Chapter 5

11.6K 183 4
                                    

Edited © 2018


KATHRYN


Kakatapos lang ng taping para  sa ASAP kaya dumiretso na ako ngayon sa taping ng aming teleserye.

Sobrang pagod na pagod dahil na rin siguro wala na akong oras matulog pa dahil sa araw araw ang taping. Kinababahala ko ito dahil wala na rin akong oras sa mga bata.


Naglalakad ako ngayon papunta sa tent.

Gusto ko ng matulog dahil parang mahuhulog ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay hindi ko na rin napapansin ang mga taong nadadaanan ko.


"Kath, sabay na tayo" lumingon ako.


Si Enrique lng pala pala akala ko kung sino.

Ugh. Kung sino-sino naman ang pumapasok sa isip mo.


"Saan na yung kambal?" tanong nya

"Nandoon na sa tent. Sabi ni Mama kakatapos lang ng school nila at pumilit na pumunta dito. kaya ayan" sabi ko.


Sumabay na rin ito sa akin.


"Pero ngayon, paalala ko lang sayo na huwag na huwag mong kukulitin mga anak ko baka mapawisan na naman yun. Magkasakit pa" paalala ko.


Lalo namn siya napasimangot.


"Ang saya kasi nilang kulitin lalong lalo na kung aasarin mo. Mana talaga yang mga anak mo sayo kapag kinukulit"

"Oh, bat hindi nlng ako ang kulitin mo?" sabi ko

"Hindi ka naman bata para kulitin at saka alam mo naman kung ano aabutin ko dahil puro suntok, hampas at tulak ang gagawin mo at baka masira pa ang katawan ko" pagmamalaki niya sa kanyang katawan sabay tawa.


Binigyan ko siya ng masamang tingin. Nang napansin niya na hindi ako tumatawa nagbago ang mukha niya.

Ngumiti pa sya ng nakakaloko.


"Baka selos ka lang kaya gusto mo ikaw ang kukulitin ko? o baka naman mayroong nagseselos?" nagtaka naman ako sa sinabi niya "Katulad na lang yan ng nasa likuran mo" sabi nya at palihim na tumawa.


Lumingon ako. Nakipagtitigan ako sa lalaking nasa malayo. Si Daniel.

Wala siyang may pinapakita na emosyon. Ilang sandali naman ay umiwas ito.


"Baliw ka talaga Quen! Bakit ang sama ng tingin niya sayo? Hala, baka hindi mo pa nabayaran ang utang mo sa kanya" pagbibiro ko sabay tawa. 

Kaya binatukan ako. 


"Hindi mo ba nakikita kung ano ang gustong sabihin ng mga matang iyon? Selos na selos yun, Kath" 


Selos? Ang labo naman.


Showbiz Parents (KathNiel) EditingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon