Kuwentong Negros

94 3 0
                                    

Hi Clark, at sa lahat ng mga nanunuod or nakikinig ng Dolls and Spooks. Tawagin mo nlng ako sa pangalang Janna. First time kong magshare ng true to life stories and experiences ko lalo na sa mga kababalaghan na ako mismo ang nkaranas. By the way Clark, di mo na ako kelangan i-shout out, nakikinig nman ako lagi dito sa page mo. Dahil first time kong magshare ng mga stories, mejo mahaba-haba din ang ise-share ko.Bale tatlong kwento ito. This is my first story..Nung bata pa ako, mga nasa 12 years old ako nun, yung bahay namin dati ay parang kubo lng na katamtaman lng yung laki..may isang kwarto lng at sala tapos maliit na kusina. Yung bubong namin ay pawid lng, yung sahig naman nmin ay gawa sa kawayan tapos may silong sya na mejo mataas ng konte. By the way, sa probinsya ito nmin somewhere in Negros Oriental. Di ko na babanggitin ang exact place, bsta dun lng banda. Ayun na nga, around 3am papunta na yung papa ko sa dagat kasi mangingisda sya. ako at yung bunso kong kpatid na nsa 10 years old pa lng nung time na yun ang bukod tanging naiwan sa kubo naming bahay nun..Bale, lima kaming magkakapatid..At ako lng ang babae, at pang-apat ako sa sa amin. Nung time na yun kase, wla yung Mama ko kasi bumisita sa lugar nila, part prin ng Negros Oriental pero malayo sa lugar namin. Yung panganay kong kuya ay maagang nag-asawa kya nka-separate na sila ng bhay. Yung pangalawa nman, andun sa bhay tlga ng lola ko nkatira which is katabi lng nman ng bhay nun, at yung pangatlo nman nsa Maynila na nung time na yun at nagwowork. (6years gap kase kmi nung kuya kong pangatlo) So balik tayo dun sa kwento. Pagkaalis ng Papa ko pra mangisda, ilang minuto lng ang lumipas nun, nkarinig ako ng parang may naglalakad sa buong bhay namin..Nakikiramdam lng ako ng tahimik, habang nkahiga, nilibot ko yung mga mata ko sa paligid ng kabahayan. Mejo madilim ang paligid, wla pa kase kaming kuryente nung time na yun, pero may isa kaming bombilya nun dhil nakikikabit kami dun sa bhay ng lola ko. Binubunot lng ang saksakan kpag umaga na. Tapos sa mismong bhay nmin, wla kaming switch ng ilaw. Bale ang ginagawa lng nmin nun, niluluwagan lng yung bombilya kpag papatayin na tas hihigpitan ulit kpag sisindihan nman. So, ayun na nga, di na ako bumalik sa pagtulog kase may naririnig nga akong umaali-aligid dun sa bhay nmin nung pagkaalis ng Papa ko. Habang nagmamatyag ako, bigla akong nagulat dhil biglang kinaluskos yung dingding namin, kung saan pa tlga ako banda nkapwesto ng higa. By the way, nsa sala lng kami nkahiga nung time na yun..Yung dingding pla nmin, yung kawayan lng na maninipis na parang tinirintas.biglang kinaluskos yung dingding nmin ng ganun ng paulit-ulit..Sobrang kaba ko tlga nun..khit madilim, tumayo ako pra buksan yung ilaw pero pambihira, ayaw sumindi,di ko alam ko kung bakit, bka binunot na yung saksakan dun sa lola ko..Bumalik ulit ako ng higa, at kinakapa ko yung buntot pagi na ang pagkakaalam ko eh nsa uluhan lng nmin..pero di ko makapa..di ko alam kung nasaan..biglang tumahimik yung paligid..Nangangatog na tlga ako sa takot. Pero di ako nagpapahalata na sobrang takot na ako. Bigla ulit kinuskos yung dingding namin..Niyakap ko yung kpatid ko nun na sobrang himbing ang tulog...Kinapa ko ulit yung sa uluhan nmin hanggang sa may nkapa akong prang bakal na mejo mabigat at binato ko dun sa may dingding na may kumakaluskos..Tas biglang tumahimik.. Nagulat ako nung sa may likod ng bhay nmin na katabi lng ng cr nmin nun, may puno kami ng kaimito dun na mejo malaki. Bigla ba nmang inuga-uga at ilang minuto lng, yung dingding na nman kinaluskos ulit.. Khit nangangatog na ako sa takot, nilakasan ko prin ang loob ko at sumigaw ako ng " Hoy!!! Isusumbong kita sa Papa ko bukas, kilala kita, humanda ka lng!!! " tas bigla ulit tumahimik ang paligid..Mejo lumakas yung loob ko nung nkapagsalita na'ko. Sa isip-isip ko, sna po Lord mag alas-kwatro na pra may tao ng gising na kpitbhay..Yung bhay kase namin mlapit dun sa gripo na pangkalahatan, at pagdating ng 4am, nag-uumpisa ng maglaba yung magkakapatid na kpitbhay lng nmin.. At yun na nga, ilang minuto pa ng lumipas nawala na yung "Aswang" kase naririnig ko na sa gripo na may naglalaba na at may sulo na nkasindi..Pagdating ng Papa ko galing laot,kinwento ko sa knya agad yung ngyari kya kpag wla Mama ko sa amin, yung kuya ko ang iniiwan pra bantayan kami.. Sa totoo lng, hanggang ngaun, napapaisip prin ako kung " Ano, or Sino " kya yun at tlgang kami pa tlga ang npagtripang takutin nung time na yun..My Second Story.. Confirmed na Aswang na tlga 'to..Nsa 4th year High School na ako nun, iba narin yung bhay namin dito, malapit lng din sa dati naming bhay na kubo pero wla na kase yun, nsira na nung may bagyong malakas na dumaan sa lugar namin nun.. This time, semento na yung bahay namin, at mejo malaki na sya..Yung sahig namin, semento narin pero yung bubong pawid parin nun, yung mga bintanan nman nmin kawayan sya..At may sarili narin kaming kuryente.. Hanggang 4th year High School lng ako nung last na tumira sa probinsya namin kase after ko gumraduate ng High School sa Maynila na ako nagcollege.. Anyway, back to the story, nsa 4th year high school na nga ako nun ng mka-experience ako ulit ng kababalaghan.. Dahil wla pa kaming sariling TV nun, at Betamax din ang uso pa nung time na yun, yung routine namin gabi-gabi ay gan'to..6pm palang naghahapunan na kami, at dhil ako lng ang anak na babae sa bhay namin, ako ang tga-linis, laba at tga-hugas ng pinggan after kumaen..So nung gabing yun, 6pm plang naghahapunan na kami, tas ako ang naghugas ng pinagkainan..Konting pahinga lng, at bago mag 7pm, sbay-sbay na kaming aalis ng bhay pra makinuod ng BETAMAX sa kpitbhay namin, at nagbabayad kami ng piso per head....From 7pm, natatapos yung pelikula ng mga 9pm.. Nung time na yun, nauna na yung Papa ko at bunso kong kpatid na umuwi khit di pa tpos yung pelikula..So, ibig sabihin ako nlng ang uuwing mag-isa sa bahay, kase yung pangalawa kong kuya dis-oras na sya minsan umuuwi dhil tumatambay minsan ksama mga tropa nya.Nasa amin na kase ulit nkatira yung kuya kong pangalawa eh..Yung panganay nmin, katulad ng binanggit ko knina, may sarili na silang bhay ksama asawa nya at isang baby nila na babae..Yung pangatlo ko nmang kuya na dating nkpagtrabaho sa Maynila, nkauwi nrin sya at nag-asawa na (Pero hindi sila sa amin nkatira, dun sa side nung napangasawa nya na mejo ilang baranggay din ang layo sa amin ). At nung time na yun, kya pla umuwi yung Papa ko at bunso kong kpatid dhil dumating pla silang mag-asawa ksama yung baby nila na babae din, nsa mga 2-3 months plng siguro nung time na yun. Pero ako, nung oras na yun, di ko alam na dumating pla sila kase umalis sila Papa ko di na nkapagpaalam sa akin na uuwi na.. Pero binalikan din nila ako..Pumasok ulit sila dun sa bhay kung saan kami nkikinuod at sinabi sa akin ng Papa ko na antayin nlng daw nila ako sa labas ng bhay nung may Betamax.. sabi ko nman, ok po.. So, pagkatapos nung pelikula around 9pm, lumabas na agad ako.. Akala ko andun pa sila Papa pero umuwi din pla, nainip siguro..Love story kase yung palabas eh..Ayaw nila ng ganun, gusto nila mga Action Movies.. Mejo marami-rami din nman ang nkinuod nung time na yun, yun nga lng, wla akong makakasabay pauwi na banda lng sa amin..Ako lng tlga mag-isa..Sa totoo lng, di tlga ako natatakot kase sanay na nman ako eh, halos gabi-gabi naming routine yun eh..tsaka di nman masyadong madilim sa kalsada nun kase ang liwanag ng buwan at mabilog pa nung gabing yun. Yung bhay namin, tabi lng ng kalsada, at ang tapat nun ay Elementary School at sa likod ng school ay bundok na. Sa likuran nman ng mga bhay bhay dun sa amin ay dagat na agad.. Habang naglalakad ako pauwi, mejo malapit lng nman pauwi sa bhay, pakanta-kanta pa ako nun..Mabagal lng yung lakad ko..Tas may patingin-tingin pa ako dun sa school na katapat ng bhay namin..Wla nman akong ibang naramdaman na weird maliban nlng nung nsa may bakod na ako papasok sa loob ng bakuran nmin..Yung bhay kase namin, nkabakod sya ng kawayan na may mga patusok na style at sa gilid ng kalsada lng talaga. sa labas ng bakuran namin may isang malaking puno ng kaimito na napakayabong ng mga dahon..Kya khit yung kpitbhay nmin ang may-ari nun, pati sa bakuran nmin umaabot yung sanga nya kya sobrang dami lagi ng dahon na winawalis ko..Di ko maintindihan yung feeling ko nun habang tinatanggal ko yung tali sa bakod..Para kasing biglang ang init ng feeling ko na prang gusto ko ng tumakbo papasok ng bhay..Pero grabe, napapamura ako sa isip-isip ko dhil di ko matanggal-tanggal agad yung tali..Eh dati rati nman, hangga't hindi kumpleto sa loob ng bhay, di namin tinatali yung bakod..Sinasara lng namin na di nkatali..Pero nung time na yun, pambihira, nanggigigil tlga ako dun sa tali.. Maliwanag nman sa harap ng bahay namin, kase magdamag lng nkasindi yung bombilya..Simula dun sa bakod namin, ilang hakbang pa papunta dun sa pinto ng bhay namin.. Sa awa ng Diyos, nabuksan ko din yung bakod dhil pinwersa ko na tlga.. Pagkapasok ko sa bakuran namin, sinarado ko lng yung bakod at di ko na nilock at tumakbo na ako agad sa may pinto..Nakasarado lng ang pinto pero di nka-lock..Ganun kase kami dati sa bhay..Hangga't di pa kumpleto sa loob ng bhay, sinasarado lng namin tas hinaharangan lng namin ng silya na mejo mabigat para alam nmin kpag may pumasok sa loob. So, ayun na nga, nilock ko agad yung pinto pagkapasok ko ng bhay. Nagulat ako, andun nakahiga sa sala yung bunso kong kpatid..nagising Papa ko, sabi nya nsa kwarto daw nmin ng bunso kong kapatid yung kuya ko ksama asawa at baby nya..Ang sabi ko nman sa Papa ko, cge Pa, ayos lng..Dito na muna kami sa sala matutulog. Tatlo ang kwarto namin nun sa bhay, isa sa kuya kong pangalawa, sa amin ng bunso kong kapatid at yung sa magulang namin..Nung time na yun, wla na nman yung Mama ko nun, nsa Maynila sya nun...kya kami-kami lng tlga sa bhay.. Ang ginawa ng Papa ko, sinamahan nya kaming matulog sa sala..Yung pwesto ko tabi ng bintana at nkaharap din ako sa bintanang yun habang natutulog..Sa gitna nman yung bunso kong kpatid at yung Papa ko na.Wla nman akong nkitang aswang, naririnig ko lng pero di ko pinapansin kase nkasanayan ko ng matulog tuwing gabi na laging may naririnig na kwi-kwi or kwak-kwak..kya deadma lng tlga ako..prang ginawa ko na ngang pampatulog yung ganong mga klase ng hayop na naririnig ko eh.. Paggising ko kinaumagahan, nakagawian ko ng kunin yung katamtamang laki ng salamin na nkasabit dun sa sala namin at nililipat ko dun sa may sulok ng bintana sa sala at nkaupo ako habang nagsusuklay ng mahaba at maganda kong wavy na buhok. Daily ko tlgang ginagawa yun, kumbaga dun tlga ang pwesto ko lagi sa bintanang yun sa may sala kasi maliwanag dun. Habang nagsusuklay ako, una kong napansin yung mga kamay ko. May para syang mga dugo pero prang nsa loob ng balat..Alam nyo yun, ang weird lng tlga..Dali-dali akong tumakbo dun sa kusina at sinabunan..Ayaw prin matanggal..Eh uso nung time na yun sa amin yung Chlorine na powder na di gaanong durog pampaputi sa mga damit.. Yun nman ang ginamit ko sa kamay ko pra matanggal lng ang kung anumang mantsa or mga dugo sa mga kamay ko.. Pero ayaw tlga matanggal..Pmunta akong CR pra tignan kong meron akong mens,pero wla nman..So, pinabayaan ko nlng. Balik ulit ako sa pwesto ko at nagsusuklay ulit.. Walang anu-ano, biglang humapdi yung sa may left side kong leeg. Paghawi ko ng mga buhok ko at damit, nagulat tlga ako at may talong kalmot ng mga matutulis na kuko, kase sobrang prang manipis na mejo mabaon yung pagkakalmot.. At eto pa, pagtanggal ko ng blouse ko, sa bandang puso ko at likod ko sa left side parin, may tig tatlong kalmot din..Naisip ko, paano kya nangyari yun eh wla naman akong naramdaman nung gabi na yun maliban dun sa may labas ng bakod na parang init ng feeling na di ko mawari.. Kya tinawag ko yung Papa ko, pinakita ko sa Papa ko yung mga kalmot.. Bigla syang tumahimik saglit at kinwento nga nya na past 7pm palang pla nung gabi na yun, may umaali-aligid na nga raw na aswang sa bhay namin..Kase nga andun yung baby sa bhay..Kya lumabas daw ang kuya ko nun at nagsunog ng goma dun sa mismong tapat ng bintana ng kwarto namin kung saan sila natulog nung gabi na yun.. "Ay ganun po ba..kya pla prang kakaiba yung feeling ko kgabe nung umuwi ako galing nanuod ng Betamax.." yun nlng ang nasabe ko.. Biglang sabi ng Papa ko sakin na samahan ko daw sya dun sa Albularyo.. Nsa kabilang baranggay namin nkatira yung albularyo na yun..Lalaki sya at kilala tlga syang magaling manggamot.. Napakabait pa..Yun nga lng, mejo aakyat pa ng bundok dhil nsa bundok yung bahay nila at wla silang ibang kapitbahay.. Ang sabi sa akin nung albularyo, ang swerte ko daw dhil sobrang lakas daw ng pananampalataya ko kay God kya di daw ako nkuha nung aswang. Pero kelangan ko daw mag-ingat at hangga't maaari, wag daw ako lumabas ng bhay sa gabi ng wlang ksama. Binigyan din nya ako nung pangontra sa aswang..Kwentas sya na inorasyonan nya mismo..Lagi ko daw susuotin.. Simula nun, di na ako pinapalabas ng bhay ng wlang kasama lalo na kpag palubog na ang araw..Kase sa parte ng kabisayaan, sa totoo lng, madami tlgang aswang..Next time, ikukwento ko nman sa inyo yung mismong kapitbhay namin ngaun, take note, kapitbahay lng tlga namin, as in magkatabi lng ang bhay namin sa pamilyang aswang.. Eto nman yung third story ko. Hindi sya about sa aswang..Tungkol ito sa multo.This time, year 2007 na nangyari 'to, graduating ako ng College at nsa Maynila na ako nkatira ng mga panahong 'to kase after ko gumraduate ng High School sa probinsya namin, pumunta na nga ako ng Maynila. ksama ko nman sa mga panahong 'to yung Mama ko..Sya ang kasama ko sa Maynila nung nag-aaral ako ng College.. By the way guys, di nman kami mayaman, pumasa lng ako ng scholarship kya wla akong tuition na binabayaran..Scholar ako nun at the same time, working student din..Yung school ko ay around Manila lng, along Taft Avenue.. Isang Catholic School at dating All Girls School..Pero ngaun Co-ed na sya.. Maliban dun sa pagiging Full -time scholar ko sa school namin nun, isa din ako sa nabiyayaan maging scholar sa Malate Church..Dun nman, sobrang higpit din ng labanan, bwal bumaba ng 85 yung lahat ng subjects mo..Isang beses or isang subject ka lng magkaroon ng below 85, goodbye scholarship kna agad..Sa awa ng Diyos, nairaos ko nman ang pagiging scholar ko nun.Dahil nga working student din ako nun, start ng pasok ko is 2pm-9pm.. Pero kalaunan, nung malapit na akong gumraduate ng college, nagstop din ako magworking student dhil sobrang nkakapagod tlga pag pinagsasabay-sabay ang school at work..Tutal nman may monthly allowance ako sa dun sa Malate Church, dun ako kumukuha ng monthly na bayad ko sa dorm..di nman kalakihan nung time na yun yung bayad dun sa dorm namin dati at nilalakad ko lng papasok sa school.. Sobrang nagtitipid tlga ako nun, minsan lng ako nanghihingi ng pera sa Mama ko nun kpag kinakapos tlga ako..Yung Mama ko pla, nkatira sa kamag-anak nmin nun sa side nya.. Anyway, bago ang graduation, mayroon kaming Youth Encounter nun pra sa lahat ng scholars ng Malate Church nun..About sa Global Warming yung topic nmin. Dun namin ginanap yun sa part ng Silang Cavite, nsa loob sya ng bundok, mayroong isang 3 storey native house, tapos maraming puno at mga halaman sa paligid tas may isang open kitchen na nka-separate dun sa 3 storey. 3 Days and 2 Nights kami dun. Nung last night namin dun, nagbonfire kami at meron din kaming sharing, ganyan.. Dun din ako unang tumugtog ng gitara at kumanta sa harap ng marami-rami ding tao.. Nsa Almost 40 din kami nun, lahat kami scholars ng Malate Church at iba-ibang Universities at courses. So, after ng activities namin nung gabing yun, I think, around 10pm din kami natapos nun..Bumalik na kami sa Native House dun at matutulog na kase babalik na nga kami kinabukasan nun sa Maynila. Lahat ng girls, nsa 2nd floor, at lahat nman ng boys, nsa 3rd floor. Yung pinaka 1st floor nman, andun natutulog yung isang Pari at mga care takers ng lugar na yun..Mejo may kalakihan yung bahay, bawat floor may banyo. Sa mga nkasama kong scholars na nandun, may dalawa akong ka-close dun.. As in, super friends tlga kami, dahil bukod sa iisa lng kami ng school, same course din kami at magkaklase tlga sa halos lhat ng subjects. So ayun na nga, tabi kaming tatlo sa higaan, pero kanya-kanya kami ng kutson at tig-iisa din kami lhat ng kulambo. Dhil malamig nman dun sa bundok, lahat ng mga bintana sa bahay na yun ay bukas lng khit gabi kase wla kaming ginagamit na Electricity. Lahat ng kinakain namin din dun at ginagamit ay pawang mga Organic lng.. Mejo malamok lng tlga dun kya lahat kami may kulambo. Ang pwesto namin sa higaan ng mga friends ko ay nsa bandang hagdanan.. Bale, yung mga ulo namin ay nkatalikod sa pintuan at hagdanan na paakyat ng third floor, sa right side namin ay bintana, at left side naman ay eksaktong tapat ng CR ng 2nd floor..Kumbaga, iisang kwarto lng yun na malaki at tabi-tabi kami lhat ng girls na natutulog.. Napagitnaan ako ng dlawa kong friends na sina Regie at Rose. Kwentuhan muna kaming tatlo at kulitan pero halos pabulong lng kase tulog na yung iba..Tsaka sobrang tahimik tlga ng paligid, mga kuliglig at palaka lng ang maririnig mo. Nagtatawanan pa kami nun pero sobrang pigil ang mga tawa namin, hanggang sa namalayan ko na tulog na pla yung friend kong si Regie na syang malapit sa may bintana nkapwesto. Humarap ako ng higa dun kay Rose at sinabi na tulog na nga si Regie. Pero tuloy prin kaming dlawa sa kwentuhan at kulitan ng pabulong lng.. Sobrang hirap tlga magpigil ng tawa ng pabulong.Hanggang sabi ko kay Rose na, tama na, tulog na tau maaga pa tayong magpeprepare bukas pabalik ng Maynila. Sabi nman nya, ok cge tulog na tayo.. Paharap ako sa may bintana nkahiga, sya nman paharap sa may CR. Nang bigla nya akong kinalabit tatlong minuto palang ata ang nkalipas nun. hinarap ko sya at tinanong kung bakit. Ang sabi nya, "Bes, nkkita mo ba yang pinto ng Cr?" Eh di tumingin ako bigla sa may pinto ng CR, tinitigan ko, di nman sobrang dilim ng paligid kya nakikita ko. Nagulat ako kase bukas-sara yung pinto kahit wla nmang tao. Tinitigan ko tlga ng mabuti kase bka kung ano lng..Pero ganun prin tlga eh..Sa totoo lng, nung gabing yun, wla tlagang kahangin-hangin na malakas pra magkakaganun yung pinto. At isa pa, mabigat yung pintuan ng CR , wooden door sya kya di bsta bsta gagalaw ng ganun lng. Nung marealiz namin ni Rose na totoong gumagalaw nga yung pinto ng CR, biglang kaming nagtalukbong ng mga kumot namin.. Can you imagine guys, after ko magtalukbong ng kumot, I think wla pang 2 minutes, bigla akong nkatulog. Eto pa ang malupet, nagpakita sakin yung guy na multo habang nakatulog or napaidlip ako. Sa panaginip ko, nakita ko syang nkaupo dun sa may bintana at may katabing aso na puti at nkatingin sa akin habang nkahiga ako sa ganong pwesto ko ng higa. Sobrang lungkot ng mukha nya. As in, ang lungkot nya tlga. Tas ang ginawa nya, lumundag sya pababa ksama ng aso nya palapit sa akin. Tumayo sya sa mismong harapan ko kung saan ako nkahiga, nakatitig lng sya sakin na may malungkot na mukha. At yun, bigla akong nagising..Nagulat pa ako kase kinukurot ako ni Rose. Sabi sakin ni Rose ng pabulong na, "Hoy bes, grabe ka, tinulugan mo ako smantalang takot na takot ako dito dhil grabe yung multo na nagpaparamdam dito." Nakatalukbong prin kami ng kumot nun, at ako, sobrang pawis na pawis na tlga.. Di ako nagsalita, pero pinisil ko lng yung kamay nya pra ipaalam na gising pa ako. Gising na gising na ako nung mga oras na yun nang may naririnig kaming dlawa ni Rose na maingay sa labas ng pintuan namin, yung Wind Chime sa labas na maingay, at sa uluhan mismo namin na parang may plastic na ginagalaw-galaw kya sobrang ingay. Cguro almost 3am na yung time na yun..Napaisip ako, may ibang mga kasamahan kya namin dito ang nkakarinig sa mga naririnig namin? pero parang wla nman..prang sa aming dlawa lng tlga sya nagpaparamdam nung time na yun. Nkatalukbong parin kami ng kumot nun ng biglang sa uluhan namin may nag-growl..as in feeling ko, malapit lng sya tlga sa ulo ko..nagpisilan na nman kami ng mga kamay ni Rose nung marinig nmin yun. Grabeng pawis na pawis ko na tlga na sobrang takot pa.. Yun yung huling ginawa nya bago tumahimik yung paligid. Yung itsura pla nung lalaki sa panaginip ko, nka tshirt sya na black na may print sa harap, nka 6 pocket syang short na khaki, prang nsa 1 length short yung hair nya na straight at alam ko gwapo sya tlga. Di ko totally nakikita yung mukha nya pero alam ko gwapo sya. Naglalaro sa 26-27 yung edad nya.. Hindi ko alam kung bkit sa amin sya nagparamdam, at thankful prin ako dhil sa panaginip lng sya nagpakita sa akin. Alam nya cguro na bka di ko kyang mkita sya ng gising ako kya sa panandaliang panaginip sya nagpakita sa akin. Malungkot siguro yung mukha nya sa panaginip ko dhil alam nyang uuwi na kming Maynila kinabukasan nun.. Halos wla pla kaming tulog nun ni Rose nung gabing yun, at pagbangon ko kinaumagahan, nagulat ako andami kong paso sa kaliwang braso ko..Sabi ni Rose mga kurot daw nya yun kase bigla nlng daw akong natulog kya ginigising nya daw ako pero di daw ako magising-gising kya pinagkukurot daw nya ako.. Kinwento ko sa mga close friends ko yung ngyaring yun. Biglang sumagi sa isip ko nun,kung sya kya yung tinutukoy na "Old Man " na lagi kong naririnig sa mga kasamahan nmin nun na lagi daw nagpaparamdam sa bhay na yun tuwing may mga events dun.. Pero pinagkibit balikat ko nlng din yung naisip kong yun kase di nman sya mukhang "Old Man" . Hanggang sa bumalik na kami ng Maynila, naiisip ko prin yung nangyari na yun at yung lalaking Multo. Pero dhil nga busy sa upcoming graduation namin nun, nawala din sya sa isip ko nun.. But believe me guys, sinundan nya ako hanggang Maynila. Pero sa next story ko nlng yun kase napakahaba na ng mga kwento ko. Sna po nagustuhan nyo. Lahat po ng mga kwento kong ito, ay totoong pong ngyari sa buhay ko. Yun lamang po. God Bless Us All.. Thank you Clark for reading my long my stories.

DollsAndSpooks StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon