Nagtaka naman ako "bakit?"

"Kasi maayos na po kayo, inagapan din po nito yung pag-iisip niyo" Oh, oo nga pala, this person was a retard, baliw sa ibang salita. Kaya siguro kung ganon na lang siya ibully ng mga tao dito.

"Siguro nga" I motioned to her that I am ready to sleep. Inayos niya muna lahat ng kalat pero bago siya umalis ay pinakiramdaman ko muna ang pulso niya na ipinagtaka niya.

"Normal. Walang kang internal injuries na natamo, kailangan mo lang ding magpahinga"

"Marunong po kayo niyan?" Gulat na gulat niyang tanong. Tumango ako. Hinila ko siya papalapit sa akin. Niyakap ko siya as a sign of saying thank you sa lahat ng mga sakripisyo niya.

Sa pagod ko, ang naalala ko lang bago ako nakatulog ay mga hikbi.

_________________________________________

"Buhay pa ba yung babaeng yun?"

"Bulok na siguro siya, isang buwan na rin ang nakakalipas"

"Nakakainis, paimportante masyado"

Nagising ako sa ingay sa labas, tatayo na sana ako nung saktong pumasok si Layla. May dala-dala siyang mga pagkain. "Magandang umaga po, nasa labas nanaman po ang mga pinsan niyo"

"Ano bang meron? Bakit napapadalas ata ang pagpunta nila dito ngayon?" Tanong ko kay Layla habang sinisumulang kumain, inalok ko din siya pero tinanggihan niya lang ako kaya pinandilatan ko siya ng mata kaya walang nagawa kundi saluhan ako.

"Malapit na po kasing dumating yung  prinsipe galing sa digmaan at maghahanda po sila sa palasyo, kailangan po kayo nila"

Oo nga pala, isa sa mga batas nila sa lugar na ito na kapag may dadaluhan na kasiyahan sa palasyo ay sama-samang pupunta ang mga miyembro ng pamilya.

If not followed, that family will be deemed unrespectful towards the Supreme Court. At dahil nga mga hypocrites ang mga 'kapamilya' ko, kelangan nila akong isama. Tch

Pag-aari na ng tito ko ang mansyon na ito na dating sa amin. Siya na kasi ang Right Prime Minister kaya mayaman kami, or rather sila. Nakikitira lang ako dito dahil patay na ang ina ko at hindi na bumalik galing sa border ang tatay ko para tulungan ang mga nasawi na sa mata ng iba ay nilayasan kami.

I may not be related to the former minister but he's the father of this person. Kailangan ko siyang hanapin. Dead or Alive.

Pero una sa lahat,  isa sa mga napansin kong pagbabago sa akin pagkagising ko ay ang pagiging masiyahin ko, pagiging madaldal, pagiging maingay, at pagiging komportable ko sa mga tao sa paligid ko. Though si Layla lang ito pero nung Assassin pa ako eh wala akong emosyong pinapakita sa iba, cold at distant kumbaga pero ngayon nakakapagpakita na ako ng mga emosyon ko.

Mga katangian siguro ito ng Serafina na ito na nakuha ko. Though hindi ako sanay, masaya pala ang maglabas ng mga nararamdaman mo. All along I thought showing emotions was showing weakness. Had I known it would relieve me of stress, edi sana ginawa ko ito noon pa. But this is it. New life new identity new me.

"Layla, nasa labas pa ba sila?" Tumayo ako at nag-inat ng katawan. Ouch. Damn it hurts

"Wala na po lady, dalawang minuto lang po silang naghintay kanina." Napangisi ako. Mahina mga kalaban ko, madaling artehan at utuhin. Pwede kong gamiting cover ang pagiging mahina ko para gawin ang lahat ng mga gusto ko.

Natuwa ako sa mga balak ko, tumibok ng mabilis na mabilis yung puso ko sa excitement na nadarama ko.

Ah! Ang sarap sa pakiramdam. Lumalangoy ang madaming idea sa utak ko. Bukod sa paghihiganti sa mga taong umapi sa akin, magagawa ko na ang mga bagay na hindi ko nagawa noon.

Magkakaroon ako ng sarili kong bayan, madaming lupain at marangyang bahay. Maghahakot din ako ng mga mapagkakatiwalaan kong mga tao at ite-train ko sila ng personal. Ituturo ko ang mga nalalaman ko sa bakbakan. Magpapatayo din ako ng mga shops ko - kainan man yan o pagamutan man yan o alahasan man yan, LAHAT! LAHAT MAGPAPATAYO AKO NG MGA GANYAN!

AH! ANG SAYA KO! Napapangisi talaga ako ng malawak sa mga iniisip ko. Hindi na din ako makapaghintay na simulan ang buhay ko na ito. Kinikilig ako sa mga pangarap kong ito. Kaya unang-una sa lahat, iipunin ko ang lahat ng mga ginto ko at----

"Lady. Wala po tayong ginto. Kahit isa man lang eh wala. Mas mahirap pa po tayo sa pinakamababang katulong sa mansyon na ito."

Napatigil ako sa pagtatalon at naestatwa.

"Ha?"  Yung ngisi ko napalitan ng ngiwi. "Ano sabi mo?"

"Wala pong matutupad sa mga pangarap niyong bayan, bahay, at kung ano ano pa dahil wala po tayong pera"

"Ha! Pano mo nalaman ang mga yan?" Nanlalaki ang matang tanong ko sa kanya. Nabasa niya ba ang isip ko? Ugh. how could I be so stupid, naisip ko ba talaga yun? Tsk

"Binigkas niyo po ng malakas ang mga yun lady" buntong-hininga nya at tumingin sakin ng may awa sa mata

"Eh! ganon? Pero wala ka bang naitagong kayamanan natin kahit isa? Kunyare alahas na pwede kong ipalit ng ginto?" Umasa ako na meron pero----

"Wala po"

Bang!

Parang binasag na salamin ang mga pangarap ko. Para din akong binuhusan ng malamig na malamig na tubig. Napanganga din ako sa kahirapan ko. Nasanay akong mayaman sa dati kong buhay kaya ang awkward lang ng kahirapan ko ngayon

Hindi ko alam kung ilang minuto din akong natulala pero natauhan ako nung binaba ni Layla ang kanina pa palang nakataas na mga kamay ko

"Hindi ba po masakit pa ang katawan niyo?"

Sa pagsabi niya ng mga salitang yun otomatik na kumirot ang mga pasa ko. Aray tsk

Hindi pa ganon kagaling ang mga natamo ko. Kelangan ko ng mas mabisang gamot----

Lumagabang ang upuan ko. Why not!?

Gulat na gulat si Layla sa biglaan kong pagtayo at tumitig siya sa akin ng may nanlalaking mga mata

"Bakit po lady, bakit?" Utal -utal niyang tanong ngunit ngumisi lang ako sa naisip ko

"May idea ako. Ayusan mo ako dali! Lalabas ako"

"Haaaaaaa!?"

Reincarnation of the AssassinWhere stories live. Discover now