Nakita kong bumagsak ang balikat ni Mat, seryoso naman akong tinitigan ni Uno.

"Mahal mo ba ang boyfriend mo?"

Nagulat ako sa tanong niya. "Of course! Mahal ko siya, siya ng nandyan noong mga panahon---"

"Lauren, magkaiba ang pagmamahal sa utang na loob iyan ang tandaan mo. I understand you, hindi madali itong hinihingi namin sa'yo pero please hanggat maaari layuan mo kung sino 'yong Charles na 'yan. Hindi natin alam kung anong puwedeng gawin sa kaniya ni Zayn number two sa susunod na magtagpo sila," babala niya sa akin umiling ako.

I know I love Charles. Heck! Hindi kami magtatagal kung hindi ko mahal si Charles.

"I will talk to Zayn, kapag bumalik na siya rito," mahinang usal ko pero alam kong narinig nila iyon.

Pinagkrus ni Uno ng braso sa kaniyang dibdib.

"Sa ngayon, ang tangi natin magagawa ay hintayin na lang si Zayn na umuwi. Kung hindi naman, alam kong hindi iyon makakatiis na makita ka kaya hahanapin ka no'n," wika niya.

Nagbaba ako ng tingin, mababaliw na ako.

Ang ayos-ayos ng buhay ko tapos biglang ganito. Gusto ko pumunta sa Daddy ko para magmakaawa na ayoko, na gulo itong pinagpasukan niya sa akin. Pero sigurado akong magagalit iyon sa akin at ayoko iyon mangyari buong buhay ko halos magmakaawa ako sa kaunting atensyon ng Ama ko kaya natatakot akong mawala iyon sa isang maling desisyon na gagawin ko.

Ngayon pa na pinagkakatiwalaan niya ako rito. I can't disappoint my Dad. Even it means I need to sacrifice and hurt, I will do.

Napukaw ang pag-iisip ko ng bumukas ng pintuan ng library.

Napanganga ako ng pumasok doon ang hindi ko inaasahan tao. Nakita ko ang mabilis na kilos ni Mat upang ilabas ang baril. Si Uno naman ay napaayos din ng upo habang ako ay napanganga.

Ang mga mata niya ay deretsyong nakatingin sa akin. Pagod siyang naglakad papalapit sa akin tapos ay pabagsak na naupo sa aking tabi bago ilagay ang braso sa aking balikat.

Nanlaki ang mata ko at nanigas sa inuupuan ko ng ipatong niya ang baba sa aking balikat tapos ay siniksik ang mukha sa aking leeg para bang doon siya kumuha ng lakas.

Nanlalaki pa rin ang mata ko ng ibaba ni Mat ang baril at itago. Tumingin ako kay Uno para humingi sana ng tulong pero nagbukas lang ito ng lollipop bago itaas ulit ang paa sa center table.

"I'm back baby. Damn, I missed you."

"Z-Zayn??" tawag ko sa kaniya upang makasigurado. Baron called me love, and Zayn called me baby. Iyon ang napansin ko.

Naramdaman ko ang pag ngiti niya sa leeg ko.

"Yes baby? You miss me?" malambing na bulong niya sa aking leeg.

Tapos inilahad niya sa harap ko ang nakakuyom na kamay habang ang mukha ay nasa leeg ko pa rin.

Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang palad.

Tumambad sa akin ang isang singsing na may maganda at makintab na diamond.

"I'm will ask you again to marry me, not as my other alters but as Zayn. Be my Mrs. Coster, please stay with me Lauren," he whispered.

*

**

Йой! Нажаль, це зображення не відповідає нашим правилам. Щоб продовжити публікацію, будь ласка, видаліть його або завантажте інше.

**

***

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now