"Si Kath? Bakit naman umabot ng ospital si Kath?"

"Hindi ko nga alam Quen kaya nga ako nagtanong kung pwede mo muna kaming samahan. Wala kasi ang driver namin at sobra ng nag-aalala ang kambal sa Mommy nila"

"Halika na po kayo at sasamahan ko kayo" alok ko.

"Salamat, Quen. Hintayin mo lang ako rito dahil tatawgin ko lang sina Sab at Sky" sabi ni Tita .

"Hindi na, Tita. Ako na po ang tatawag sa kanila. Pumasok na po kayo baka mawalan na kayo ng hininga" sabi ko at saka dali-daling tinawag ang mga bata.



(HOSPITAL)


"Lola, what are we exactly doing here?" tanong ni Sky.

"Lola, something happened to Mommy?" tanong ni Sab


Napansin ko rin na marami ang nakatitig sa amin lalong lalo na sa kasama naming kambal. Marami na rin ang nakakilala sa akin pero hinayaan ko lang ito. Marami na rin ang nagtangkang magpapicture pero agad ko naman itong tinanggihan at nagbigay ng paumanhin. 

Una sa lahat ayoko pagkaguluhan ako dito sa hospital lalong lalo na at kasama ko ang mga bata.


"Mga anak, mamaya na kayo magtanong okay?" tanong ni Tita.


Tumango lang ang kambal.



(ROOM)


Pagbukas pa lang namin ng pinto nakita namin agad sina Magui at Tita Karla na nakaupo. 

Habang si Kath naman ay walang pang malay na nakahiga sa patient's bed.


"What happened to Mommy?" agad na tumakbo ang kambal sa kanilang Mommy at niyakap ito. 


Nagsimula na ring umiyak si Sab "What di-d t-hey do to Mom-my?"


Lumapit naman si Tita Min at kinarga si Sab. "Shh. Gigising rin ang Mommy"


Lumapit si Tita Min sa akin at pinalapit si Sab sa akin. Kinuha ko si Sab kay Tita Min at ako na ang bumuhat. Pinatahan ko naman ito.


"Anak ni Kathryn? May anak si Kathryn?" rinig kong tanong ni Tita Karla kay Tita Min.

Tumango lang si Tita Min. "Anak kay Daniel"


Lumaki naman ang mga mata ni Tita Karla at tumingin sa kambal.


"Hindi nyo man lang sinabi agad na lola na pala ako" mangiyak iyak na sabi ni Tita Karla.


Agad na pumunta sa likuran ko si Sky. Lumapit si Tita Karla at tininingan ng maigi ang kambal.


"Ang gaganda at gagwapo naman ng mga apo ko" sabi ni Tita Karla.


Pinahid ni Tita Karla ang kanyang mga luha.

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now