Wala na. Tapos na e. Pipilitin ko pa ba yung sarili ko. Ako lang din naman yung mamomoblema e. Wala din naman akong mapapala. Nasanay nakong ganun lagi. Kaya ayun ni'let go ko na.
Wala na din naman akong mapapala kung sasagutan ko pa yung quiz namin sa Math. Tapos na naman na din yung time namin e. Di naman na din madadagdagan yung score ko kahit problemahin ko pa yung sagot dun sa apat na natitira pang sagot. Kaya ayun pinasa ko na.
Hindi nako umaasa. Alam ko naman na score ko dun e. Di nako mag-e'expect pa.
"Okay class you may go." Parang isang spell ang binanggit ng teacher namin nung sinabi nya yung "magic word" na yun. Parang nabuhayan lahat ng mga inaantok na estudyante kapag naririnig ang salitang yan, kabilang nako.
Tama sila. Time flies. Ambilis ng oras ngayon. Haha. Maaga aga akong makakauwi ngayon. Kaya gustong gusto ko sa section namin e. Walang masyadong ginagawa.
Niligpit ko na lahat ng gamit ko at nilagay sa bag ko at sinukbit na 'to sa balikat ko. As usual ako na naman ang unang lalabas, salamat at hindi kami cleaners ngayong araw.
Aktong lalabas nako ng pintuan ng magsalita ang Class President naming si Yaz.
"Classmates. Wala munang uuwi okay? Umupo muna kayo. May kailangan lang tayong pag-usapan."
Badtrip. Kating kati nakong umuwi sa bahay e. Wala pa namang kasama yung kapatid ko, baka mamaya nakauwi na yun sa bahay e wala pa naman nyan si Mama.
Bumalik nako sa upuan ko at ganun din ang ginawa ng mga classmates namin.
"Okay. Kinausap ako ng MAPEH Teacher natin about dun sa gagawin nating performance. Yun na daw kase yung magsisilbing Summary Test natin ngayong 3rd Grading kaya dapat pagbutihan nating lahat. Since sakto naman yung bilang ng boys at girls natin wala na tayong problema sa pagpe-pair."
Biglang umingay yung classroom namin. Napuno ng kung ano anong usapan tungkol sa performance na yan. Hay. Binabawi ko na yung sinabi ko kanina na gustong gusto ko sa section namin.
Syempre lahat ng girls excited na kung sino yung makaka-partner nila sa performance na yan. Habang yung nga boys naman walang pakialam.
"Guys. Fall in line kayo.... by height." At agad naman kaming sumunod sa sinabi nya. Yung iba pa ngang girls nagrereklamo e, bakit daw by height pa? Yung iba naman feeling matangkad as if namang ikakaganda nila yun. Tsk.
"Ayos na ba? Ang gagawin nating basehan ng partners ay by height. Inuunahan ko na kayo. Bawal magreklamo sa magiging ka-partner nyo. Wag choosy. Okay?"
Bigla naman akong humarap sa left side ko para tingnan kung sino yung makaka-partner ko. Bakit parang lahat sila iniiwasan yung tapat ko? Ganun ba nila ko kagusto? Grabe lang.
Nagkatapat tapat na ang lahat. Walang pwedeng magreklamo tungkol sa partners nila kaya ni isa walang naglakas loob magreklamo. Yung iba kuntento na sa ka-pair. Yung iba tuwang tuwa. Yung iba kinikilig dahil crush nila yung pair nila. Yung iba parang walang pakielam katulad nalang ng partner ko. Sa kanya deadma samantalang ako hindi pa din nagsi-sink in sa utak ko na sya yung makakapartner ko. Grabe. Sinadya ata nila 'to e.
"Okay naayos na yung lahat ng pairs. Upo muna kayo. Ia-announce ko lang yung partners nyo. Ako at Aki. Kayl at Spade. Rin at Ace. Dawn at Luis. Xen at Gran. Hale at Jaq. Ley at Mark. @$%&*-+."
At yun inannounce na nga ni Ms. President ang lahat ng pairs para sa performance namin at ang iba't iba pang mga gagawin namin. Wala nakong naintindihan pa. Hanggang ngayon di ko pa din ma-imagine na magiging mag-partner kaming dalawa at ang masama ball room pa yung natapat sa section namin. Gawd. Pano na gagawin ko? Baka mamaya matarayan ako nun okaya di ako nakapagpigil tapos sinapak ko? Wag naman po sana Lord.
Hay nako. Bahala na nga sa practice namin.
"Maliwanag? Hmm. May practice tayo bukas ne? Since wala namang pasok gamitin na natin yung time na yun para magpractice tayo. Paalam na kayo sa mga parents nyong whole day tayo bukas. Okay? Yun lang. Pwede na kayong umuwi."
At yun may practice pala kami bukas kahit walang pasok. Nice. Napakanice. Nagmadali nakong lumabas ng classroom namin para makauwi nako ng bahay. Inaantok na talaga ko e.
Kinabukasan....
Grabe anong oras na late na ata ako. Letse naman kase late akong nagising e. Nakalimutan kong i-alarm yung phone ko kagabi ayan tuloy nagmadali ako ng sobra. Pagkadating ko sa school. Halos madami dami na din ang mga tao. Andun na yung halos ¾ ng klase namin. Buti naman pala't di ako yung pinaka-late.
Nilinga linga ko yung naningin ko pero ni isa'y walang bakas ni Ashley Nicole. Wala pa siguro yung babae na yun. Arte sa katawan e.
"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Yaz samin. 9 am na pero wala pa din yung partner ko. Anong oras na e, di ba sya na-inform na 8 yung usapan? Hay nako. Babae nga naman. Kukupad e.
Speaking... Ayan na sya sa wakas. Sya nalang yung hinihintay naming lahat e. Nahiya naman lahat ng kaklase ko sasobrang late nya. Cause of delay.
"Okay since kumpleto naman na tayo. Let's start na. Umayos na kayo guys. Face your partners." Sabi nung baklang Dance Indtructor (D.I.) na kanina pa kating kati na sumayaw.
Humarap ako sa kanya at ngayon ko lang napansin na kanina pa pala sya nakatingin sakin. Grabe. Walang kupas. Antaray pa din ng mukha ng babaeng 'to.
"Listen okay? Ayaw din kitang maging ka-partner kaya wag kang ganyan kung makatingin sakin. Mr. Idiot." sabay flip nya ng buhok nya. O diba taray? Haha. Sarap inisin. Gupitin ko buhok ne'to e.
"Buti naman at parehas tayo, Evil lady. Sino ba naman kaseng gustong maka-partner ka." Bulog ko. Mahirap na't baka mamaya magkasagutan pa kami't di ko sya matantsa.
"May sinasabi ka?"
"W-Wala naman." sagot ko sa kanya. At yun napuno na ng ka-awkward'an sa pagitan naming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong pumansin sa ginagawa naming dalawa.
"Okay boys hawakan nyo na yung kamay ng partners nyo." sabi nung baklang DI na walang ginawa kundi magsalita ng magsalita pero wala naman akong naiintindihan. Basta ko sumusunod lang sa pinapagawa nya.
Nakita kong halos lahat sa kanila ay magkahawak na ang kamay at tanging kami nalang ata ang hindi.
In-offer ko sa kanya yung kamay ko na para bang mag-aaya ako ng sayaw kapag JS Prom. Formal na formal. Grabe. Pinagpapawisan pa naman yung kamay ko. Kahiya hiya. Maglalawa 'to mamaya.
Kinuha naman nya yung kamay ko at nagsimula na kaming magsayaw ayon sa tinuturo nung DI samin. Pero hanggang ngayon wala pa din nagsasalita at iniimik. At di nya pa din binibitaiwan ang kamay ko.
"Okay gets nyo na ba? Sige mag-lunch break na muna kayo. Balik kayo ng 1 o'clock."
Pagkasabing pagkasabi nung DI nun. Bigla na nyang binitawan yung kamay ko.
Kaparehas ng sigla na hinahatid ng mga katagang "You may go." Ganon din ang katumbas ng salitang "Break muna." Lahat parang ginanahan na. Palibhasa mapapahinga na sila pero pagdating sa practice mga tinatamad ang loko.
Hay. Makaalis nga muna dito. Wala naman ng gagawin e. Tsk. Sakit ng paa ko kakasayaw. Walang patawad kase yung bakla na yun.
Ang buhay parang pagsasayaw lang yan. Habang tumatagal mas lalo kang nasasanay.
A/n: Sorry kung natagalan. :) Salamat sa mga nagtatyagang nagbabasa ng story ko. ^^ HAPPY 900 READS! Yeah! Haha. Salamat. Salamat. :* ♥ #Paris.
YOU ARE READING
Unexpected You
RandomIto yung story ng isang Lalaki na walang ibang gustong gawin kun'di pasayahin ang taong pinakakaingatan, pinapahalagahan at minamahal nya. Ngunit sa isang iglap nawala ang lahat ng pinagsamahan nilang dalawa dahil sa ginawa nya. Saan kaya aabot ang...
