💉 MA 3 : Chapter seventy eight - It's time for play

6.2K 303 56
                                    

Enjoy kayo~
Happy reading Minters!!!

***

Laking gulat ng lahat ng makita nila kami sa sala at nagkukwentuhan. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat kung yung mga hindi mo lagi nakikita eh makita mo na nasa iisang lugar lang. Di ba?

"Your reaction is too much. Talaga bang feeling nyo isolated kami at parang ayaw nyo kaming makita dito?" Pagbibiro ni Yana at natawa naman kami.

"Grabe lala kayo, lolo Leonde." Pagdadagdag naman ni Min.

"No. No. That is not what we meant. It's just rare to see you girls this past few days." Grandpa Leonde said.

Napailing na lang naman kami dahil sa pagbilis ng pagkontra nila sa sinabi ni Min. Nagbibiro lang naman si Min grabe naman itong mga ito.

"Sana nga hindi na lang kayo lumabas." Inis naman na sambit ni Lilia.

"Oh Lilia and her mindless talk." Nakangiting sabi ni Kass habang pumapalakpak. "Medyo namiss ko yun. Can you do us a favor? Pwede bang makipag-usap ka sa amin ng may sense of humour? Para naman matuwa kami kausap ka."

"Sense of what?"

Natawa naman ako ng mahina at napatingin sila sa akin. "Seryoso ka Josephine hindi mo talaga alam ang sense of humour?" Ngising tanong ko at kinakitaan ko naman sya ng inis sa mukha.

"Of... Of course alam ko! Anong akala mo sakin tanga? Bobo? Ha ganun?"

I tilted my head. "Oo?" Saka ako ngumiti. "Sorry not sorry but that is what I saw you from the very start. A mindless talking fool."

"You..."

"I am Akesia and that is what you have to carve in your head. And oh." Tumayo ako at lumapit sa kanya saka bumulong. "Do not mess with a verdant." I whispered.

***

"Hahahaha walanghiya ka Kesh! Ano ba kasi sinabi mo at parang nawalan ng dugo si Josephine?" Natatawang tanong sa akin ni Aira.

Nagkibit balikat naman ako. "Hindi ko alam. Basta ang sinabi ko lang sa kanya do not mess with us." Napalatak naman ako. "Sayang hindi ko nakita kung paano siya mamutla." I added.

"Priceless, girl! Alam mo yung tapang nya? Nawala ng parang bula!" Tumawa naman si Kass ng masabi nya iyon.

"Nakakatakot talaga kayong mga babae." Sabat naman ni Mark habang naiiling.

"Isa sa dahilan kung bakit hindi dapat galitin ang mga babae sa verdant." Dagdag namang kumento ni Jullius.

"Aba dapat lang naman kasi sa kanila iyon. Mga malalanding imapaktitang mangkukulam na ahas!" Tuloy tuloy na sabi ni Min kaya naman natawa kami.

"Talagang pinanindigan nyo na na may imapaktita sa bansag ninyo sa kanilang dalawa ah." Natatawa namang sabi ni Jullia and they flip their hair.

"Bagay naman eh." Sabay na sambit ni Jullia at Yana.

Ito talagang mga kaibigan ko kahit saan magkakasundo. Lalong lalo na kapag may aawayin sila. Naalala ko tuloy noong inaway ako nila Nikki noong nag guest ako as speaker sa dati kong school grabe din nila kung awayin si Nikki dati.

I am really glad to have them.

"Oh natameme ka, Kesh?" Takang tanong naman ni Yana.

Ngumiti ako. "Nag iisip lang ako kung paano natin sila matotorture." And I smirk.

"Alam nyo girls out ako diyan ah." Sabi ni Aira habang nakataas ang kamay nya na parang sumusuko sa pulis. "Alam nyo naman hindi kaya ng sikmura ko torture na nabanggit nyo noong nakaraan." She added.

Mint Academy 3: The World of the RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon