Chapter 19

9.5K 312 86
                                    

Chapter 19 - Can you resist me, Nathan?

Kanina pa ako inip na inip dito sa loob ng gymnasium habang hinihintay na matapos ang training ni Flame. Napapabuntong-hininga na lamang ako at sumasakit na ang ulo ko sa mga tao rito sa loob, at dahil 'yon sa kaniya.

You can't blame Flame, everyone is craving for him.

Halos matapon ko na ang hawak kong twalya at bottled water sa kakatulak ng mga babaeng nasa likod ko na tila mga kumpol ng mga bulateng binudburan ng asin sa sobrang kilig. Nakakarindi na at nakakasawa. Hindi ba sila nagsasawa?!

Pa'no ba naman, sa tuwing makakashoot si Flame ng three points sa ring, lilingon muna siya sa pwesto namin and he's mouthing 'I love you' for no reason.
Nakakainis at dahil sa kaniya ay tila nabubugbog na ang katawan ko sa sakit.

Binalot ng malalakas na tili at sigaw ang buong gymnasium nang muling makashoot si Flame. As usual lumingon ulit siya dito at binigyan kami ng isang kindat na sapat na para magtulakan ang mga tao dito.

"OH MY GOD SIZ! KUMINDAT SIYA SA'KIN!"

"Tanga, sa'kin siya kumindat at hindi sa'yo! H'wag kang assumera hindi ka magugustuhan ni Flame!"

"Ikaw ang assumera! Sa'kin kumindat si Daddy Flame!"

Hanggang sa nagsabunutan na ang dalawang babae sa likod ko. Wala na akong nagawa kun'di lumipat ng bleacher dahil sa kalandian nilang dalawa. Ngayon naman ay dito naman sa pwesto ko siya lumilingon kaya halos magtilian din ang nasa likod ko.

Nakakarindi! Nakakasawa! Nakakainis!

Hindi ako kinikilig, Flame. Naiinis ako! Can't you just give me peace of mind?! Kung pwede lang na magretire na biglang babysitter niya, dati ko pa ginawa dahil sa mga 'die-hard fans' niya na walang ginawa kun'di itulak ako.

Nang muli siyang lumingon sa pwesto ko, I mouthed "I hate you" ngunit isang kindat lamang ang ibinigay niya sa'kin kaya napayukom ako ng kamao sa inis.

Ilang oras pa ang lumipas, sa wakas ay natapos na rin ang training nila. As usual, mas dumami ang mga tao sa loob ng gymnasium at inaabangan ang paghuhubad niya ng jersey.

Tch, kala mo naman sobrang macho.

Ang kaninang malalakas na tilian ay tumriple pa nang sinimulan na niyang hubarin ito. Nagkakagulo na lahat, mapa-babae, lalaki, at mga binabae. May mga iba na halos tumalon na sa steel railings para lang malapitan siya ngunit maraming bantay, reassuring na walang makakalapit kay Flame.

Ganito ba talaga siya kasikat? He's just a two-faced guy. Angel sa panlabas, demonyo sa panloob. Tch.

Napatayo na rin ako dahil pinagtutulak na ako ng mga tao sa likod ko. Mga bwisit kayo! Gusto kong isigaw na sobrang daming jerseys sa mall, ba't 'di nalang sila bumili ro'n ngunit ayoko namang mag-eskandalo rito kaya napili ko na lamang manahimik.

Napasanda ako sa bakal na railing nang mas lalong lumakas ang tilian. Napalingon ako sa pwesto ni Flame na unti-unting lumalapit sa pwesto namin. Tila nag-slow mo ang lahat, 'cause he's like a walking demigod dahil topless na siya at hawak-hawak na lamang niya ang pula niyang jersey.

Babysitting the CEO's Son [BxB]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant