💉 MA 3 : Chapter thirty eight - Fog on our way

6.6K 259 8
                                    

Nakakainis naman ilang araw na kaming stranded dito sa lugar na ito. Habang tumatagal mas lalong bumababa ang chance namin na magamit namin ang ability namin. Specially ang sa akin, empathy at kay Kass na hologram.

Kung alin pa ang pinaka need namin para macontact ang boys yun pa ang hindi gumagana. Lumiliit na rin ang oxygen na nasasagap namin and thanks to Min hindi kami nauubusan ng oxygen, ginagawa nya kasing oxygen ang carbon dioxide na nalalanghap namin.

"This is the most tiring day I've ever encounter." Sabi ni Kass at saka sumuko na ilabas ang hologram nya.

"Yung ability nyo hindi gumagana pero ang gadget ko oo." Napatingin naman kami kay Aira. "Masyadong malawak ang sakop ng fog but we don't have to worry dahil hindi abot ng fog ang kinaroroonan nila Marvin, which is sa facility na pupuntahan natin."

"Yun ay kung nandoon na nga sila." Negatibo namang kumento ni Jullia.

"Knowing them? I'm sure na nandoon na sila." Positibo namang sabi ni Yana. "Come on guys~ dalawa ang leader doon kahit na more on si Marvin ang nasusunod dahil mas higher siya kay Ney but in the end we all know na nanghihingi pa rin naman sya ng opinion ng mga kasama nya."

"Yana is right. We have to trust them." -Min.

Napahilot naman ako sa sintido ko. Kelan ba mawawala ang fog na ito? Apat na araw na kaming stranded sa lugar na ito. What should I do. Come on Kesh leader ka, mag isip ka.

"Big sister Kesha?" Napatingin naman ako sa nagsalita. "Does your head hurt? Please do rest I know you haven't sleep yet. How can you think of some way to leave this place if you don't sleep? My mom said that sleeping will help us to think clear."

"Tama si Shine, Kesh." Napatingin naman ako kay Aira. "Hindi mo naman kailangan na pilitin ang sarili mo. Tao ka pa rin naman, tao pa rin naman tayo."

I sigh and I nod. "Okay. Kayo na lang muna ang bahala mag bantay dito." Tumayo ako at pumunta sa kama na naka-assign sa akin.

Kahit na nakapikit sa problema pa rin tumatakbo ang isip ko. Hindi ko maiwasan na hindi mag isip ng mga maaaring sulusyon. Wala naman kasi kaming mapapala kung mag hihintay na lang kami dito.

***

Napabalikwas na lang ako ng magising ako, anyare? Di naman ako nananaginip. I sigh. Kakaisip ko ng sulusyon sa mga problema namin di ko na namalayan na nakatulog na pala ako and base sa orasan namin eh ala-siete na ng umaga. Napasarap ata ang tulog ko.

"Oh gising ka na pala. Gigisingin na sana kita eh tara na kakain na tayo." Napatingin ako sa nagsalita at nag nod lang naman ako. "Okay ka lang?"

"Yeah."

"Ay naku Kesia wag ka nga isip ng isip ng kung ano ano. Nababaliw ka na kakaisip eh."

"Makabaliw ka naman, Yana."

"Bakit hindi ba?"

Umiling naman ako. "Hindi."

"Oh edi hindi. Oh sya tayo na jan."

Nang makarating kami ni Yana sa hapagkainan namin ay nandoon na ang lahat. Nadagdagan ng tuturuan si Aira and okay lang naman sa kanya, iba din ang talino ng babaeng to kaya pumayag ako.

"Napasarap ata ang tulog mo." Kumento ni Min saka binigay sa akin ang sinangag.

I nod. "Napagod ata ako ng hindi ko alam."

"Paano ka ba naman kasi di mapapagod di ba? Halos di ka na matulog." Kumento naman ni Jullia at saka umirap sya.

"Ako Jullia tigilan mo ako ah. Kakairap mo jan dukutin ko yan."

Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now