"Huy! Bat ka nga galit sa akin?"

"Sino yun?" tanong ko rin habang nakatingin sa malayo.

"Ha? Saan?" tsaka siya luminga sa paligid.

"Sino yun?!" umasta na akong nagagalit, nakukuha niya pa talagang magjoke eh alam niya naman kung tungkol saan itong tinatanong ko.

"Saan nga? May nakikita ka bang di ko nakikita, tol?"

"Hindi ka naman pala makausap ng matino, eh!"

Magwowalk out na sana ako kaso hinawakan nya yung braso ko at pinabalik ako sa harap niya.

"O eto na, seryoso na to, matino na, ano bang ikinagagalit mo sa akin, ha?"

"Bat ka naglilihim sa akin? Ang sabi mo tolbespren tayo, bakit may itinatago ka na sa akin?"

"Huh? Itinatago? A-anong itinatago?"

Kunyari pa tong mokong na to. Akala nya siguro hindi ko pa alam na may nililigawan na siya at parang wala syang kabalak balak na sabihin sa akin yung tungkol sa kanya at magandang babaeng yun.

"Ang dami mo ng nililihim sa akin tol. May niligawan ka lang, nakalimutan mo na yung promise natin sa isa't isa na walang lihiman. Grabe ka."

Pero actually, ako rin naman eh, kung tutuusin hindi ko rin tinupad yung promise kong walang lihiman. May sekreto akong tinatago na hinding hindi niya dapat malaman, dahil pag nalaman niya, katapusan na ng pagkakaibigan namin.

"Ano? Nililigawan? Ano bang pinagsasasabi mo tol? Hindi kita maintindihan."

"Alam mo, wag ka ng magkaila! Kunyari ka pa eh!"

"Teka, ang gulo mo, tol." despite ng paninigaw ko sa kanya ay nanatili pa rin siyang mahinahon.

"Ako pa ngayon ang magulo?! Eh ikaw nga dyan eh! Ang dami mo pang paligoy ligoy. Kunyari pang hindi mo gets tong mga pinagsasasabi ko. May nililigawan ka na pala, di mo man lang sinabi sa akin! Nakahanap ka lang ng maganda, nakalimutan mo na ko."

"Tol, sino bang nililigawan ko ah? Ipakilala mo nga sakin, hindi ko kilala eh."

"Sino yung babaeng yon?!"

"Sino ngang babae?" pinipilit nya pa ring maging mahinahon, ako naman, kulayan lang ng green, si Hulk na.

"Yung babaeng kasama mo kahapon! Sobrang sweet na sweet nyo pa nga doon sa mall na kulang na lang langgamin kayo!"

"Nandon ka sa mall kahapon?"

"Oo! Akala mo siguro maitatago mo sa akin no?"

Pagkatapos kong sabihin to, bigla na lang siyang tumawa nang malakas. Yung tawang nakakainis. Aba loko to ah! Pag ako nainis ng todo, babatukan ko na to eh. Ako na nga tong pinaglihiman nya at naging dahilan ng matinding pagseselos ko eh sya pa tong mang-aasar ng ganto. Tsaka, hi-hello? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Sino yung babaeng yon?! Sagutin mo ko!"

"WAHAHAHAHAHAHA!"

Tawa pa rin sya ng tawa na akala mo eh bukas pa titigil. Asar na asar na nga ako, dinagdagan pa ng tawa nyang nakakabwiset.

"HAHAHAHAHA!"

"Kelan ka ba titigil sa kakatawa?!" asar na asar na ko.

"Yung babae? Wahahahaha! Yung babaeng kasama ko doon sa mall? Wahahaha!"

"Oo! Sino sya?" I tried to calm myself though, dahil pag napuno ako, lilipad tong paa ko sa toot nya.

"Nagseselos ka ba?"

Anak ng kabayo! Bat nya nasabi yon? Don't tell me.... Alam nya ba? 

"Nagseselos ka no?"

"No, I'm not! Bat naman ako magseselos? Hinding hindi ako magseselos nang dahil sayo noh? Ano ka, sinuswerte? Hindi ako magseselos! Walang dahilan para magselos ako!"

"Nagseselos ka eh. Bat ka defensive?"

Anak ng tokwa naman talaga oh! Pag minamalas ka nga naman! Bat sunod sunod na kamalasan yung nangyayari sa akin ngayon? Isinumpa ba ako?

"W-wala!"

At para makaiwas ako sa bingit ng kamatayan, nagwalk out ako ulit.

"Huy! San ka pupunta?"

Hindi ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglakad ko. Alam kong may delubyong mangyayari ngayon kaya habang maaga pa, iiwas na ako. Mahirap na, friendship namin ang nakataya dito.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad ko. Walang lingon lingon. Straight lang talaga Ayen, tutal para naman ito sa friendship namin.

Unexpectedly, may delubyo ngang nangyari....

Bumunggo yung paa ko sa bato at nadapa ako. Nadapa ako sa harap ni Dean. -__- Fan ko ba talaga si Kamalasan at lagi yatang nakasunod sa akin? Ano bang nagawa kong kasalanan sa kanya at puro na lang pagpapahirap yung ginagawa nya sa akin?

Umupo ako sa lupa. Tsaka ko sinilip yung tuhod ko sa ilalim ng palda ko. Dumugo ng konti. Then napaangat ako ng ulo nang mapansin ko si Dean sa harap ko. Umupo rin sya at tinignan yung tuhod ko. Tapos bumaling sa akin na concerned na concerned yung mukha.

"Ayos ka lang?"

"Wala to."

"Halika nga."

Inalalayan nya akong tumayo at dinala ako sa swing.

"Yan. Yan ang napapala ng mga taong masyadong advance mag isip." umupo sya ng maayos at tiningnan akong mabuti. "Yung babaeng kasama ko kahapon, si Danna yun. Si Danna ay stepsister ko, father's side. Siya ang ikinukwento ko sayong kapatid ko."

What?! Watda! What?!!!! Mayghad! Ano ba tong nagawa ko? Ang laking kahihiyan! Gusto kong maging invisible ngayon dahil sa sobrang hiya. Nagalit pa ako sa kanya. Nakakahiya!

Pulang pula na ako sa sobrang hiya. Kapatid niya pala. Pinagpawisan tuloy ako nang maisip yung mga pinagsasabi ko kanina. Sobrang nakakahiya. :-|

May sayad talaga ako sa utak eh. Para akong ipinaglihi kay Sisa. Ang laki ng topak ko sa ulo!

"Wala akong nililigawan. At kung sakaling meron man, ikaw yun..."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw? Kahit di ko naintindihan eh lumundag yung puso ko.

"A-anong sabi mo?"

Biglang hindi napakali si Dean. Yung bang kumbaga sa english na-terrified. Wathapen? Nawal tuloy yung nahihiyang feeling at napalitan ng curiousity. 

"I-I mean, k-kung meron man akong liligawan, ikaw yung unang makakaalam..."

Ahhhh. Sayang! Paasa!!!!!

"Buti pa, dalhin na natin yang sugat mo sa clinic."

Inalalayan niya ako papunta ng clinic. Hay. Bat niya pa binawi yung sinabi niya. Nakakainis. Pero don't dare to forget yung ginawa mo Ayen. Nakakahiya ka! Para kang si girlfriend kung umasta. Tsaka isa pa, kapatd nya pala. NAKAKAHIYA!








Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon