Chapter 7

9.5K 155 1
                                    


Edited © 2018.


F L A S H B A C K

KATHRYN


"Perfect! Ganda naman talaga oh!" puri sa akin ng make-up artist pagkatapos niya akong ayusan.


Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat.


Pumasok naman si Mama, "Ang ganda talaga ng anak ko."

"Ano ka ba naman syempre nagmana sayo, Ma"

"Ikaw talagang bata ka. Sige na, pumunta ka na doon anak dahil ikaw na siguro ang susunod" sabi ni Mama.


Nandito ako sa pangalawang concert ni DJ. Hindi ko alam pero iba ang nararamdaman ko ngayon. Siguro kinakabahan lang ako.


"Sige ho, Ma" sabi ko at saka lumabas.


Naglalakad ako ngayon sa backstage. Nang mapadaan ako sa room ni Daniel. 

Nang sumilip ako ay agad kong nakita ko si Julia at Daniel.


Mukhang seryoso ang kanilang pag-uusap. 


Napapansin ko rin minsan ang palaging pagdalaw sa aming taping si Julia. 

Alam ko naman na magkaibigan sila at wala naman akong problema doon

Ang pinagtataka ko lang noon kasi hindi pa sila gaano  kaclose, kung hindi nga lang kay Quen ay hindi sila magkakilala ngayon. Pagkatapos ng ilang araw mapapansin ko na medyo magkalapit na ang dalawa, hinayaan ko na lamang. 

Pero hindi mo maiwasan maramdaman yung feeling na may nararamdaman kang parang mali.

Hindi ko na pinatagal ang panunuod sa kanila. Nag-uusap lang naman sila diba. 

Kung pinagtataka nyo kung bakit andito rin si Julia, dahil isa rin siya sa mga guests ng concert ni DJ. 


First of all, sino ba naman ako diba?

Isang hamak na kaibigan lang. Mahal niya ako bilang isang kaibigan lang. 


Naging successful ang concert ni DJ. Kitang kita sa mukha nito kung gaano ito kasaya makita ang mga taga hanga nitong patuloy na sumusuporta sa kanya.

Kahit nakakapagod, na enjoy ko naman ang concert niya. Sobrang proud ako kay DJ.


"Congrats orb! Pangalawang concert mo na pero ganito pa rin ka solid yung mga fans mo" Seth Gothico, bestfriend ni DJ na kasama sa banda nilang Parking 5.

"Pre, celebrate naman diyan! Sucessful yung una at ikalawang concert mo. Iba talaga kung inspired ang loko" pang aasar ni Katsumi. Katsumi Kabe, isa ring kaibigan ni DJ na kasama sa Parking 5.


Kasama nami na mga girls ay sina Arisse, Marlann at Pamu. Ang ibang boys kasi umuwi na katulad ni Quen, Pat, Marco at Khalil kaya Parking 5 na lang siguro ang natira.


"Beerpong tayo!" sigaw ni Lester. Lester Giri, ang pinakaclose ko sa banda ni DJ. Loko-loko rin ang isang ito.

Showbiz Parents (KathNiel) EditingWhere stories live. Discover now