Chapter 3 - Lubid at Talim

571 6 0
                                    


Maliit lamang ang inuupahang kwarto ng lalake sa ikalawang palapag. May isang kama sa gitna ng silid, mesa at dalawang upuan sa harap ng nag-iisang bintana, may isang lababo at palikuran. Studio-type kung baga. Pinapasok siya nito at saka tinarangka ang pinto. Walang imik ang lalake at ni hindi mabanaag ni Christian ang emosyon nito sa mukha. Cool lamang ang lalake sa kanyang bawat pagkilos.
Umupo si Christian sa silyang malapit sa kanyang kinatatayuan habang pinapanood ang lalake na muntik ng kumitil ng kanyang buhay kani-kanina lamang sa underpass. Kasalukuyan noong iniaayos ng lalake ang biniling monay sa isang pinggan. Matapos ay dumiretso ito sa isang may kalakihang itim na bag sa gilid ng kama at kumuha ng iilang damit pamalit.
Nagkaroon ng pagkakataon si Christian na pagmasdan ang holdaper sa kabila ng malabong liwanag sa nakasinding bombilya.
Mga 5'10 ang taas nito. Mas matangkad na maituturing sa taas nyang 5'7. Sa suot nitong hapit na sando na noo'y basang-basa ay nagpapabakat sa mga masel nito sa katawan. Modelo ang pangangatawan nito. Nakita rin niya na chinito ang holdaper, at sa kabila ng kayumanggi nitong kulay ay di maikukubli ang angkin nitong kakisigan at kagwapuhan.
Sa totoo lang hindi ito mukhang kriminal tulad sa mga napapanood niya. Nagkaroon tuloy ng misteryo sa kanya ang lalake.
Tulad kanina ay pansin pa rin ni Christian ang pangangatog nito sa bawat paggalaw. Bumalik sa kanyang ala-ala na inaapoy nga pala ng lagnat ang holdaper.
Tila naman napansin ng lalake ang pagtingin sa kanya ni Christian at matapos kumuha ng ilang pirasong damit at briefs ay lumapit ito sa kinauupuan ng binata.
Malumanay pero astig ang boses nito nang nagsalita, "Ito, pamalit mo ng bihisan." at saka iniabot sa kanya ang isang pirasong tshirt at maong shorts. Nagulat pa si Christian na may kasama itong puting brief.
Kinuha niya mula sa lalake ang mga pamalit at tangkang papasok sa banyo upang doon magbihis nang biglang tawagin siya ng lalake. "Teka!" Huminto si Christian at nilingon ito na may pagtatanong sa mga mata. Mula sa isang tokador ay naglabas ang lalake ng isang lubid na lalong ipinagtaka ni Christian. Muli na namang namuo ang takot sa kanyang dibdib.
Lumapit sa kinaroroonan niya ang lalake tangan ang lubid. "Palitan mo ang t-shirt mo. Ngayon na." utos nito.
Dali-daling hinubad ni Christian ang basang t-shirt sa utos ng lalake. Nahihiya siya maghubad sa harap nito dahil lean muscles lamang ang sa kanya. May porma rin ang kanyang katawan kung maituturing ngunit malayo ito kung ihahambing sa maskuladong pangangatawan ng lalake. Maituturing mang mas gwapo ang mukha niya ay mas lalakeng-lalake ito kesa sa kanya sa pangkalahatan.
Matapos maisuot ang ipinahiram na t-shirt ay ikinagulat ni Christian ang sumunod na pangyayari. Tinali ng lalake ang kanyang mga kamay at tinali siya sa gilid na kama. Hindi makiimik si Christian ng mga sandaling iyon. Matapos ay nagwika ang lalake, "Mahirap na."
Ipinagpatuloy ni Christian ang paghuhubad ng pantalon habang ang lalake naman ay tinungo ang lamesa upang kainin ang monay. Tahimik lamang itong kumakain habang diretso ang tingin sa platong kaharap. Atubili naman si Christian sa pagsusuot ng brief dahil semi-erect na siya ng oras na yun dahil sa nadaramang lamig. Medyo malaki ang brief nito sa kanya kaya namang malayang nakalaylay ang pagkalalaki niya sa loob. iniipit na lamang niya ang ulo ng kanyang ari niya sa garter saka isinunod ang maong shorts upang di gaano bumukol ang ari niya. Matapos ay naupo siya sa lapag sa gilid ng kama kung saan siya nakagapos. Maya-maya'y tumayo na ang lalake at kinuha ang plato ng monay at iniabot sa kanya. "Oh"
"S-salamat."
Tiningnan lamang siya ng holdaper at sarili naman nito ang kanyang inayos. Dumadalas ang pag-ubo ng lalake.

Habang tumatagal ay lalong lumalamig ang gabi.

Nagsimulang maghubad ang lalake na tila hindi siya alintana. Una nitong hinubad ang basang sando at sa pagkakaangat ng bilugang balbuning mga braso ay lumantad kay Christian ang makapal na buhok nito sa magkabilang kili-kili. Balbon ang lalake. Pinatunayan nito na malantad pa ang hubong pang-itaas ng lalake. May mga mala-bulbong buhok na gumagapang mula sa dibdib na paikot sa magkabilang utong sa alsado nitong dibdib na tumutuloy sa mala pandesal nitong abs at tuloy-tuloy ang gapang ng balbuning mga buhok nito sa katawan pababa sa pusod na pinutol ng nakalabas nitong garter ng puting brief sa loob ng suot nitong fitted na jeans. Hindi rin maikukubli ang lago ng bulbol nito na sumisilip sa garter ng brief.
Tuwing makakakita si Christian ng balbuning katawan ng lalake ay tila may paghahangad siya sa sarili na sana ganun din siya. Napakakinis kasi ng kanyang balat na akala mo'y sa babae. Kung siya ay clean look ito namang isang ito ang tinatawag na rugged look.
Nagpatuloy ang lalake sa paghuhubad. Isinunod nito ang suot na pantalon. At dahil fitted nga ito at basang-basa nahihirapan ang lalake sa paghuhubad. Upang mapadali ang paghuhubad ng pantalon, umupo ang lalaki sa kama patagilid sa gawi niya at doon hirap ng pinagpatuloy ang paghuhubad. Tila nanghina naman ang lalake matapos tuluyang mahubad ang suot na pantalon. Sinumpong ito ng ubo at tila nahilong humiga sa kama. Nakatagilid sa paningin nya ang lalake. At dahil sa sahig sa gilid ng kama nakatali si Christian ay tanging mga binti lamang nito na nakalaylay sa kama ang kanyang nakikita. Pinakiramdaman niya ang lalake. Hindi kumikilos ang mga balbong binti ng lalake. Dahan-dahan niyang iniangat ang sarili upang masulyapan ito sa pagkakahiga. Kasunod niyang natanaw ang malalapad nitong mga hita, hanggang umabot sa kanyang tingin ang bandang ari ng lalake na tanging ikinukubli lamang ng isang manipis at basang basang puting brief.
Tama nga ang kanyang hinala na balbunin ang lalake. Halos nagwawala at gustong makalaya ng mga bulbol nito sa magkabilang singit sa pagkakabukaka sa kama at paakyat sa pusod. Sa kabila ng malabong ilaw ay mababanaag mo ang pagkakabakat ng burat nito sa basang brief na humapit sa titi at betlog ng lalake na lalong nagpakita ng outline o hugis ng pagkalalaki nito. Kitang kita ang hugis pusong gatla ng ulo ng ari nito. Obvious na tuli ang lalake. Halata din na may katabaan ang ari nito sa kabila ng malambot pa ito ng mga oras na iyon. May tila bato balaning sandaling napako ang tingin dito ni Christian. Ngayon lamang siya nakalapit at nagkaroon ng ganitong pagkakataon sa kapwa lalakeng tanging brief lamang ang suot at nakabukaka sa harap niya.
Nang makabawi sa sandaling pagkakapako sa bakat ng lalake ay iniangat niya ang tingin papuntang dibdib. Halata sa pagtaas-baba ng hininga na may dinaramdam ang lalake. Nanginginig din ang paghinga nito na nagpapakibot sa mapupulang labi na kanina lamang ay nakita niyang may guhit ng ngiti.

Biglang pumasok sa isip ni Christian na ito na ang pagkakataon upang takasan ang lalake. Kunin ang wallet na may natira pang pera at ang kanyang cellphone na marahil ay sira na sa pagkakabasa. Dahil malapit sa kinaroroonan niya naghubad ng pantalon ang sigang holdaper naalala niya ang susi upang makalaya siya. Ang balisong!

 Ang balisong!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
BalisongWhere stories live. Discover now