Ang Engkanto Sa Puno Ng Kamagong

50 1 0
                                    

Magandang gabi po clark at sa lahat ng followers ng dollandspooks. Halos araw2x din po ako nanonod ng videos mo,,,sa totoo lng po ay lahat ng story ay nakaKarelate po ako at ngayon din po ako nglakas loob ishare ang story about sa life ko clark sisimulan ko n po,,,lahat po ng mababangit kong karakter sa kwento ko ay mga orihinal n pangalan...Ngsimula ang lahat ng eto noong bata pa ako. 1year old pa lang ako nang iniwan ako ng mama ko sa aking lola candelaria sa bicol.broken family kami, kinailangan ng mama ko na lumuwas ng maynila pra magtrabaho at suportahan ako.Dun ako ngkaisip at lumaki sa pinakAmamahal kong lola candelaria.marami kakaibang karanasan ang nangyari sakin n d maipaliwanag ng lola ko. Marami syang nakwento sakin bago siya namatay.Nang magkaisip na ako, mas lalo ko naintidihan ang mga kababalaghan sa buhay namin. ang bahay namin sa bicol ay nsa liblib n barangay.May silong po ito at kawayan ang sahig. Sisimulan ibahagi ang isang karanasan ko nunf nasa edad limang taon pa lang ako.tanghaling tapat, kakatapos lang nmin kumain ni lola. kinailangan niya akong patulugin gawa nga ng mga pamahiin n bawal dw lumabas ng tanghali dahil marami dw engkanto ang gumagala sa paligid.Nakahiga na kme ng lola ko at ilang minuto p ay nakatulog n kme. sabi ng lola ko, bigla syang nalimpungatanat napagtanto nya na wla n dw ako sa tabi niya. d nya ako mkita sa paligid ng bahay namin kaya kinakabahan man, linibot niya na rin ang likod at pangpang ng ilog n malapit dn sa bahay namin. Di pa din daw ako makita kaya nagpasya ang lola kong pumunta ng baryo dahil medyo maLapit dn nmn tatawid lng ng palayan.pumunta ang lola ko sa barrio at ngtanong tanong sa mga tao don at sa mga pinsan ko kng nakita nila ako pero ni isa dw sa kanila ay wlang alam kng nasaan ako.ang nasambit na lang ng lola ko, "diyos ko po! Huwag naman sana magkatotoo ang hinala ko n nasa ilalim na ang apo ko ng puno ng kamagong At nakikipaglaro sa engkanto nakatira don.'agad n umuwi ang lola ko at tinawag nia ang nakatira sa punong yon. ang sabi ng lola ko, "kaibigan, alam kong naririnig mo ako. itatanong ko lng kng nakita mo ang apo kong c john?"Wla ni isang tugon n narinig ang lola ko pero bago sya tumalikod ay narinig daw niya ang boses kong tumatawa at nasa gilid lng ako ng puno.Naiyak ang lola ko at nagpasalamat. d lng din natapos ang mga karanasan kong iyon. Habang lumalaki ako, hindi ako hinahayaan ni lola na naiiwan magisa. minsan isang gab, nagulat ang lola ko habang ngluluto dahil tunog na parang may kalaro ako sa kwarto kahit kaming dalawa lng ng lola ko ang nasa bahay.Nagdasal ang lola at nagbigkas ng, "kaibigan, wag niu nang gambalain ang apo ko pakiusap"Nahintakutan ang lola ko nang may narinig syang boses ng babae kahit walang ibang tao sa paligid, "d po namin sasaktan ang apo mo, kami ang nagbabantay at kalaro niya pra wlang makapanakit sakanya."Pero ang sagot ng lola ko, "kaibigan d namin kayo kauri at ayaw kng mawala ang apo kng si john sa akin! kung maari ay wag n kayong lumapit sakanya at ayaw kng isang araw ay isama ninyo ang apo ko sa mundo ninyo"Ngunit d n daw tumugon ang babaeng engkanto. Nabalisa ang lola ko at tumawag ng isang manggagamot kinaumagahan.Eto ang sabi ng manggagamot, "abay mareng candelaria hindi sapat ang kakayahan ko bilang magtatawas pra mapaalis ang engkantong kaibigan ng apo mo. isang ordinaryo mangtatawas lng ako mare, sadyang malakas ang engkantong eto. labis n nApalapit na sa isatisat ang apo mong si john at babaeng engkanto. sa kabilang baryo, may alam akong albularyo. baka sya ang makatulong sayo.""maraming salamat pare," sabi ng lola ko. "hindi n kasi maganda ang nakikita ko sa apo ko."Nagmagandang loob ang kaibigan na manggagamot ni lola na sunduin yung mas magaling na mangagamot sa kabilang baryo. Kinabukasan, bumalik ang mangagamot kasama ang isang matandang albularyo sa bahay namin.Pagdating na pagdating ng albularyo sa bahay naman, iba daw agad ang naramdaman nito. Walang sabi sabi, dumiretso sa likod ng bahay namin yung albularyo kahit di pa nakakapagsalita si lola.Matagal na tinitigan ng albularyo ang puno ng kamagong at sinabi ni lola na biglang nagpakita ang enkantadang babae at sobrang talim at masama ang tingin na pinukol nito sa lola ko, halatang galit ito dahil nadadama nito ang balak ng lola ko na ilayo ako sa kanya. Sabi ni lola, bigla na lang daw ako inapoy ng lagnat kahit maayos naman ang pakiramdam ko nung maaga pa. Agad na nagutos ang albularyo na maghanda ng pambawi o alay. Agad na kumuha ang lola ko ng puting manok, karne, prutas, at kandila. alam ko meron pang iba pero d ko na maalala kng ano pang alay.Inilagay nila sa ilalim ng punong kamagong ang mga ito at mayamaya ay humangin ng napakalakas at halos magtauban ang mga inalay sa puno.habang binAbantayan ako ng tita ko, kinukumbulsyon dw ata ako n parang may epilipsi kaya umiiyak na lang daw ang tita ko, di alam ang gagawin sakin.Sa labas naman ng bahay, nkikipagbuno ang albularyo sa elementong kaibigan ko. "Lubayan mo ang bata! Huwag mo na syang guluhin!" utos ng albualryo sa engkanto."Hindi! Kailangan ko dalhin si John sa mundo namin!" Pagmamatigas ng engkantong babae.Matagal na pakikipaglaban ang naganap. Wala akong masyadong maalala kasi sobrang bata ko pa nun at ayaw ito masyadong pagusapan ng lola ko. Pero ang ending, naitaboy ng albularyo ang engkantong babae at gumaling na ako sa sakit. Pasensya na kung medyo bitin ang kwento na to, gaya ng sabi ko ayaw kasi masyadong ilahad ng lola ko ang nangyari pero gusto ko lang talaga ishare ang nangyari na yun sakin.Matapos ang nangyari nung bata pa ako, naging normal naman ang lahat. May nangyari na lang naman na kababalaghan ulit nung nagbinata na lang ako.Dinadalaw ako sa panaginip ng iba pang uri ng laman lupa. mula kasi ng mamatay ang lola ko, tuluyan na naming nilisan Ang bahay n yun at napaglaman ko din kasabay ng pagalis namin ay tuluyan n din nabulok ang bahay ng lola ko at ni isa sa pinsan o tiyuhin ko ay wlang tumira don.Ngayon po ay isang madamong at makahoy n lugar nlang yun, sabi ng mama ko.Ngayon pong december ay uuwi kme ng asawa ko dun. May anak n din akong 1years old ngayon at kasalukuyang 27 yearsold n din ako. nais kong dalawin ang punong kamagong n yun pra muling makita ang lupain ng lola ko at sariwain ang alaala ng pinakamamahal kung lola.

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon