Ang Matakaw Na Si Peter

116 2 0
                                    


May isang batang lalaki na nagngangalang Peter na naninirahan kasama ang kanyang ina sa isang apartment. Ang kanyang ama ay inabandona sila matapos siyang ipanganak. Ang kanyang ina ay isang adik sa droga at hindi niya inasikaso nang maayos si Peter. Ang bata ay madalas na nangangalkal ng basura upang makahanap ng makakain.

Isang araw, dumating si Peter sa kanilang tirahan at nakita ang kanyang ina na nakahiga sa sahig ng kusina. Namatay ito ng drug overdose. Walang alam kung paano macontact ang ama ni Peter, kaya ipinadala siya upang mabuhay kasama ang kanyang lola.

Mahal na mahal si Peter ng lola niya, ngunit ang kanyang lola ay mahirap din at halos hindi rin mapakain ang sarili. Mayroon siyang maliit na pwesto malapit sa istasyon ng tren kung saan siya ay nagbebenta ng mga sigarilyo sa mga dumaraan at doon sya kumukuha ng ikabubuhay.

Sa tuwing may pera siya, namimili sya sa palengke para i-stock ang refrigerator, ngunit bago pa tumagal ay kakainin ni Pedro ang lahat ng pagkain. Si Pedro ay tulad ng isang gutom na hayop. Hindi nya matigil ang sarili sa pagkain at pinupuno nya ang mukha ng pagkain hanggang sa ang kanyang mga pisngi ay mukhang malapit nang sumabog. Sobrang nadismaya ang lola nya sa nakita.

"Peter!" Sigaw ng lola nya. "Bawasan mo naman ang katakawan mo! Kung ipagpapatuloy mo ito, baka sa lansangan na tayo dadaputin. "

Ngunit hindi makapagpigil si Peter. Araw-araw, habang nagtatrabaho ang kanyang lola, sisiumutin nya lahat ang lman ng refrigerator, pagkatapos ay pupunta sa cabinet ng kusina, para maghanap ng mga natirang pagkain.

"Peter!" Sigaw ng kanyang lola. "Mahirap lang ako! Kung hindi mo ito ihihinto, parehong mamatay tayo sa gutom! "

Nang hindi pa rin nakinig si Peter sa kanyang mga babala, sinimulan nyang saktan si Peter. Hindi niya nais na saktan ang batang lalaki, ngunit kinailangan niyang ihinto ang di mapigilang pagkain nito. Siya ay tatlong buwan na delayed sa upa ng apartment at wala ni isang butil ng pagkain ang natira sa apartment.

nagsimulang matakot si Peter sa kanyang lola at nagsimula na kabahan tuwing ito ay uuwi sa apartment. Nagsimula siyang gumawa ng mga plano upang tumakas mula sa tirahan.

Isang araw, nawala si Peter. Ang kanyang lola ay nagpunta sa mga kapitbahay, nagtanong kung nakita nila siya. 

Hinanap niya ang bata sa buong lugar nila, kumakatok sa mga pintuan at sumisilip sa mga bintana, ngunit hindi niya mahanap si Peter kahit saan. Nang maglaon, pumunta siya sa istasyon ng pulisya at nagsumite ng isang missing erson's report, ngunit hindi mahanap ng pulis ang bata.

Isang buwan ang lumipas, at bigla, bumalik si Peter. Isang umaga, narinig ng lola ang isang mahinang katok sa pinto ng kanyang apartment. Binuksan niya ang pinto at nakita ang kanyang apong lalaki na nakatayo roon. Ang mukha ay maputla, ang kanyang mga pisngi ay lubog at ang kanyang mga damit ay gulagulanit. Ang matandang babae ay napayakap sa kanya nang mahigpit.

Ang tanging nasabi lang ni Peter sa kanya ay, "Lola, gusto kong kumain."

Agad na binuksan ng lola ang refrigerator at hinila ang lahat ng bagay na naroon - sopas, salad, sausage. Habang pinapakulo ng matandang babae ang sopas, naupo ang apo sa lamesa at nagsimulang kumain. Nagsimulang punuin ni Peter ang kanyang mukha hanggang sa ang kanyang mga pisngi ay mukhang namamaga. Ang kanyang lola ay labis na natuwa na bumalik siya kaya hindi na lang sya umimik pa.

Nung maglaon, napansin ng matandang babae ang isang bagay na kakaiba. Bawat bukas ni Peter ng kanyang bibig, may isang bagay na nahuhulog. Tumingin siya sa mesa at nakita ang isang bungkos ng mga kumikislot na uod. Tinitigan niya ang apo na may pagkagimbal.

"Saan ka ba nanggaling, apo?" Tanong niya.

"Alam mo kung saan, Lola," sagot niya. "Alam mo at alam ko kung nasaan ako nanggaling."

Pagkatapos sambitin ang mga salitang ito, tumayo siya mula sa mesa. Ang lola ay nakaupo lamang doon na nakaawang ang kanyang bibig, nakatingin sa kanya. Naglakad si Peter na pagewang gewang sa pasilyo at habang papalapit siya sa pintuan, siya ay bumagsak at nahulog sa sahig.

Ang lola ay napatakbo at sinapo nya ang bata sa kanyang mga bisig, ngunit hindi na ito gumagalaw. Ang balat ni Peter ay kulay-abo at siya ay mukhang patay na. Ang matandang babae ay natakot at inipatong ang kanyang apo sa sofa. Pagkatapos, tumawag sya ng doktor.

Habang naghihintay siya ng tulong, hinawakan ang kamay ng lalaki ng apo at sinubukang kunin kanyang pulso, ngunit hindi nagpakita si Pedro ng mga palatandaan ng buhay.

Sa wakas, dumating ang doktor. Yumuko sito para tingnan si peter at agad ding napadiretso.


"Misis" Napabulalas ng doctor na may panginginig sa takot. "Ang batang ito ay matagal nang patay! Nagsisimula na syang mabulok. Tingnan nyo ang kanyang bibig, puno ng mga uod!"

Napaluha ang lola at sinabi na kalahating oras lang ang nakalipas, pinakain pa nga niya ang kanyang apo ng sausage, salad at isang mangkok ng sopas.

Tumawag ang doktor ng pulis. Ang bangkay ng batang lalaki ay dinala paalis ng apartment, at ang kanyang lola ay dinala sa istasyon ng pulisya. 

Pagkatapos ng imbestigasyon, napagpasyahan nila na pinatay ng lola ang kanyang apo isang buwan na ang nakararaan, na hinampas sa ulo ang bata ng isang mabigat na bagay. Hinatulan ang lola ng hukuman na isang baliw at sya ay ipinadala sa isang mental hospital upang doon manatili hanggang sa natitira araw sa kanyang buhay ...

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon