PROLOGUE

51 3 0
                                        

"Manong, magmaneho ka na," sabi ng isang lalaki na may maitim na buhok nang pumasok na siya sa back seat ng kotse. Tumigin nang saglit si manong sa kanya mula sa rearview mirror.

"Pero sir, paano po yung babae?"

Inikot lamang niya ang kanyang mata bilang sagot kay manong, " Huwag ka nang mag-aalala. She's a nobody. Just drive.", utos niya.

"Pero siya ang-"

"Ano ba ang sabi ko?"

Walang magawa si manong kundi sumunod sa kanya. Maya-maya, nabuhay ang makina ng kotse at nasa kalsada na ito. Tumunog ang cellphone ng lalaki kaya kinuha niya ito.

"Hello?"

"Nat, nasan ka na? Hinahanap ka ng ama mo. Bilisan mo."

"Oo na. Oo na. Don't worry, geez," sumandal siya sa gilid ng kotse at kinamot ang kanyang ulo, "Malapit na ako. Mamaya na kitang tawa-"

Beep! Beep!

Bumusina ang isang truck na bumulaga sa kanila sa daanan. Sinubukan ni manong na iwasan pero tumama ito sa gilid ng kotse. Tumilapon ang binata sa loob ng kotse. Nabasag ang mga salamin nito at bumaligtad ang kotse sa lakas ng impact. Nawalan ng malay si manong sa driver seat. Tumama ang isang malaking piraso ng salamin sa dibdib ng binata. Kumalat ang kanyang dugo mula sa kanyang dibdib. Sinubukan niyang manatili na gising ngunit ang bigat ng kanyang mga mata at katawan ang nagpaudyok sa kanya na pumikit.

The Ghost DealOpowiadania do pokochania. Odkryj je teraz