Habulin Ng Aswang

53 3 0
                                    

Hello po clark, ako po si Rose. Labis ko pong nagustuhan ko po ang iyong programa.Imbis matakot, ako ay labis na natutuwa ako sa mga kwento at karanasan ng ibang viewers.Gusto ko rin ibahagi ang aking unang karanasan. Sana magustuhan nyo kahit di naman masyado nakakatakot ito.Araw ng lingo kaya nagsimba kami ng tita ko. Pagkatapos ng mesa, pauwi na kami nang may kabaong na ipinasok sa simbahan.Kakilala ng tita ko ang pamilya ng namatayan kaya nagpasya sya makipaglibing .Nag umpisa na ang misa kaya umupo ulit kami. Habang nagsasalita ang pare, nagmasid ako sa paligid.Nung matapos na ang misa, binuksan ang kabaong para makita ng mha nakikiramay at sa Sa huling pagkakataon ay masilayan ang mahal nila sa buhay na namayapa na.Dahil di ako takot sa patay, nakiusyoso lang ako bago umupo ulit sa nakahilirang upuan.Habang nagmamasid ako, napukaw ang atensyon ko sa humahagolgol na asawa ng namayapa.Nagulat ako sa akin nakita at bumalot ang takot sa buong katawan ko.Nakita ko yung patay na nakatayo sa isang sulok, malapit sa asawa nito. Akala ko nabuhay ang patay!Dahil kung ano ang suot nya, yun din ang nakita ko.Tatakbo na Sana ako sa labis na sindak kaso natigilan ako.Di gumagalaw ang bangkay at malungkot na nakatingin sa asawa At anak nya na umiiyak sa harap ng kanyang kabaong.Biglang lumingon sa akin yung bangkay, na alam ko na ngayon ay ag multo ng namayapa, na parang may gustong sabihin sakin.Alam nya yata na nakikita ko sya kaya parang nagyelo ang buong katawan ko at nagsitayuan ang buho ko.Napansin ako ng tita ko na balisa at di mapakali. Kaya lumapit sya sakin at tinapik ako sa balikat.Hinipan nya ako sa noo at bumaling Kung saan ako nakatingin.Imbis magulat, tumawa pa ang tita ko. sabi nya "Hindi lang yan ang makikita ko!"Nagpaalam ang tita ko na di na kami makipaglibing at uuwi na kami.Pero di nya sinabi ang dahilan kung bakit.Mas Nakakatakot ,kc form na tao pa talaga sya, hindi yung multo na parang usok lang or tranparent.Mula noon di na ako pumPasok sa simbahan kung may patay na di ko kamag anak..second storyItong karanasan ko Clark ,ay noon nagtrabaho ako sa cavite bilang factory worker ng lighter.Ang trabaho ko ay mula 2pm to 10 ng Gabi. Kahit bago pa lang ako sa trabaho, marami akong naging kaibigan agad.Isa na si Ana sa mga bagong nakilala ko. Sya ay tubong iloilo. Tinanong nya ako agad pagkameet namin kung sino ang kasama ko sa bahay na tinitirhan ko.Sagot ko naman, mga kaibigan, tatlo kami sa isang Maliit na bahay. Ang dalawa kong kasama, night shift ang pasok nila. Kaya wala akong kasama tuwing Gabi sa tinutuluyan ko.Dating tindahan yun tinitirhan namin at Pinaupahan na lang ng may ari.Matapos kong sabihin yun, walang ano ano biglang sinabi nya sa akin,"Alam mo friend, mas mabuti pa kung kaibigan mo ay aswang. Wag lang magnanakaw."Labis akong nabigla at nagtaka sa kakaibang sinabi nya sakin. Napaisip ako kung bakit nya nasabi yun.Pero binalewala ko na lang muna yun. Pagkatapos ng shift, agad akong nag-jeep pauwi samin at bumaba ako ng tanza, cavite.Pagbaba ko ng tanza,sumakay naman ako sa tricycle.sabi ko sa driver, "ma, sa pangalawang kanto nlang."Pumara ang tricycle driver at bumaba na ako. Hindi ako nakapasok agad sa bahay kasi sumuksok sa pinakailalim ng bag ko yung susi ng pinto.Habang hinahanap ko pa ang Susi sa bag ko, may narinig akong tunog, tik tik tik. Lumakas ang kabog ng puso ko, alam ko kung ano ang tunog na yun. Swerte at nahanap ko rin yung susi at pumasok na ako sa bahay pagkabukas.Nakiramdam ako, paikot ikot ang tunog na tik tik tik sa buong bahay.Pero pinilit ko itong wag pansinin. Habang nagwawala sa labas ang tik tik, Kumain na ako ng dinner at hindi na ako lumabas ng bahay para magsipilyo.Ang kusina kc namin ay nasa labas ng bahay. Nahiga na ako pagkatapos kumain at nagbasa ng pocket book.Habang nagbabasa ako, bigla na lang nawala ang tunog ng tik tik.Di naman ako nakaramdam ng takot dahil naisip ko na ligtas ako hanggang nasa loob ng bahay. Habang nagbabasa, Naririnig ko na naman ang kaloskos na parang pusa sa may dingding ng kwarto namin Na gustong pumasok.Hinayaan ko lang, para di ko mapansin, nagbasa lang ako ng pocket book.Sinilip ko sa may siwang ng dingding, nung medyo nacurious ako.Nakita ko ang malaking pusang itim. Nagtataka na ako dahil wala man lang may nakarinig sa kapit bahay namin sa tunog ng tik tik.Habang nakahiga ako, naisip kong saksakin sa siwang ang nag anyong pusa na tiktik.Pero di ko tinuloy ang balak ko.Kc baka kung masaktan ko sya at pasukin na talaga nya ako sa loob ng bahay.Kaya hinayaan ko nlang ang tiktik na paikot ikot sa bahay namin.ako naman ni katiting di man lang nakaramdam nagtakot.4 o'clock na ng madaling araw nawala na ang tiktik At natapos ko rin basahin ang pocket book na binabasa ko.Di alam ng tiktik, Kinikilig pa ako sa love story na binabasa ko.Di na ko natulog, Inantay ko na lang ang mga kasama ko dumating At sinabi ko sa kanila ang naranasan ko.Takot na takot sila kaya nagpasya na kami lumipat ng titirhan.Habang tinatapos namin ang isang buwan sa bayad sa bahay, may nangyari na naman,Araw ng lingo at wala kaming pasok. NASA bahay lang kaming 3 Naggabing iyon. Naghahanda na kami matulog, nang biglang umalalong ang 2 aso ng kapit bahay namin .Natakot ang 2 kong kasama na tawagin na lang ntin na bhes at cristy. Kc usap usapan doon na may nagpapakitang daw na white lady at Kung saang gate papasok ang white lady, doon ay may mamamatay. Nagsimula ito nung may tricycle driver na nakakita ng white lady na pumasok sa gate ng kapitbahay namin.kinabukasan, nabalitaan na lang na may namatay sa bahay na yun.Kaya kahit di pa tapos ang 1 buwan sa tiniturhan namin na bahay aynagalsabalutan na kami dahil takot na takot ang mga kasama ko.Kinabukasan, lunes, pumasok ako sa trabaho.tinanong ako ni Ana bat wala na ako sa bahay na tinitirhan ko.nagtaka ako kasi wala naman akong pinagsasabihab Kong saan ako nakatira.kaya sa tingin ko, si Ana ang tumiktik sa bahay namin nung ako lang mag isa.Sinubukan kong tingnan sya ng diretso sa Mata pero di sya makatingin ng deritso sa akin. Nangilabot ako Kaya kinabukasan, nagresign ako agad sa trabaho ko para iwasan ko si ana.Maayos naman ang lahat ng mga dalawang buwan doon sa bagong tinitirhan namin.Kampante ang mga kasama ko kasi maganda daw ang nilipatan namin.Lingid sa kanila, may kasama kami sa bahay na taong anino.Isang araw, sabado, nakahiga ako paharap sa pinto.Halos kagigising ko lang. yung kasama ko si bheng, naglalaba. Si cristy naman natutulog pa.Habang nagmumunimuni pa ako, nakita ko yung taong anino na papasok ng bahay habang si bheng naman palabas ng bahay para magigib ng tubig dahil magbabanlaw na sya ng damit na nilabhan nya.Di nya sinasadyang Nabangga yung taong anino dahil di nya naman ito nakikita. Naramdaman ko ang labis na pagkamuhi at galit ng taong anino kay Bheng. Nilingon sya at marahas na tinulak. Agad na na out balance si Bheng at lumagapak sya sa sahig.Nakita ko kung paano sya tinulak kaya napasigaw ako, "wagggggg!!!!!"tumakbo ako para tulungan kong makatayo ang kaibigan ko at nakita ko ang mga sugat nya. Sobrang daming gasgas sa dalawang tuhod, Sa dalawang siko, Sa baba at sa tungking ng Ilong nya. Umiiyak si Bheng sa sobrang sakit ng injury nya.Yung taong anino, nakatunganga sakin. nagtataka na nakikita ko sya.Sinabihan ko ang anino, "Please wag kang manakit, di ka naman nakikita ng kasama ko."sabi ko Kay bheng, "humingi ka nalang ng sorry sa aninong itim. Andyan sya sa harapan mo."Bagamat lito dahil sa nangyari at nanlalamig sa takot, nagsorry na lang si bheng habang umiiyak at nagpakumbaba at nagsorry din ang taong anino.Mula noon maganda na ang samahan namin,..3rd story2nd story.Ang kwento ko po ay tungkol sa Tito kong nagpalaki sa akin..Isang Gabi, nagalburoto ang tyan ng Tito ko.Noong panahaon na yun, wala pa kaming cr sa bahay. Nakikigamit lang kami sa kapit bahay namin. NASA labas lang ng bahay nila ang kanilang cr,kaya pwede kami makigamit.Nang gabi na iyon ay alas 3 na ng madaling araw at Dahil sarado ang gate ng kapitbahay, nahiya syang mangising kahit natatae na talaga sya.Nagpasya ang Tito Kong magbawas na lang sa likod ng bahay namin.Meron namang punong saging na natumba kaya doon nya naisipang umupo para magbawas. Naisip nya na wala naman makakakita sa kanya dahil mataas na ang tubuhan at may malaking puno ng kawayan sa likod ng bahay namin At wala pa kaming ilaw noon.Liwanag lang ng buwan ang ilaw nya.Nung matapos na syang tumae, akmang tatayo na sya para umalis nang may bilang dumagan sa kanyang likuran.Sa sobrang gulat at puwersa ng pagdagan, nahulog sila sa tubig kanal.Buti na lang may tubig kaya naanod na ang kanyang ipot.Para mapigilan ang sarili na tuluyang mahulog sa kanal, nagkiwal kiwal ang kamay ng tito ko at may nadakma sya na bagay.Napagalaman nya na buhok pala ito at nakutuban nya na babae ito dahil mahaba. Nahila ang babae na dumagan sa tito ko at nagPagulong gulong silang dalawa.Di naman nagpatinag ang tito ko. Kahit maliit ang Tito ko, matapang naman sya at nakipagsabunutan sya sa taong yun, na agad na pumasok sa isip ng tito ko na isang aswang. Dahil walang dala ni kahit maliit na kutsilyo ang Tito ko, wala syang nagawa kundi makipagbuno sa babaeng aswang. Sinabunutan nya ito, kinalmot, sinipa, siniko, binalya, lahat ng pwede gawin. Ito rin naman ang ginagawa ng aswang sa kanya.Di sya nagpadaig sa kaaway nyang aswang, tuloy tuloy lang sila sa pag-aaway.Nang biglang tumilaok ang manok at naramdaman ni tito na nagulat ang aswang dahil alas singko na nag umagaKaya initsa ng aswang ang tito ko at kumaripas ng takbo sa tubuhan.Hapong hapo na umakyat ang Tito ko sa bahay, puro malulutong na mura ang lumalabas sa bunganga nya.Hindi ba daw namin narinig ang sigaw nya? Natatawa ako kasi yung itsura ng Tito ko, nanlilimahid sya. Mula ulo hanggang paa, puro putik buong katawan nya.Unbelievable na ni isang galos sa katawan, wala ang Tito ko! Ang galing nya noh.Bilib na bilib ako sa Tito ko kung paano sya nakipaglaban sa aswang na di sya napagod mula alas tres hanggang alas singko ng umaga at walang sya sugat ni isa..ang galing nya talaga aswang pa ang tumakbo sa kanya. Partida, wala pa syang sandatang dala at di pa sya nakakapaghugas ng pwet.Pangalawan beses na nkipagaway ang tito ko sa aswang ay yung nagwawalis sya ng madaling araw.Ayaw nya kcing mapagod ang Lola ko kaya sya na ang nagwawalis.Tatlo lang kami sa bahay, ang Lola ko, Tito, at ako.Habang sya ay abala sa pagwawalis, may babae aswang ang tumalon na naman sa likod nya. Mukhang tingin yata ng mga aswang kay tito ay daga at sila ang pusa, dinadamba na lang sya ng ganun ganun lang.nagpagulong gulong sila hanggang sa likod bahay namin.padaosdos kc ang lupa kaya umabot sila sa likod bahay. Habang nakikipagaway si tito sa mapangahas na aswang, naalala nya si maria labo, ang aswang na umabot doon sa amin.Sinabi nya, "maria labo, ikaw ba yan?"Natigilan ang aswang at tinulak palayo si tito. tumakbo si maria labo at nakonfirma ni tito na sya nga ang umaway sa kanya. Makaraang ng ilang lingo, nakinood ako ng TV sa kabilang baryo at maraming kaming mga bata, mga sampu kami.Sabado yun kaya nakatakas ako sa bahay namin, ayaw kc akong payagan lumabas kaya tumatakas ako.Dahil alas dyes na naggabi at wala pa ako, sinundo ako ng Tito ko.Habang naglalakad sya, may yumapos sa kanya at bigla syang hinalikan sa labi.Nagulat ang Tito ko, akala nya aswang na naman. Pero nagtaka sya bakit sya hinalikan sa labi.Nag akmang nanakawan na naman sya ng halik, tinulak nya nang malakas ang babae. doon nya nakumpirma Kung sino yun.Tumakbo sya sa kung saan ako nakinood ng TV. Hapong hapo ang Tito ko at galit na galit sa akin.Sabi nya, "Hoy, letse kang bata ka! umuwi na tayo!"Kaya umuwi na kami, napakamot na lang ako sa ulo.Sa kabilang daan kami dumaan na labis na pinagtaka ko. Pagdating namin sa bahay, nagkwento sya kung anong nangyari sa kanya.Sa kapilyahan ko ay nasabi ko, "Tito, bakit di mo tinikman sayang naman yun! Di Sana nakatikim kana..hahaha"Sabi nang tito ko, "wag na baka may sakit pa yun mahawa pa ako!"Akala ng Tito ko aswang na naman yun! kc 3 beses na sya nakikipag away sa aswang.Pero imbis ang Tito ko ang tumatakbo sa aswang, ang aswang ang tumatakbo sa Tito ko.

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon