💉 MA 3 : Chapter sixty six - Talk

6.1K 252 24
                                    

Nasa conference room kaming verdant at wala nang iba. Sa ngayon kailangan namin mag usap usap sa mga dapat naming gawin.

"Ano ba pag uusapan natin?" Agad na tanong ni Jullius ng makaupo ito.

Nagkaroon ng hologram sa harap namin at doon nakalagay ang lahat ng mga agenda na pag uusapan namin sa ngayon.

"Location." Basa ni Yana at tumingin sa akin. "Anong meron dito?" Tanong nya naman.

"Nakausap ko sila Mark at Jullius noong nakaraan at napag alaman ko na bago pa man makapunta sa facility na napag usapan natin ay marami pang pagdadaanan."

"Tama si Kesh." Sabat ni Kass at nagkaroon nakan ng hologram na isa pa sa gitna. "Isa itong laboratory facility para sa mga psychopath kaya ang mga nakadetain doon na tao ay naging undead din."

"So kahihirapan talaga tayo." Agad naman na sabi ni Min at nag nod naman kami. "Pero Mark, paano at saan naman kayo nagtago?"

"Bago kami makita ng mga undead nasa itaas kami ng puno. Kahit mahirap ang naka hammock lang sa pagtulog ginawa namin iyon para lang makaiwas pero sa hindi namin malamang dahilan eh nakita kami." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Mark.

"Hindi lang iyon. Nawawala din ang iba sa weapons namin. Although hindi namin ito tinuro sa mga kasama namin kung paano gamitin may chance pa rin naman na madiscover nila kung paano ito gamitin." Dagdag pa ni Jullius.

"Parang may ahas ata kayong kasama." Sabi ni Kass at tumingin kay Mark. "Hindi naman kayo nasaktan hindi ba?" Bakas ang pag aalala sa mukha niya.

"Kami hindi pero ang dalawang leader oo." Bigla naman akong ginapangan ng kaba sa dibdib ko.

"Hey. Wag ka naman magbiro ng ganyan." Hindi pagtanggap ni Jullia sa sinabi ni Mark.

"Hindi ako nagbibiro Lia." Sagot naman ni Mark at bumuntong hininga. "Hindi namin alam pero nagkaroon sila ng malalim na sugat. Hindi man ito galing sa mga undead pero malalim ito at wala kaming matinong gamit para sa kanila. Wala naman kaming dalang healing pills."

Napanganga naman ako sa sinabi nya. Oh my gosh! "Pero noong nakausap ko sya, I mean noong naramdaman ko sya bakit hindi ko man lang iyon naramdaman?"

"Dahil after nyo mag usap saka lang iyon nangyari." Sabat ni Jullius.

Hindi naman kami nakapagsalita at napayukom na lang ang kamay ko. May traydor sa mga kasama nila Marvin at alam ko na kasama nila ito ngayon.

"Oo nga pala." Napatingin kami kay Jullius. "Tingin ko kailangan na natin magmadali para makita sila dahil may talagang nang aahas sa kanila, may nagkakagusto kila leader."

Napanganga naman kami lalong lalo na ako at si Yana. Parang nagbago nga ang ekspresyon ni Yana.
"The heck? Subukan lang nila landiin si Henry mapuputulan ko sila ng ulo." Inis na sabi nito at napalunok naman ang dalawa.

"Sabi sayo wag mo na sabihin eh." Dinig kong sabi Mark at napalunok naman si Jullius.

"Eh kailangan din naman." Bulong naman ni Jullius.

"Back to topic." Walang gana kong sabi at napatingin naman sila sa akin. "Anytime soon makakarating na tayo sa facility kaya ang gusto ko ituon ang pag aaral sa paggawa ng cure." Tumango tango naman sila.

"Agree ako sayo, Kesh." Sabat naman ni Yana na wala din sa mood.

"Wala namang tumututol basta hindi mo lang abusohin na naman yang katawan mo." Dagdag naman ni Min at nag nod naman ako.

"Ano pang balak?" Dagdag naman ni Jullia.

"Bukod sa nalaman natin sa reaction ng mga blood samples kailangan pa natin ito palawakin. Hindi lang blood ng undead, ng normal na tao, natin at ng wolf ang dapat na maging specimen natin. Kailangan din natin mapag aralan ang tubig at pati na rin ang mga waste barrel na nakita natin sa iba't ibang parte ng ilog."

Mint Academy 3: The World of the RedWhere stories live. Discover now