Chapter 23

5.1K 97 0
                                    

"Remus, bakit inaway mo si Doc Arvind? Maayos ang bati niya sa iyo nang makita mo siya pero inangas-angasan mo daw. Sana naging civil ka man lang. Bisita lang naman tayo dito sa isla. Nakakahiya!"

Di maiwasang sermunan ni Imhan si Remus habang kausap sa cellphone na kadarating lang ng Maynila. Nakaupo siya sa hagdan ng villa ni Jayden habang nilalaro ng paa niya ang puting buhangin.

Desidido talaga itong umalis at ni hindi man lang nakausap nang maayos ang magulang niya nang paalis. Naaalibadbaran na daw ito kung magtatagal pa ito sa isla. Ang paraiso sa iba ay parang impyerno para dito.

"Nakakahiya? Ipinahiya niya ako sa harap ng maraming tao. Ako pa ang tinakot niya. That man is a womanizer."

"How about you? Ano ang alam ni Doc Arvind tungkol sa iyo?" tanong niya.

"Wala ka namang kailangang malaman. It is not really important. Pinalalaki lang naman niya ang isyu na iyon..."

"Kaya nga gusto kong malaman kung anuman ang hindi importanteng tinutukoy niya. Di ka naman magwawala nang ganyan kung wala talaga siyang pinanghahawakan laban sa iyo. Remus, you can trust me..."

"Goodbye, Imhan! Mag-enjoy ka na lang sa bakasyon mo. I will see you when you get back."

Pakiramdam niya ay bigo siya. Di niya maintindihan kung saan nanggagaling ang galit ni Remus. Ano ang itinatago nito? Paano niya magiging boyfriend ang isang lalaking may inililihim? At dahil sa ginawa nitong gulo, hindi ito magugustuhan ng mga magulang niya. Wala na rin siyang maipangdedepensa dito. Isa pang malinaw, di matutupad ang pangarap ni Remus na maging miyembro ng Stallion Island dahil sa sekreto nito. makakaapekto ba sa kanya ang itinatago ni Remus?

"Si Remus pa rin ba ang inaalala mo?" tanong ni Jayden nang umupo sa tabi niya at inabot ang malamig na baso ng summer shake.

"Hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan nila ni Doc Arvind. Nakakahiya sa iyo. Ikaw ang nag-imbita sa kanya tapos gumawa siya ng gulo."

"Hindi ko alam na may away sila ni Doc Arvind. Kundi baka di ko rin siya inimbitahan. Sa akin kasi magre-reflect ang ginawa niyang gulo. Kung magdadala ako ng bisita dito na gagawa ng gulo nang dalawang beses, baka di ko magamit ang ilang amenities dito sa isla. Parang suspension iyon para sa akin."

Humawak siya sa braso nito. "Sorry." Oras na bumalik siya sa Manila, makakatikim talaga ng sermon sa kanya si Remus. Dahil sa gulong ginawa nito, pati si Jayden ay mapapahamak.

"Bakit hindi ka sumama sa kanya pabalik ng Manila?"

Sumimsim siya ng shake at tiningala ang puno ng niyog sa taas. "Hmmm... kasi hindi naman siya ang nag-invite sa akin dito. Ikaw. Ikaw ang ka-date ko."

"Ako pa rin ang gusto mong kasama kahit na si Remus ang manliligaw mo?"

"Kasi gusto kong tuparin ang kasunduan natin. Saka minsan lang ako makakapasok ng Stallion Island kasama ang magulang ko. Gusto ko namang mag-enjoy dito sa isla kasama sila."

Lumingon ito sa loob ng bahay. "Natutulog na sila. Ikaw ba hindi matutulog? Magpahinga ka na rin."

Umiling siya at inunat ang dalawang kamay paitaas. "Nabitin ako sa fishing kanina. Gusto ko sanang maglakad-lakad pero ayoko namang mag-isa lang ako."

"Gusto mo maglakad-lakad lang?"

tumayo siya. "Ano pa ba ang pwedeng gawin dito sa isla?"

"Madami. Magbihis ka ng swimwear. May naisip akong activity."

"KAPAG ITINAAS ko ang kaliwang kamay ko, mag-sway kayo sa kaliwa. Kapag nag-sign ako ng kanan, ihihilig din ninyo ang katawan ninyo sa kanan. At kapag sumigaw ako ng bitaw, bibitaw kayo sa strap. Kundi titilapon kayo nang mas malayo sa banana boat. Mas mahihirapan kaming I-retrieve kayo. Malinawanag?" sigaw ng lalaking nakasakay sa speedboat na hihila sa banana boat.

Itinaas ni Imhan ang mga kamay. "Kaliwa?" Tiningnan niya ang kabilang kamay. "Kanan?" Tumingin siya sa harapan ng banana boat. "Bitaw? At kapag hindi ako bumitaw, titilapon ako sa malayo?" Nilingon niya si Jayden. "Hoy! Ano ba itong banana boat ride na pinagsakyan mo sa akin? Bakit bibitaw pa ako? E di mahuhulog ako. Ibig sabihin titilapon tayo sa dagat?"

"Ganoon talaga. Kasi itataob nila ang banana boat."

Tinanaw niya ang malawak na dagat kung saan sila dadalhin ng speedboat mamaya. Itinuro niya ang dagat. "Doon tayo ihahagis?" tanong niya.

"Oo. Relax! Okay lang iyan."

"Anong relax? Sabi dito banana boat ride lang! Hindi naman sinabi na kailangan kong magpakain sa mga pating! Bababa na ako!" histerikal niyang sabi. Ilang beses na siyang nakakita ng banana boat ride sa TV. It looked fun. At gusto rin niyang sumakay kaya iyon ang pinili niya nang dalhin siya ni Jayden sa sports center para sa mga watersports ng isla.

Hinawakan niya Jayden ang balikat niya. "It's okay. May suot ka namang life vest. Basta sundin mo lang ang instruction niya para hindi ka tumilapon..."

Umiling siya. "Ayoko, Jayden! Mahal ko pa ang buhay ko. Marami pa akong pangarap. Gusto ko pang magkaasawa, magkaanak..."

Naputol ang paglilitanya niya sa mga pangarap niya nang umarangkada ang speedboat at hinila ang banana boat. Mabuti na lang at mabilis siyang nakakapit sa strap sa harap niya. Kundi ay baka una pa lang, miryenda na siya ng mga pating.

"Whooo!" sigawan ng mga kasakay nila sa banana boat na nakataas pa ang isang kamay at nag-e-enjoy. Habang siya ay kapit na kapit sa strap. Parang doon lang nakasalalay ang buhay niya. At habang nagsasaya ang mga ito, siya naman ay paulit-ulit ang usal ng panalangin. Twenty minutes daw ang ride na iyon. Pwede bang pagdilat niya ay nasa pampang na ulit sila.

Pagdilat niya ay itinaas ng guide ang dalawang kamay at ibinuka. "Bitaw!"

Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena CompletedWhere stories live. Discover now