Chapter Eleven - Poprotektahan Kita

Começar do início
                                    

                 Kinagabihan, natapos na ako sa lahat ng Gawain ko pero ni ho ni ha sa text, wala akong natanggap sa kanya. I can’t believe it. Mas naaaliw ata siya sa computer games, asshole.

 

Mayel Dominquez

               Maaga akong pumasok sa school, wala pa naman akong klase pero dahil nga sa project namin sa English Communications na yan, kinailangan kong pumunta sa library. Tahimik ang library, mukhang wala pang tao bukod sa mga student library. Binati ko ang kakilala kong si Ate Merlyn, nursing student na nagtra trabaho bilang assistant doon. Iniwan ko sa kanya ang bag ko at saka ako dumiretso sa English section kung saan nabigla ako kung sino ang nakita ko doon. Parang gusto kong tumalikod at bumalik na lang mamaya kaya lang tinawag niya ang pangalan ko. “Mayel, sandali lang.” Hindi natuloy ang plano kong magpaka invisible. Nakita niya na ako at wala ng atrasan. Kay tagal ko siyang iniwasan tapos magkikita ko din siya dito sa library, isang umaga. Di ko alam kung ano ang ire- react.

                “Jake, kamusta?” sabay pinilit kong ngumiti. Di ako makatingin sa kanya at nararandaman ko na nanginginig ang kalamnan ko. Mayel, keep it cool. “Ang aga mo ata.”

                “Well, project sa English.”

                “Me too.”

                “Pwede ba tayo mag usap?”

                “Naguusap na tayo.” tugon ko.

                “What I mean is, ang tagal na nating di naguusap. Almost a month na. Look, I’m sorry for what happen between us lalo na doon sa rest house. Di ko sinasadya.”

                “Yun lang ba? Wala yun sa akin. Like you, I didn’t mean it too.”

                “Di ko alam kung bakit kita iniwasan, at sure ako na iniiwasan mo din ako. At lalong di ko alam kung bakit ko pa pinatagal na hindi tayo mag usap. Mayel, I miss our friendship so much.” aniya. I didn’t see this coming.

                “Maybe we can be friends again Jake.” ang tanging natugon ko sa kanya. Inabot ko sa kanya ang kamay ko na hinawakan niya naman.

                “Friends.”

           Ang ganda ng pakirandam ko sa araw na ito na hindi ko na naisip ang mga balak ko na kausapin pa si Pia. Well, I don’t think that will be a very nice idea either. Sabay kaming nag lunch ni Jake at saka nagkakwentuhan.

                “Congrats nga pala dahil nanalo ka as a rep.” bati ko sa kanya habang kumakain na kami ng lunch.             

                “Thank you although alam ko naman na di mo ko binoto.”

                “At gusto kong malaman mo na nagsisisi ako sa naging boto ko. Sana ikaw na lang binoto ko, pero okay lang yan, meron pa naman akong next year tama ba ako?”

                “I’ll count on that.” Sa buong lunch naman ay di namin napagusapan si Marlon which is fine with me. May bago na siyang nililigawan na talagang ikinagaan naman ng loob ko. Besides, di ko naman siya ganoon ka gusto. May mga nagyayayang lumabas pero I don’t think ready na uli ako sa mga ganyan. I guess mas mature na ako ngayon. “Alam mo ba sa August 1 ay tutugtog dito ang the chefs?” balita sa akin ni Jake.

                “Talaga? Gosh, crush ko pa naman doon si Nick, di nga?”

                “Yup, and it’s all for a cause at dahil friends tayo, bibigyan kita ng free ticket!”

A Campus StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora