23: Text Message

72 5 0
                                        

Mark Nathan Olivarez' POV

Napakadami nang nangyari sa loob ng halos isang buwan. Naging mas close yung buong klase namin. Sa tinatagal tagal nga naming magkakaklase e ngayon lang ako nagkaroon ng mga cellphone numbers nila e. Ngayon lang kasi kami halos nakakapag-bonding e. Kumbaga parang nasa getting-to-know-each-other palang kami sa tinagal tagal naming magkakaklase at magkaka-schoolmate. Hindi naman kasi kami block section e. May umaalis, may dumadating. May mga nag-transfer at meron din namang nalipat lang ng section. Katulad nalang ni Ashley, transfer lang yun.

Speaking of Ashley. Madami ang nagtatanong kung nililigawan ko daw ba sya kasi daw sobrang nagiging close na kaming dalawa kumpara dati na wala kaming humpay kung mag-asarang dalawa. Naalala ko nga minsan pinahiya nya ko sa harap ng ibang sections e. Ang sama nya noon. Grabe. Pero ngayon di ko na alam kung ano yung yung nangyari kung bakit ngayon okay na yung pakikitungo nya sakin, dati kasi kumukulo yung dugo nya sakin e. Ewan ko lang kung ano yung nangyari sa kanya.

Minsan nga lagi pa sya saking sumasama kapag lunch break namin e. Minsan kami yung magkasama.. I mean lagi pala. Minsan nga hinahatid ko pa sa kanila yun e. Hay. Di ko alam.

Pero kung tatanungin nyo ko kung may posibilidad ba na magkagusto ako sa kanya. Meron naman kaya lang hindi katulad nung kay Kyla noon. At feeling ko hindi naman aabot hanggang doon.

Kinuha ko na yung cellphone ko sa gilid ng kama at nag-type ng text na pang-groupmessage. Tinanong ko lang kung tuloy ba yung practice namin bukas. Medyo malapit na din kasi yung performance namin. Sana lang maging maganda yung kalalabasan, ang dami na naming hirap na naranasan dun. Ubos pera din sa props. Pati na sa time. Imbis na naglalaro ako ng dota e.

Biglang nag-vibrate yung cellphone ko. Ang daming nag-reply ah? Binasa ko isa isa yung mga reply nila sa text ko. Halos magkakamukha lang yung reply nila.

"Oo. 9 am."

"Yeah!"

"Yup. 9."

"Syempre naman."

"Yes. 9 o'clock daw."

Kadalasan ganyan lang yung reply nila. Pero pamaya maya bigla na namang nag-vibrate yung cellphone ko. May nag-reply na naman siguro. Pagka-open ko ng message eto agad yung nabasa ko.

"Oo naman. Baka mamaya ma'miss mo ko e."

Pagkatingin ko kung kanino nanggaling yung text, hindi ako nagkamali sa hula ko. Si Ashley nga. Baliw talaga.

Nung una ko syang naka-text noon hindi ko akalain na malakas din pala yung trip nya. Minsan magaling makipagbiruan. Minsan naman suplada. Minsan wala sa mood. Minsan naman nagagawa pang mag-knock knock. Di ko tuloy alam minsan kung maniniwala ba ko sa mga sinasabi nya o hindi e.

"Onga e. Baka kasi ma'miss kita." Reply ko naman sa kanya. Nanti-trip na naman ata. Kaya ayun, sinakyan ko nalang.

"Yie. Haha. Kaya love na love kita e." Pagkabasang pagkabasa ko. Bigla naman akong napangiti. Kung totoo lang sana 'to e. Baka mas natuwa pa ko. Kaso lang hindi e, alam ko namang biruan lang.

"Wag kang mag-alala. Love din kita." Trip lang naman 'to diba? Ade ipagpatuloy natin. Alam ko namang nalabong mangyari yung iniisip ko.

"Yie. Yung totoo? Umamin kana nga. May gusto ko sakin no?" Sasabihin ko ba yung totoo o pagpapatuloy ko yung nakikisabay sa trip nya. Hay bahala na.

"Lakas mo talagang mag-trip no?" Pagbibiro ko. Baka naman kasi mamaya biruan lang 'to. Tapos kung ano yung masabi ko. Mahirap na.

"Seryoso ako." Reply nya sakin. Seryoso ba talaga sya? Once in a blue moon lang kasi 'to magseryoso e. Maniniwala ba ko? Sasabihin ko ba? Hay nako. Mga ilang minuto ko siguro kong nag-iisip. Nagta-type ako ng message tapos buburahin mo. Di ko alam kung ano yung ire-reply ko.

