Chapter 1 - Ang Gabing Gumuhit ang mga Kidlat

969 13 0
                                    

Si Christian. Panganay na anak sa dalawang magkapatid. Typical na masasabi maliban sa di maikukubling kagwapuhang namana mula sa kanyang ina. Kung titingnan ay tila maykaya dahil sa makinis na kutis pero ang totoo ay kailangang magkayod marino ang ama sa pagbboundary sa taxi at umekstra kung kinakailangan para lamang itaguyod sila.
Nasa pangalawang taon na niya sa kolehiyo. At dahil sa UP niya kinukuha ang kursong Journalism ay nakakapag-aral din ang kanyang kapatid na babae na noo'y ga-graduate na ng highschool.
At dahil sa pursigidong tapusin ang isang school project kasama ang mga kagrupo ay ginabi silang magkakaklase ng pag-uwi.
Kasalukuyang nag-aabang sila ng jeep upang kanyang paunahing isakay si Mary, na kanyang matalik na kaibigan at si Gaston na isa pa nilang kagrupo, nang magsimulang umihip ang malakas na hangin...
Ang kaulapan ay nagbabadya ng isang bagyo.
"Christian, sayo na itong payong ko baka abutan ka pa ng ulan. Tatawid ka pa ng underpass at malayo layo rin ang lalakarin mo sa sakayan sa inyo.", buong pag-aalalang wika ni Mary.
Tiningnan niya ang kaibigan, bakas sa mukha nito ang labis na pag-alala na lalong nagpalitaw sa napakagandang mukha nito na mala-Italyana.
"Sige, salamat." nakangiting wika ni Christian sa kaibigan at bumaling kay Gaston, "Ikaw na bahala kay Mary ha."
Noo'y pagdating ng jeep at agad ng sumakay  ang dalawa. Sumulyap pa sa kanya ang magandang mukha nito na puno ng pag-aalala bago tuluyang sumakay ng jeep.

Kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan at pagguhit ng mga kidlat at kulog. Sadyang iilan na lamang ang mga tao sa labas at maging mga sasakyan ay iilan na lang din. Umaga pa lamang nung araw na yun ay laman na ng balita ang tungkol sa bagyo.
Tulad ng inaasahan, nakakailang hakbang pa lamang siya ay nagsimula na ang pag-apaw ng mga estero. Aabutin pa siya ng baha kung mamalasin ka nga naman.
Pinalalakas ni Christian ang kanyang loob ng mga sandaling iyon. Laking bahay-eskwela si Christian kaya naman di siya sanay gumala sa gabi at makipagbasag-ulo. Binilisan niya ang mga hakbang. Nang marating ang underpass ay tila umatras ang kanyang mga paa.. kahit may mangilan-ngilang ilaw na nakasindi ay nagdadalawang isip siya. Huminga siya ng malalim at sinimulang tahakin ang hagdanan paibaba ng underpass. Lalong lumakas ang ulan at bugso ng hanging may kasamang pagkulog at pagkidlat. Nangangalahati na siya sa daang tinatahak ng mapansin niyang wala ni isa man siyang kasabayan sa paglalakad... nang biglang nagblack-out!
Dumilim ang buong paligid. Black-out ang siyudad dahil sa lakas ng bagyo. Sa bawat pagkidlat ay natatanaw niya sa kalayuan ang hagdan paitaas na kanyang tatahakin.. Dahan-dahan siya sa paglalakad na ang kanyang tingin ay pilit inaaninag sa dilim ang daang palabas ng underpass. Nang may naulinigan siyang mga mahihinang hakbang na sumusunod sa kanya. Nanlaki ang kanyang ulo. Tangkang binilisan niya ang paglalakad nang narinig niya ang boses ng isang lalake mula sa kanyang likuran...
"Holdap to!"

"Holdap to!"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BalisongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon