💉 MA 3 : Chapter one hundred four - Infiltrate

Start from the beginning
                                    

Nang mailigtas namin silang apat doon namin nalaman ni Mark ang mas nakakakilabot na nangyari sa kanila. Hindi lang nawala ang virginity nila kundi pati na rin ang kakayahan nila na makapagsalita. Yes, pinutulan sila ng dila. Nakita din naman namin kung saan nilagay ang dila nila at yun ay ang mga linya ng simbolo ng organization. Tinahi nila ang mga dila at gumawa ng simbolo ng organization.

Sa unang tingin akala mo sulat lang pero pag nilapitan halos masuka na kami ni Mark sa nangyari. Para hindi na kami mahirapan ay kaagad kaming umalis doon.

"Siguro kailangan na natin mag imbento ng para sa mga mute." Sambit ni Mark at napatingin naman ako sa kanila. "Hindi ko kaya na makipag hand gesture lang sa kanila kahit na naiintindihan naman nila ako. Gusto ko pa rin na makausap sila."

Nag nod naman ako bilang pagsang-ayon. "Yeah, siguro nga sa mga disabled na muna tayo mag focus once na nakauwi na tayo."

Habang naglalakad kami ay kaagad ko itinaas ang kamay ko at nag materialize naman ang spear ko na may cristal sa gitna. 

"Mapapalaban tayo." sambit ko at tumingin ako kay Mark. 

"Mukha nga. Ilan sila?" 

"Twenty?" kumunot naman ako dahil di ako sigurado kaya naman pumikit ako. "No. Seventy nine." 

Nang minulat ko ang mata ko nakita ko naman ang pagkagulat ni Mark. "That many?" Hindi nya makapaniwalang sambit sa akin at nag nod naman ako. 

"That many. Kaya mag ready ka na para sa mahaba habang patayan. Charing. Ayoko sana pumatay kaso wala naman tayong choice. It's for us to kill or for them to kill us." 

"Sabagay may punto ka."

"Kass to Akesia and Mark. Marami pang paparating sa inyo halos lahat sa inyo ang punta. Around two or three hundreds." halos mapanganga naman kami ni Mark sa sinabi ni Kass. "Marvin and Min once na natapos na kayo dyan at nakalabas na kayo iwan nyo si Yue at ang mga victim sa labas at bumalik kayo para back-up-an sila Mark at Kesia. Yue you better run with the victims in my direction iga-guide kita."

"Copy!" sabay sabay naman naming sambit. 

"Lumipat ako ng location at mas mahirap to mahanap kaya once na natapos nyo na ang part nyo please do open your ear piece to call me. Undertood?"

"Understood"

***

For half an hour halos nanghihina na kami ni Mark dahil sa ngalay ng kamay namin. Sa sobrang dami ba naman ng tao na kailangan namin patayin isa isa gamit ang spear at sword namin sino ba hindi mapapagod? Isa pa may mga baril ang mga kalaban namin.

"Nakailan ka na?" I heard Mark asked. 

"Two hundred thirty eight kasama ang kanina. Ikaw?"

Sumimangot naman sya. "One hundred seventy five. Bakit mas magaling ka sakin? Ako ang nasa mission team dito ah." 

"Whatever Mark. Practice!" 

"Even if you're on your dead line you still can talk nonsense?" 

Hindi ko alam pero inilabutan ako sa narinig kong boses at dahilan kung bakit kami napatayo ni Mark at mas nagkaroon kami ng mas mataas na defensive posture. Sino yun?

"We met again." I heard the voice again. 

Parang isang young master ang naglalakad papalapit sa amin at akala mo isang royalty din dahil walang ni isa sa mga kalaban namin ang humaharang sa daanan nya at para pa tinging mga dagat na hinati sa gitna kasabay ang pag bow nila at halatang puno ng respeto. 

This feeling...

Ito yung feeling na naramdaman ko nung nakita ko ang naka-cape na lalaki- yung nasa deck ng ship namin... 

"Who are you?" 

He laugh and his laugh gives me... 

goosebumps.

"Kilala mo?" 

"Hindi pero naalala mo noong nag shutdown ang katawan ko sa deck? Yung mga panahon na wala sa katinuan sila Marvin pero niligtas nya pa rin ako?" Tanong ko at nag nod naman sya. "Sya yung nagbigay sakin ng panghihina."

"I don't understand what you two are talking about but I assume that you are discussing about me." his smile is so creepy as shit! "Let me introduce myself then." Parang nawalan ata ako ng hininga sa sinabi nya. "I am Pon."

"Bakit ba ang iyakin mo?"

"Bakit ba napakapakialamero mo?"

"Alam mo babae ka ang gulo mo rin no?" 

"Ang gulo mo rin! Sino ka ba?"

"Bakit ka muna naiyak?"

"Bakit ba kailangan ko pa sabihin sayo?"

"Ano to balikan lang ng tanong?"

"Hindi naman kasi kita kilala!"

"I'm Pon, Poncie, so bakit ka naiyak?"

"Poncie?" di makapaniwalang sambit ko at bigla na lang syang natigilan at napakunot na tingin sa akin. "Poncie ikaw ba yan?" 

"Why do you know my name?"

"Poncie hindi mo ba ako natatandaan?" naiiyak kong tanong at binigyan lang nya ako ng blankong tingin.

"I don't understand you so let me ask you again and you better tell me the truth. Who are you and why do you know my name?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi nya. I close my eyes and feel him pero wala akong maramdaman! He may have the same body, the same name but he has no soul! literal na wala syang kaluluwa!

He's not Poncie. 

"I wont tell my name but I know you since we used to live in the same village." sambit ko at kumunot naman ang noo nya pero blanko pa rin ang mukha nya. "But I know that you are not the Poncie that I know." at ibinaba ko ang spear ko. "I must kill you now."

Isang nakakapangilabot na halakhak ang narinig ko mula sa kanya. "Only you? or with that young man? Either way you will both dead as well as those offerings." and he smiled like a living hell. 

"But with us they will not die." Napatingin kami sa likuran namin and we saw Marvin and Min walking towards us. 

"Definitely not. Just her alone can kill you without moving." Min said. 

Tama, kailangan ko nang tapusin to. Pumikit ako at saka ko pinakiramdaman ang paligid. 

"Die."

I stop the circulation of their blood. 


Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now