"Oo. Meron nga." Bago ko i-send. Nagdalawang isip pa ko. Pero sa bandang huli. Sinend ko din sa kanya.

"Ang dali mo namang paaminin." Pagkasabi ko nun bigla namang nanlaki yung mata ko. Tanga! Ang tanga mo Nathan. Tanga. Tanga.

"Haha. Naniwala ka naman." Pagbibiro ko sa kanya. Sana maniwala. Sana maniwala sya. Please. Please.

Pagka-send ko nun. Wala nakong natanggap pang reply mula sa kanya. Siguro nakatulog na. Yaan mo na nga sya.

Kinabukasan...

"Kristel. Tara na?!" Kanina pa ko nakatayo sa may gate nila Kristel. Ang tagal nyang gumayak. Grabe. Bakit ba ang daming arte ng mg babae? Male-late na kami e.

Pamaya maya bigla namang bumukas yung gate saka lumabas si Kristel na gulo gulo yung buhok. Di pa ata nagsusuklay ang loko.

"Akin na nga yan." Sabay agaw ko naman nung suklay sa kamay nya. Grabe. Ang gulo nung buhok nya. Buhol buhol pa. Ang haba kasi ng buhok e.

"Ang sakit naman Kuya." Hablot naman nya ng suklay sa kamay ko. Kasalanan ko ba kasing buhol buhol yung buhok nya? Di kasi nagsusuklay agad e.

Nagpatuloy naman kami sa paglalakad habang sya busy sa pagsusuklay nung mahaba nyang buhok. Male-late na talaga kami nito. Ang tagal pa nyang maglakad. Bagal bagal.

"Ayan. Okay na." Nilagay ko naman yung clip dun sa may gilid ng ulo nya. Dun ko kasi nakikitang nakalagay dun e.

"Gulo naman. Akin na nga." Tapos nilagay naman nya yung clip na ribbon dun sa kabila. Sorry naman hindi naman ako marunong magkabit nun e. Pero ngayon alam ko na.

"Kuya. Maganda na ba ko?" Tanong naman nya sakin habang papasok na kami ng gate. Para namang nagbabago pa yung itsura nya.

"Oo. Lagi ka namang maganda." Sagot ko naman sa kanya. Maganda naman nga kasi talaga sya. Hindi na nya kailangang itanong pa.

"Salamat sa pambobola kaso wala akong pera e. Haha. Bye na Kuya. Kita nalang tayo mamaya." Sabay takbo nya sa kabilang way ng daan. Magkabilang building kasi kami e. Pero kung maaga aga pa sana kami ade sana nahatid ko sya kaso palagi kaming late e.

Malapit nako sa room namin nung bigla kong naalala yung converstion namin ni Ashley kagabi. Sana naman naniwala sya dun sa palusot ko. Sana naniwala sya.

Pagkatapat ko sa pintuan ng room. Mukhang okay pa naman yung takbo ng lahat ng bagay. May mga kaklase akong nakabilog yung mga upuan tapos nagkukwentuhan tungkol sa mga nausong kanta nung mga bata pa kami o kaya naman kung ano yung magandang strategy sa kopyahan sa Math. Yung iba naman nagbabaraha, Pusoy Dos, Ungguy ungguyan, Solitaire o kahit na Lucky Nine pa. Yung iba hawak hawak yung cellphone nagtetext dun sa girlfriend nila, nakikipaglandian o kaya nagbabasa sa wattpad at pinapantasya yung bawat character sa story na binabasa nila. Yung iba natutulog napuyat siguro kaka'chat sa crush nila kahit na wala namang pag-asa. Yung iba naman mugto yung mata kasi kaka-break lang sa inakala nilang one true love.

Hay. Mukhang wala naman syang pinagsabihan nung sinabi ko. Mukhang narunong syang makisama.

Nagulat ako nung bigla lumapit sakin yung isa kong kaklase na medyo ka-close din ni Ashley at hinila ko papalayo sa room. Bigla syang lumapit sakin at unti unting inilapit yung mukha nya sa mukha ko.

Napapikit nalang ako dahil di ko alam yung gagawin ko. Ilang saglit idinilat ko na yung mga mata ko wala na sya. Nakapasok na sa room. Kasabay ng pag-iwan nya sakin nung mga salita na yun.

"Nililigawan mo pala si Ashley. Di ka man lang nagsabi."

Unexpected YouWhere stories live. Discover now