CHAPTER 7 ~ Falling Hard ~

Magsimula sa umpisa
                                    

Mukha naman siyang mabait pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya matitigan ng matagal lalo na at walang ginagawa ang katabi ko kundi puriin siya. No once can be that perfect anyway.

"You know Master Sweetie, I can really feel it when you're insulting me silently."

"Imahinasyon mo lang iyan." sabi ko pero hindi itinaggi ang sinabi niya.

"Sabagay magaling ako diyan."

Kinunutan ko siya ng noo. "Saan?"

Kinagat niya ang ibabang labi niya at bahagyang gumiling na animo nang-aakit siya. "Sa pag-iimagine."

Pinaikot ko ang mga mata ko. Hindi na ata talaga dadating ang araw na hindi ako iinisin ng lalaking ito. Iyan ata ang inborn talent niya; ang galitin ako. Kahit na anong gawin ko na pagsusungit sa kaniya hindi pa rin niya ako tinitigilan. Bukod ata sa misyon niyang guluhin ang tahimik ko na buhay ay binigyan din siya ng abilidad na hindi makaramdam ng kahit na anong negative thoughts patungo sa kaniya.

Manhid in short.

"Tignan mo 'yung lalaki o! Kamukha niya si Trei di ba?"

"Oo nga no? Ang gwapo!"

Tinignan ko ang dalawang dalagita na naghahagikhikan sa isang tabi. Nakatingin sila kay Triton na ngayon ay kumekembot kembot kasabay ng kantang 'Shake Your Booty' na pinapatutog ngayon. Nakatingin siya sa rink at pinagmamasdan ang candidate niya.

Bago pa makalapit ang mga dalagita ay hinila ko na si Triton na nagulat sa biglang paghila ko sa kaniya. "Sorry na Master Sweetie. Masyado ka na bang nagselos? Come to daddy, I'm gonna give you some love beybe!"

"Hep!" awat ko sa kaniya gamit ng kamay ko ng akmang ilalapit niya ang mukha niya sa akin. "Inilayo lang kita sa mga posible magpakalat kung sino ka. This is a bad idea, Lawrence. Wala akong balak madamay kapag dinumog ka ng mga tao."

This freaking actor slash mental patient. Masyado kasing mahal ang spotlight kaya parang wala lang kung gumala.

"Don't you worry Master Sweetie. I will protect you!"

"Yeah, right. Kaya pala noong mag-aya si granddaddy Poseidon sa Ocean Park ako ang tumulong sayo na magtago dahil pinagkaguluhan ka."

Ngumuso siya. "Itinago mo ako sa isang balde na may lamang dead fishies na ipapakain sa big fishies!"

Inirapan ko lang siya. Binitawan ko na ang kamay niya at naglakad na ako palayo pero maagap na pinigilan niya ako."Bitawan mo ako o babaliin ko yang kamay mo."

"Skating tayo!"

Saglit na natigilan ako sa sinabi niya. Tumukhim ako at pinataray ko ang ekspresyon ko. "Wala akong oras sa ganiyan. Nakita na natin ang dapat nating makita. Umuwi na tayo."

"Wait!" pigil niya sa akin ng aalis na sana ako. "Ayaw mo bang makita sila ng malapitan? Sige ka malay mo iyang si Allen mo, kasing liit pala ng boses ni Patutina ang boses."

"Ewan ko sa'yo."

"Halika na dali!"

"Ayoko. Pangbata lang ang mga iyan."

Imbis na sumagot pa ay halos kargahin na ako ni Triton at hinila papunta sa counter kung saan kukuha ng entrance pass para sa rink.

"Ayoko sabi!" mariing sabi ko kay Triton na nagbabayad na ngayon.

"Masaya 'to promise!"

I gritted my teeth in agitation. Damn this maniac! Hindi ako marunong mag skating. I hate skating. I'll just choose jumping from building to building than walk with those pointy blade.

BHO CAMP #3: Clash Of The Private A1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon