Chapter 8

9.2K 152 0
                                    

Edited © 2018


KATHRYN


"Mommy, umiiyak ka na naman. The last time I saw you crying is when Sab and I had a big fight. Mommy, is there a problem?" tanong ni Sky.


Nginitian ko lang si Sky at saka siya niyakap. 

Sobrang swerte ako sa mga anak ko.


Pagkatapos akong nilapitan ni Daniel ay agad akong umiwas at dali-daling pinuntahan ang mga bata. Timing nung pagpasok ko ay nakita ako ni Sky na namumula ang mga mata.


"Hindi umiiyak si Mommy. Napuwing lang ako. Dont worry na, baby" sabi ko habang pinupunasan ang mga luha.


"Aba't sino ang nagpaiyak sa Mommy nyo? Sasabunatan ko talaga kung malaman ko kung sino nagpaiyak sa Mommy nyo" bungad ni Quen. 

"Napuwing lang syah, Tito" sabi ni Sky. Sinamaan ko 

"Tumigil ka, Quen. Para kang babae" asar ko at saka umirap. 


Tinawanan lang ako ng loko. 

Saan kayo itong si Quenito nagmana? Mabait naman si Tito at Tita. Napailing na lang ako sa aking iniisip. 


Lumapit si Quen sa mga bata at sumabay maglaro. 


"Kath! Quen! Tawag na kayo ni Direk" sabi ng isang staff at agad ring umalis.

"Anong meron?" tanong ko kay Quen.

"Sinabi na sa akin ni Direk na sabay na tayong kumain sa restaurant na pupuntahan natin. Pwede mo rin daw isama ang mga bata"


Pinabihis ko muna ang mga bata bago kami lumabas.


"Mommy, where are we going ba?" tanong ni Sab.


"Sa puso ng Mommy, anak" biro ni Quen kaya binatukan ko ng napakalakas.


May topak naman ang mokong na ito. Nabangga ba ito kanina? Sarap ibangga ulit.


"What? I dont get it. How?" tanong ni Sky.

"Ayan. Mag-isip ka ng sasabihin mo akala mo tutulungan kita diyan pwes hindi. Kung ano kasi pinagsasabi sa mga anak ko"

"Joke lang hehe"


Tumingin ako kina Sky at Sab, "Huwag na huwag kayong makikinig sa Tito Gwapo nyo. Kakalabas pa lang kasi ng mental hospital" Pagkabanggit ko ng 'mental hospital' ay agad naman ang dalawa nagtago sa aking likuran. 

Napatawa ako habang si Quen naman ay napasimangot. "Magrereklamo ka na kung ano ang pinagsasabi ko sa mga anak mo. Ikaw nga diyan, tinuturuan mo rin ng iba"


"Hindi naman kasi malabo na galing ka talaga sa mental hospital"

"Is it true?" tanong ni Sab

"No, ofcourse baby" dipensa ni Quen at lalapit na sana kay Sab pero lumipat si Sab sa kabila ko.

Tumingin naman agad si Quen sa akin "Tulungan mo ko"

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now