lumipas pa ang mga araw... at nagpatuloy sa buhay ang binatang si Christian. Tuluyan na siyang naging abala sa paghabi ng sariling buhay na tatahaking wala si Mark sa kanyang tabi.

Tuloy lingid sa kaalaman niya na minsan, isang gabi sa underpass...

Gumuhit ang kidlat at sumabog ang malakas na mga kulog na nagpagising sa binata. Mark!

Kasing dilim ng gabi ang paligid ng silid ni Christian. Sa labas ay nanggagalit ang malakas na ulan kasabay ang pagkulog at pagkidlat. Naalala niya si Mark. Nasaan na kaya ang kaibigan. Nakasilong kaya iyon ngayong gabi? Baka basang-basa na si Mark at napakalakas pa man ng ulan? Baka apuyin na naman ng lagnat ang lalake... Nakakain na kaya iyon bago bumuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka na Mark?
Di na namalayan ni Christian na binabanggit na niya pala ang pangalan ng lalake kasabay ng pag-uunahan ng kanyang mga luha...

Mark!

Ngunit wala ng Mark ang tutugon sa kanyang mga tawag... dahil lingid sa kaalaman ng binata na minsan, isang gabi doon sa underpass... ay may isang bangkay ng lalake ang natagpuang may tarak ng kutsilyo sa bandang dibdib. Nakamaong at puting t-shirt ito at ang mukha ay nakasubsob sa madumi at malamig na mamasa-masang semento ng underpass... Ni wala ngang paraan upang mapagsino ang bangkay dahil wala mang lang itong ID o pagkakakilanlan. Nakatakip ito ng mga dyaryo at di na rin nabalita sa tv at mga pahayagan... lingid sa kaalaman ng lahat... si Mark iyon... na tuluyan ng naglaho sa dilim ng gabi... doon sa underpass... na kailanman ay hindi na nakarating sa kaalamanan ng binata.

At marahil darating ang araw, lalakaran na lamang ito ng mga taong paroo't-parito, na wala ni isa man sa kanila na makakaalala na minsan isang gabing maulan, may isang buhay na tinikwal doon sa underpass, na kung saan ang mga huling luha nito ay naging bahagi na ng mga bakas at dumi ng sahig ng underpass...

BalisongМесто, где живут истории. Откройте их для себя